Chapter 10

1 0 0
                                    

Butterflies flapped their wings in my stomach when CJ opened the car door before I climbed on his car.

Sa maikling panahon kong nakilala si CJ, palagi kong napapansin na gentleman ito. He knows when to help people, and he surely knows to respect and treat a girl.

He proved that chivalry is not yet dead in this current generation.

"Ang bango dito sa loob ng kotse mo." Tumingin ako sa loob ng kotse saka ko inabot ang seat belt at sinuot 'yun. "I like it."

He chuckled. "I told you, this is not my car. But I'm glad you like the smell, though."

"It's your car for a day," sabi ko. Natawa ulit si CJ dahil ilang beses ko nang sinasabi na kotse niya ang sinasakyan namin ngayon. "Since ikaw ang may hawak ng susi."

Nabanggit ni CJ kanina habang naglalakad kami papunta sa parking ng cathedral na hiniram niya ngayong araw ang kotse ng Tita Brenda niya.

Nalaman ko rin na sa tiyahin niya siya nakatira rito sa Baguio, pero originally, taga-Cavite sila. His aunt is a nutritionist and is currently working at Baguio General Hospital.

"Noong dumating ako rito, tinanong ako agad ni Tita Brenda kung marunong ba ako magdrive." Sinulyapan ako ni CJ ng tingin saka binalik sa kalsada ang atensyon niya.

"Really? Wala ng hug at greetings?"

Natawa si CJ at umiling-iling, tila amused sa memory na nasa isip nito. "Nope, but Tita Brenda is a great aunt."

"Paano ka pala natuto mag-drive?" Iilan pa lang kasi ang ka-edarang kilala kong marunong nang magmaneho ng kotse. Si Vera ay currently na nag-a'undergo ng driving lesson at si Alfonso naman, marunong na simula noong 15 siya dahil tinuruan siya ng father niya.

"Dahil kay Lolo, my mother's father. Tinuruan niya akong mag-drive gamit ang manual na jeep na ginamit pa ng Papa niya."

That is a long way of passing down family heirloom. If the jeep is still in one piece today, totoong matitibay nga ang mga gamit na ginawa noong araw.

"Once I have my own car, you'll be my first passenger, Alyara." Tumingin sa akin si CJ, nagtagal ang mga mata sa akin. Sinusulit ang sandaling pagtigil ng kotse dahil sa traffic.

I bit the inside of my bottom lip to suppress a smile.

"At tuturuan mo ako mag-drive, ha, CJ."

"If that's what you want, I'm in." Bumalik sa harap ng kalsada ang atensyon niya at nagmaneho na papunta sa Naguilan Road.

May bagong bukas roon na coffee shop/bakery. Marami akong nababasang good reviews about sa bagong establishment na iyon, puring-puri ng mga locals at mga turista. Their pastries are warm, new, and freshly baked every day.

Vera and her cousins went there last weekend at naging maganda ang experience nila roon. Isa na sa mga plano naming magkakaibigan na magpunta roon once maging magaan ang mga schedule namin.

Na-update ko na rin sila ulit tungkol sa mangyayari ngayong araw—ang pagpunta namin ni CJ sa Rebel Bakehouse.

All of my friends are supportive, especially Claudia. Lahat sila'y humihingi ng details sa mga mangyayari ngayong araw. Vera even told me that she had been waiting for so long for me to go out with a boy, and now that it happened, it made her ecstatic.

"I heard croissants are their best pastry." Nakarating na kami ng Naguilan at naghahanap na ng parking si CJ. Since it's a weekend, medyo marami ring sasakyan ang naka-park sa within sa vicinity ng Rebel.

"I love pastries! Excited na ako!" My giggle earned me a hearty chuckle from the boy beside me. "Thank you for bringing me here, CJ."

Pinatay ni CJ ang makina ng kotse at tumingin sa akin diretso sa mata. May kinang sa mga 'yun habang nakasulyap sa akin, may ngiti rin ito sa labi.

"You're most welcome, Alyara. Tara?"

Inalis ko ang seat belt at lumabas na ng sasakyan. Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ni CJ ng pinto dahil sa sensasyon na binibigay sa akin ng gesture niyang 'yun. Ang mga simple at automatic niyang actions katulad nang pagbubukas niya ng pinto ng sasakyan para sa akin at pag-alalay sa likod ko ay napaka-laking bagay para sa akin lalo-lalong na sa pagbabago ng takbo ng puso ko.

Ilang oras kaming magkakasama ni CJ at gusto ko siyang maka-usap na 'di kumakalabog ang dibdib ko.

Humigpit ang hawak ko sa strap ng shoulder bag ko nang pagbuksan ako ni CJ ng pinto.

"Thank you." Tumango siya sa akin at sabay kaming naglakad papasok ng Rebel.

Nakahanap kami kaagad ng mauupuan dahil marami man ang tao sa loob, malaki at maluwang naman ang interior ng store.

I grabbed a chair for myself, and so did CJ. Balak niya sana akong ipanghila ng upuan ngunit naunahan ko siya ulit.

Napapansin at nakikita ko na mabait si CJ. Sa ilang sandali ko siyang kasama ngayon, sinusubukan niyang maging madali ang lahat para sa akin.

The things I usually read on books, CJ does it to me. Mga maliliit at kinasanayan niyang bagay pero kapansin-pansin na mga bagay para sa akin.

"May napili ka na bang flavor ng pastry at coffee?" Since, nag-search na ako ng menu ng Rebel kagabi, alam ko na simula kagabi ang gusto kong bilihin.

CJ volunteered to go to the counter after I told him what I like. Sinundan ko ng tingin si CJ habang pumila ito.

Lumingon siya sa akin at ngumiti. I raised my hand and waved at him, ginawi niya rin 'yun.

Naputol ang tinginan namin nang may lalaking matanda ang kumalabit sa kanya.

The old man pointed out the menu sticked on the wall, then CJ took out his phone and took a picture of the menu. Ipinakita ni CJ ang cellphone niya sa matanda at nag-usap muli sila.

I secretly took a photo of him with the man. Napa-ngiti ako sa picture na kinuha ko, at habang hinihintay si CJ na bumalik, pinicturan ko na rin ang loob ng Rebel Bakehouse para i-send sa GC for updates and for memories.

"One twice-baked almond croissant and matcha latte for you." Dumating si CJ at masayang inilagay sa harap ko ang plato at plastic cup.

"Cinnamon bun and white chocolate, huh?" Bumaba ang tingin ko sa order niya. Parehong matamis ang pagkain at inumin niya.

"Why?" Natatawang tanong niya sa akin. There's a glint of curiosity in his eyes, hindi niya inakala na papansinin ko ang mga napili niya at tatanungin ko siya tungkol doon.

"I expected that you're an espresso kind of guy."

He smirked. "Do I come out that strong?"

"Hindi naman." Pag-iling ko. "Binibased ko lang sa aura ng tao ang preference nila sa mga inumin. As for you, seryoso ka noong una kitang makita at makilala. That is why I pictured you as someone who drinks coffee in pure black."

"That... That is a unique presumption about me." He grinned, the right corner of his mouth raised. "But I usually like my coffee sweet."

I nod my head. Dahil katulad ni CJ, mahilig din ako sa kape lalo na kapag si Papa ang nagtitimpla dahil creamy at sugary 'yun. Lumaki akong si Papa ang gumagawa ng kape ni Mama at madalas na sekreto akong umiinom sa baso ni Mama. Nang mahuli ako ni Papa noon, he made sure na gagawaan niya rin ako ng sarili kong kape pero sa maliit na tasa lang because when he caught me, I was just only seven years old. Hindi common ang batang mahilig sa kape.

Natutuwang nakikinig sa akin si CJ nang mabanggit ko sa kanya ang ganoong tagpo sa bahay. May mga parte ng kwento ko na nagkokomento siya at sabay kaming humahalakhak.

"Noong kasama ko pa sina Mama sa Cavite, tsaa ang iniinom ko. Madalang akong uminom ng coffee dahil 'di 'yun gusto ni Mama." CJ sipped on his coffee cup, and then he bought down the cup to the table. His eyes stayed there. "Dito lamang ako sa Baguio nahilig sa pag-inom ng kape. Sa impluwensya na rin ni Tita at ng klima rito."

Bumalik sa akin ang mata ni CJ. May ningning ang mga mata niyang nakatingin sa akin at naglalaro sa mga labi niya ang isang ngiti.

"I guess changes are good sometimes." He said, smiling softly. "If it weren't, I wouldn't have met you, Alyara."

In The Cold Embrace of BaguioWhere stories live. Discover now