Chapter 14

1 0 0
                                    

May bagong bukas na ice cream stall malapit sa entrance ng Mine's View Park at gusto kong bumili niyon. Wala pa kasi ito noong huli akong pumasyal dito, kasama ko pa noon sina Claudia at Vera.

"Dito ka sa kanan ko, Alyara." Electric shocks come from the part of my back that CJ is touching. Naramdaman ko ang bahagyang pagdiin ng kamay ni CJ sa likod ko, ineenganyo ako na gumalaw at lumakad papunta sa kabilang gilid niya.

We are currently standing on the street. May mga sasakyan na dumadaan malapit sa amin at maraming tao ang pumapasok at lumalabas sa gate papuntang Mine's View.

"Ah, oo. Sige." His hand remained on my back until I stopped. Nasa linya na ako ng kalsada na hindi mahahagip ng sasakyan.

"Mainit, ano?" Umangat ang tingin ko kay CJ. May kinang ang mga mata niya habang nakatingin sa akin, kitang-kita ko roon ang tuwa at saya. "Bagay na bagay ang ice cream sa mainit na panahon."

Tumango-tango ako at napa-ngiti nang mapagtantong pareho ang takbo ng isip namin. Mainit nga rito sa Mine's View Park ngayon dahil sa mataas na tirik ng araw at kakulangan ng ihip ng malamig na hangin.

Sa labing-pitong taon ko rito, na-witness ko ang unti-unting pagbabago ng lungsod ng Baguio. Mula sa mga pagpasok ng mga bagong business enterprises, pagsikip ng mga daan dahil sa traffic, ang biglaang pagdami ng mga bumibisitang turista rito, hanggang sa dahan-dahang pagtaas ng temperatura rito.

There were moments when I missed the old Baguio City. Iyong maaliwalas ang hangin dahil sa mababang number ng mga private vehicles, ang mga daan na mga traditional jeep at taxi lamang ang laman, at ang mga local residents na nag-a'unwind sa bayan. At higit sa lahat, ang maraming bilang ng pine tree na nasa bawat sulok ng Baguio.

But, no matter how drastic the change that occurred in the city. It will always be my home. Katulad nga ng nabanggit noon ni CJ, sometimes change is good, and every alteration and renovation that the local government made in Baguio is for the city's benefit. Nagbago man, ngunit gumanda naman.

"Oh, thank you." Inabot sa akin ni CJ ang medium-sized na ice cream cup. Actual strawberries are on top of the ice cream, and some are placed on the bottom.

Kumakain ako niyon habang naglalakad papasok ng park at sa bawat hakbang ko papunta sa gate, nararamdaman ko rin ang kamay ni CJ na nakalagay sa likod ko, ginagabayan ako.

"Pasok po, Ma'am! Sir!" Nang tuluyan kaming makapasok sa park, doon ko lamang nakita ang totoong dami ng tao sa loob ng Mine's View. Halos dikit-dikit na ang mga tao sa rami. Marami ang mga grupong magkakasama at ilan lamang doon ang isa o dalawang tao.

"Matutunaw na ang ice cream." Ngumuso ako sa ice cream na hawak ni CJ. Hawak-hawak niya lanb kasi iyon at 'di ginagalaw samantalang halos kalahati na ang akin.

"I'll eat it later. Hayaan mo muna akong alalayan ka papunta sa gazebo." Binigyan ko ng isang matamis na ngiti si CJ at saka nagpatuloy ako sa paglalakad. Besides the concrete path we are walking on, there are food stalls scattered. May nagbebenta ng grilled dried pusit, sweet corn, tanghulu, at iba pang mga snacks na pwedeng dalihin sa gazebo para kainin habang ine-enjoy ang view ng mga berdeng bundok ng Baguio.

When we arrived on top, halos wala ng bakanteng upuan sa bagong renovated na gazebo at kahit malaki iyon, wala na roong libreng mauupuan. Sa ibaba ng gazebo, maraming tao ang naka-dantay sa railings at kumukuha ng kani-kanilang pictures.

The pink haired horse and the infamous St. Bernard dogs found here are on the other side of the park. Kung marami na ang tao rito, sigurado akong mas marami roong tao na nagpapapicture sa aso at kabayo.

"Oh, I miss this." Kahit dito na ako ipinanganak at lumaki, tila bago pa rin sa mga mata ko ang Baguio. Nag-improve at luminis ang park kumpara sa huli kong bisita rito kaya naiintindihan ko bakit dinadayo pa rin ito ng mga turista. "Don't mind the heat and the number of people, mag-focus ka na lang sa view, ha, CJ."

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: May 27 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

In The Cold Embrace of BaguioTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang