Kabanata 12

21 5 10
                                    

Kabanata 12

Proteksiyon

[SERAPHINA EMBERHEART]

Kinaumagahan ay may naririnig akong mga tunog ng mga tambol at parang tunog ng kung anong metal na pinapalo gamit ang kahoy.

May nilagay silang blockade para hindi basta-basta makapasok ang sinumang nilalang sa Eldoria. Binalaan na ako ng dalawang diyos at nasa panganib nga ako, hindi niya ako pwedeng makuha.

Maya-maya ay nakita ko ang Earth Guardian na si Terramore na pinupulong ang mga bawat nilalang sa paligid dahil na rin sa nakaambang panganib.

“Hindi siya pwedeng makuha ni Aquanis,” sabi nito sabay kumpay ng kaniyang mga kamay. “Kung kinakailangang dalhin siya sa dimensyon ng mga diyos ay ating gagawin.” Pagdedeklara niya at nagpapasalamat akon sa dalawang diyos dahil sa kanila ay nalaman ko kaagad ang binabalak ng diyos ng dagat.

Ang taas pa naman tingin at respect ko rito, parang gusto ko pa siyang makilala pero sa lingid sa kaalaman kong ako na pala ang susunod nitong bibiktimahin.

Napansin niya ang pagdating ko, “Seraphina, kailangan mong lumaban,” nabaling ang atensyon ng lahat sa direksyon ko.

“Killing a god is not a sin,” naalala ko ang sinabi ng dalawang diyos nung isang araw.

Killing a god is not a sin if he dares to do something to you,” pagrereplay nito sa isipan ko.

Bigla akong natulala sandali, “Kung sakali mang mapaslang ko siya, wala bang parusa?” Napalunok ako sa tanong ko.

Umiling siya. “There's no punishment for you to be mandated,” he muttered seriously as I forced a smile onto my lips. “because just like what I said, killing someone higher than you or a god is not a sin unless . . . .” I stared into his eyes, waiting for him to continue his words. “he hasn't done anything wrong.” He finished, his words carrying a heavy aura.

The god of shadows suddenly appeared out of nowhere. “Aquanis, god of the sea, has many victims, but why are his victims those who have been cursed?” he questioned. “We need to turn them back to normal.” He appealed, because I saw in his eyes that he knew everything about the god of the sea.

Nakikita kong gusto na niya gamitin ang abilidad niya para ilagay ang diyos na si Aquanis sa kaniyang sariling bangungot. May kakayahan siyang magbigay ng bangungot o ikulong ang isang nilalang sa kanilang bangungot at kinatatakutan nilang bagay.

Napaisip si Terramore, ang earth guardian. “Guess you're right and have a point, but we should consider their sins,” he pondered for a moment. “They attract him, and even though it was advised that the ocean was Aquanis' area, those girls attracted him and dreamed of Aquanis,” he remarked, his index finger on his chin. He removed his finger when he glanced between the god of shadows and me.

“Marami naman pong mga parusa, bakit kailangang isumpa pa sila?” Wala sa sariling tanong ko na tila sumasalungat din sa sagot niya.

Pinukulan niya ako ng seryosong tingin. “Dahil iyon ang nababagay sa kanila, ilang diyos na ang sinubukan nilang akitin!” Mariin niyang sabi kaya biglang nanuyo ang lalamunan ko.

Napayuko ako bigla.“Paumanhin po,” paghingi ko ng tawad.

“Wala kang kailangang ihingi ng tawad sapagkat naiintindihan ko ngunit may isang babaeng sinumpa ng diyos na walang kasalanan sa isang templo ngunit hindi sa akin ang templong iyon,” mahabang tugon niya. “Isinumpa siya dahil kay Aquanis, ang diyos na iyon ay siyang kinatatakutan ng lahat, she's the god of battle and goddess of wisdom.” Pagpapatuloy nito sa mga salita niya sa seryosong tono ng boses.

Red Roses Where stories live. Discover now