Chapter 13

1 0 0
                                    

"If a boy likes you, he will come to you with intentions." Mama leaned on the kitchen sink by her hips. Isang yellow towel ang hawak ni Mama at pinupunasan niya ang kakatapos niyang hugasan na baso. "Actions should come with words, anak. Mahirap manghula ng nararamdaman ng isang tao."

After nang examinations kanina, nagka-ayaan kami na kumain sa labas para mag-celebrate. Napili naming kumain ng overload ice cream malapit sa SLU Main Campus, pinayagan din kami ng may-ari na magpasok ng outside food na dala na namin. Apat kami na may mga bitbit na plastic cup ng fishball at kwek-kwek. Mary had to go early dahil kailangan niya samahan ang Mama niya sa paggo-grocery sa Tiongsan.

Hindi naman kami nagtagal na magkakasama, at umuwi rin kaagad nang makapagkwentuhan sandali at makakain. Dumiretso ako ng uwi rito sa bahay at naabutan si Mama na naglilinis ng bahay.

Pauwi na rin si Papa mamayang alas-singko para tulungan si Mama na magligpit ng ilang gamit na 'di kayang buhatin ni Mama.

Iniwan ko ang mga gamit ko sa sala at lumapit kay Mama na nakatayo sa kusina. She prepared a fresh pump of orange juice for me, and I gladly drank it. Nang makasimsim ako roon, kinamusta ni Mama ang exam ko at nagsimula na akong magkwento sa kanya nang iba pa hanggang sa mabanggit ko si CJ.

Mama was all smiley throughout our talks about him. Nangako si Mama na 'di niya ito sasabihin kay Papa. Girls' talk will remain between us until I decide to tell it on Papa.

"Hindi pa ba siya nag-reply sa message mo?" I shrugged my shoulders and pouted.

Simula nang mai-send ko ang chat ko na 'yun sa kanya, hindi ko na hinawakan ang cellphone ko. At kahit na gusto ko iyon abutin kanina para mag-picture ng binili kong ice cream, I stopped myself from doing it because I know once I got hold of my cell, I'm going to open my IG and our chat tab. Gusto kong nang malaman kung sumagotba siya sa imbita ko o hindi kaso may maliit na parte ko ang natatakot na makitang wala siyang tugon doon.

"Anak, magpalit ka muna kaya ng damit pang-bahay?" Tumaas-baba ang tingin ni Mama sa bulto ko dahil suot-suot ko pa rin ang uniform ko at school shoes. "Put it on the laundry basket after, okay?"

"Opo." Umalis ako sa kusina at dumiretso sa kwarto. May ilang minuto na rin akong nakapagpahinga kaya okay na rin ang maligo. Kinuha ko ang green kong tuwalya at lumabas na ng kwarto para magpunta sa banyo na nasa tabi lang din ng kwarto ko.

Isinabit ko ang tuwalya sa hook na nasa likod ng pinto. My grip tightened on my phone that I would use for music while under the shower.

Bago ko in-on ang Wi-Fi ng cellphone, nakaramdam ako nang magkahalong kaba at antisipasyon sa pagpasok ng notifications ng mga apps ko sa cellphone.

There are chat messages, game notices, and promotional ads from Shopee. Ang sunod-sunod na pagdating ng mga message mula IG ang una kong pinindot.

'I'm sorry ngayon lang ako nakapag-reply.'

'Dan grabbed my phone. Makiki-connect sa hotspot.'

'Wala akong gagawin bukas, Alyara.'

'Okay, let's meet tomorrow.'

'Same time, same meeting place?'

Kinagat ko ang labi ko matapos mabasa ang mga reply ni CJ. Pumayag ito sa pag-aya ko sa kanya na magkita kami bukas, halos tumalon sa tuwa ang puso ko dahil sa pagpayag niya.

Nawala ang kaba ko sa dibdib at napalitan na iyon ng excitement para sa pagkikita namin bukas.

Alam ko na rin kung saan kami pupunta bukas. It's been months since I last saw that place, and I wanted to experience the renovated and improved facilities of Mine's View Park with CJ. Ipinagdadasal ko lang na sana'y 'di siya naglalagi roon para maging mas masaya ang paglabas namin bukas.

In The Cold Embrace of BaguioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon