Chapter 8

1 0 0
                                    

The three sides of our room are filled with armchairs and arranged in a U.

There are almost 80 people in our classrooms. Wala pa roon sa bilang sina Sir Donald at Ma'am Hailey dahil wala pa sila rito sa loob at nag-uusap pa sa labas. Dahil dalawang section ang nasa loob, hindi maiiwasang maging maingay ang ilan sa amin. Mostly grupo ng mga lalaki ang maingay sa section namin at sa STEM E.

Sumilip ako sa harap at nahagip ng mga mata ko si CJ. Tumatawa ito at kausap si Miro na kaklase ko. Nasa gilid niya lang si Daniel pero hindi siya sumasali sa ingay na ginagawa ni Daniel at ng mga kaibigan niya.

CJ caught my eyes on him. He stared at me for a few seconds, and then he tilted his head a little and gave me a two-finger salute.

Unlike before, someone witnessed the little gesture he gave me. Hinanap ni Miro kung saan nakatingin si CJ, at nang magkatinginan kami ni Miro, bahagyang tumaas ang isa niyang kilay sa akin.

Umiwas ako ng tingin sa kanila at saka sumali sa pinag-uusapan nina Claudia at Alfonso. Kaming tatlo ang magkakatabi dito sa left side ng classroom habang sina Vera at Mary ay pumagitna at sumama sa mga kakilala naming taga-STEM E na nakaupo sa sahig.

Sabay-sabay na tumahimik ang mga kaklase ko at ang klase ng STEM E nang magkasunod na pumasok ang dalawa naming professor sa Piling Larang.

Sir Donald and Ma'am Hailey stood in front of the class, and they looked at us one by one.

"May dalawang oras tayo para matapos itong performance task niyo," sabi ni Ma'am Hailey. "Binigay nina Ma'am Bea at Ma'am Dalia ang class hour nila sa atin, so expect niyo na madadagdagan ang audience niyo mamaya."

Si Ma'am Bea ang professor namin Gen Math at si Ma'am Dalia naman ang nagtuturo ng Entrepreneurship. Wala pa kaming subject na Entrep at iti-take pa lang namin 'yun next semester.

"Since, we only require four stanzas and four verses for your poems. The oral presentation will only take a minute or two," sabi ni Sir Donald. "Tandaan, hindi lang ang mga tula niyo ang igi-grade namin, your pronunciation and delivery are also included in the rubric."

Ma'am Hailey clapped her hands twice. "Alternate ang pipiliing students na magpi-perform, ha. Mauuna kaming magtatawag sa section ng N bago sa E since class period niyo talaga 'to."

"Now that we're settled. Mr. Kiro Zabini, the floor is yours."

Automatic na tumingin ako kay Claudia nang malakas na humiyaw si Daniel after tumayo ni Kiro.

Napahalakhak ako nang magtakip ng mukha si C at umiling-iling. Ilang kaklase kasi namin ang tumingin din kay Claudia dahil sa ginawang ingay ng pinsan.

"Silence, class." Tumahimik ang lahat nang suwayin kami ni Sir Donald. Umupo sila ni Ma'am Hailey sa dalawang bakanteng upuan sa likod.

Kiro's poem is about all different forms of love. Sa bawat sakto, iba't ibang hugis ng pag-ibig ang inilarawan niya sa klase. His choice of words made an impact on class, parehong professor namin ang may sabi nito.

"Kinakabahan ako." I put my hand on Claudia's arm and squeezed.

"Kaya mo 'yan, C." Pagdating sa mga ganitong academic task, maraming katulad ni Claudia na kinakabahan. Actually, may nararamdaman din akong kaba ngayon at ayoko namang sabihin 'yun kay C dahil ang ending, pareho kaming manginig sa harap.

Half na ng klase namin at kalahati na rin ng STEM E ang tapos pero hanggang ngayon hindi pa rin natatawag ang pangalan ko at ni Mary. Claudia, Vera, and Alfonso are already done with their piece.

Tumingin ako sa harap ko at nahuli ko si CJ na nakatingin sa akin. There is a small smile on his lips-a smile that sent comfortable shivers in my spine.

In The Cold Embrace of BaguioWhere stories live. Discover now