"Ano sa tingin mo Dessa?" tanong nya sa kasambahay.

Si Dessa ang pinili ng kanyang mga magulang na kasama sa kanyang condo. Hindi sya hinayaan na mamalagi ng mag-isa. Kung ituring sya ng pamilya ay prinsesa. Iniingatan at minahal.

"Bagay po sa'yo Miss Lorraine"

"Dessa, pakibuksan yung pinto baka si Dree na yan. Tell him na nagbibihis lang ako"

First date ito nila ni Drix kaya gusto nyang maging maganda sya sa paningin ng binata. Sobrang saya nya nang magtapat ito sa kanya nung nasa Boracay sila. Mahal nya ang binata. Mahal na mahal mula pa nung bata sila.

Nasa ganung ayos sya nang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto.

"Dessa, si Dree na ba yung dumating?" tanong nya habang sinisipat-sipat ang striped-color blue above the knee dress. Pinartneran nya ito ng flat shoes at saka inilugay ang wavy na buhok.

"Ang ganda naman ng dalaga ko!! Inlove?"

Napalingon si Lorraine sa pinanggalingan ng boses. Ang mama nya, si Mrs. Vanessa Cervantes.

"Ma! I missed you" yumakap ito sa ina.

"Hmmm, may hindi ata sinasabi ang baby ko?"

Kumawala sa pagkakayakap si Lorraine. Ang ganda ng pagkakangiti ng mama nya. Sa tingin nya ay bumata ito. Napakaganda ng mama nya.

"Mama naman! Di na ko baby!" natatawang sabi nya.

Natawa na rin ang kanyang mama. "Mukang hindi na nga baby. Tell me may boyfriend ka na ba hija?"

"Ma, I was about to tell you. But--" nakayukong sagot ni Lorraine.

"Who's the lucky guy? Si Drix?"

"Yes ma"

"Hmmm, halika nga rito" Muling niyakap ni Vanessa ang anak. "Your happiness is our happiness hija. I think Drix is a good guy. Wag ka lang nya papaiyakin"

"Mama talaga. He loves me ma, I know he'll never hurt me"

"Sige na at mukang nanjan na ang date mo"

"Kayo na po muna kumausap ma"

"I will. Bilisan mo baka mainip sa'yo ka-date mo!"

-----

"Ano sabi ni mama?" tanong ni Lorraine kax Drix habang nagmamaneho ang huli.

Hinawakan nito ang kaliwang kamay ng dalaga at saka hinalikan.

"Secret na lang namin yun ni mama" sagot ni Drix sa girlfriend habang nakatuon pa rin sa daan ang paningin nya.

"Nakiki-mama ka na ngayon ha Dree!"

"Eh magiging mama ko rin naman sya in the future di ba?" natatawang sagot ni Drix.

"Pero, san ba talaga tayo pupunta?" Napansin ni Lorraine na wala ng mga nagtataasaang buildings. Kung hindi sya nagkakamali ay nasa SLEX sila.

Hindi naman kumibo ang binata at ngiti lamang ang itinugon sa dalaga.

"Dree, saan nga tayo pupunta?" pangungulit nya kay Drix.

"You'll see!"

"Saan nga?"

"Makulit ka rin no?" natatawang tanong ni Drix.

"Bahala ka nga" nagcross arms na lang si Lorraine at ibinaling ang mga mata sa bintana. Puro bukid ang nakikita nya.

"Sa Enchanted tayo pupunta"

Napalingon sa kanya ang dalaga at nagliwanag ang kanina'y nagtatampong mukha.

"Talaga?"

"Oo"

Finding Miss Unknown [Completed&Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon