Chapter 7

4 1 1
                                    

Ten hours.

Sampong oras na ang lumipas nang makita ko ang Facebook friend request sa akin ni CJ. Natapos na ang mga klase ko ngayong araw at nasa SM na ako pero hanggang ngayon pinag-iisipan ko pa kung i-accept ko ba o hindi ang FR niya.

I am semi-active in engaging with social media sites. Walang kaso sa akin ang mag-accept at mag-sent ng friend requests sa mga taong kakilala ko. But with him, I am a little hesitant to accept his digital friend request.

Meron pa namang feature ang FB na mag-sent ng notification sa mga friends ko na naging friend ko si ganito o si ganiyan.

May 24 mutual friends kami ni CJ at isa roon si Daniel. Katulad ng mga kaibigan ko, ma-issue rin ang isang 'yun.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa harap. The wide cityscapes of Baguio brought a break from my haywire mind. We are currently in the view deck of SM.

"Ano bang nangyayari sa'yo, A? You're quiet." Napatingin ako kay Claudia nang tumabi ito sa akin. She leaned on the metal railings and looked at me. Tumaas ang isa niyang kilay sa akin. "Unusual. Parang lumilipad ang isip mo simula kanina."

"Oo nga. May problema ka ba?" Vera appeared on Claudia's side. Liningon niya ako sandali at saka sumimsim sa milk tea na hawak niya. Naiwan kami rito ni Claudia habang pumunta sa Macao Imperial Tea si Vera.

"Wala naman." Mabilis kong tugon sa kanila. Umayos ako ng tayo at humarap sa kanila. "Pili kayo. Oo o hindi?"

When I am unsure, I usually let fate decide.

"Oo agad." Si Vera.

"Oo?" Kahit hindi sigurado si Claudia, she still said yes.

With their unknown help, my decision with CJ's friend request became known. Hindi ko dapat inooverthink ang mga maliliit na bagay katulad ng FB friend request galing sa isang schoolmate

In-on ko ang cellphone ko at binuksan ang app ng Facebook. I went to the friend request tab, and without second thinking, I clicked the 'Accept' button.

"Saan na tayo pupunta?" Ipinasok ko sa bulsa ng vest ko ang cellphone. Tumingin ako sa dalawa kong kasama, both of them are looking in the view in front of us.

Naghahalo na ang kahel at dilaw sa kalangitan dahil sa papalubog na araw. Lumalamig na rin ang hangin. Sunsets in the highlands are a sight to behold, and it's one of my favorite things about Baguio.

I fished out my phone and took a quick snap of the sky, and then I posted the image on Facebook and Instagram.

"Tara sa Uniqlo?" Pag-aya ni Claudia sa amin.

"Sige, sige. Habang wala pa ang mga pinsan ko." Maliban sa nag-crave si Vera ng milktea ng Macao at french fries ng Potato Corner ang hinahanap ko, Vera also has to meet her cousins here for dinner.

Umalis kami sa view deck at dumiretso sa side kung saan ang Uniqlo. We first saw the red placard with the word sale on it.

"Oh, sale day." Claudia murmured beside us. Pumasok kami sa loob ng store at marami-raming tao ang naroon. I also saw a few schoolmates of ours.

Vera went away to look for an attire that she would wear at a birthday party next month in Manila. Magkasama kami ni Claudia na umikot-ikot sa loob ng Uniqlo.

"Bagay sa'yo ang ganitong kulay, C." Kinuha ko sa rack ang isang sage green na cropped cardigan at inilagay sa tapat ng katawan ni Claudia. Her fair skin compliments the color of the garment.

"Let me see that." Claudia reached for the hanger and went in front of the mirror.

A powder blue sundress caught my attention when I went to follow Claudia. Tumigil ako at tumingkayad para kunin ang dress sa tuktok ng rack.

In The Cold Embrace of BaguioWhere stories live. Discover now