Chapter 11

2 0 0
                                    

It's been three days since I had my runny nose started.

Ang mga buwan ng August at September ang mga buwan na halos araw-araw ang pag-ulan dito sa Baguio, at ilang mga ulan naman sa buwan ng October, at two days ago, malakas ang ulan at wala akong payong na dala-dala kaya pagkababa ko ng jeep, sumuong ako sa ulan at basang-basa na nakarating sa bahay.

Nagpahid ako ng Vicks sa ilalim ng ilong ko. Ibinigay sa akin 'to ni CJ kahapon nang maka-salubong niya ako sa hallway na maluha-luha at sumisinghot.

I was on my way down to the cashier when he saw me. Hanggang sa makapagbayad ako ng tuition ko, sinamahan niya ako at nang matapos ako, hinatid niya ako sa canteen at pina-upo sa isang plastic na upuan.

Sabi niya sa akin na may pupuntahan lang siya sandali at hintayin ko siya na bumalik. While I was waiting for him yesterday, Alfonso and Claudia spotted me at naki-upo na rin sila sa tabi ko.

Nang dumating si CJ may dala-dala na itong maliit na container ng Vicks. Tumakbo pala siya papunta sa clinic para humingi ng gano'n kay Nurse Mike.

My friends silently giggled beside me when CJ appeared and handed me the ointment.

"Uminom ka na ba ng gamot para sa sipon mo? Agapan mo na 'to, Alyara para di mapunta sa ubo." Paalala sa akin ni CJ bago siya umalis at nagpaalam na kailangan niyang kausapin ang club leader niya na grade 12.

"Ay, taray! May nag-aalaga na sa'yo ng tama." Alfonso playfully pushed me by my shoulders.

Hanggang sa umalis kami ng canteen at bumalik sa room, iyon lang ang pinag-uusapan ng dalawa sa harap. Agad naman nila 'yung nabanggit kina Vera at Mary nang pumasok kami ulit.

Isiningit ko lang ang magbayad ng tuition kahapon during class hours dahil sarado ang cashier tuwing lunch at maaga nagsasara na sila before 5 PM, which is class dismissal pa lang namin iyon.

"Umiinom ka ba ng gamot, A? Bakit parang mas malala ang sipon mo ngayong araw kumapara kahapon?" Tumabi sa akin si Vera at ibinaba ang Ipad mini nito sa mesa.

Umpisa na ng exam week namin ngayong araw at nasa library kami para mag-review habang hinihintay ang oras ng exam namin.

The school library is located in the basement and there are also other students inside. Halos lahat ay busy na nagbabasa ng mga notes pero may ilan sa kanila ang nakikipag-usap lang sa mga katabi.

"Oo. Malamig lang talaga kagabi at kaninang umaga kaya ganito." I shivered when the cold air entered the window directly beside us. Malapit kami sa bintana naka-upo dahil dito ko na nadatnan si Vera kanina.

Kaming dalawa pa lang ang nasa school at ang tatlo naming kaibigan ay papasok pa lang. Nasa town sandali si Mary at nasa byahe pa sina Alfonso at Claudia.

"Lumipat na lang kaya tayo sa canteen? Para makabili ka rin ng hot drinks doon." Nag-aalalang tumingin sa akin si Vera. "A, nanginginig ka na  dahil sa lamig dito sa library."

"Hindi ba maingay sa canteen? Makakapag-review ba tayo roon?"

"Hahanap na lang tayo ng ibang pwesto if maingay. Ang importante ay 'di lumala 'yang sipon mo." Tumayo si Vera at kinuha na ang mga gamit niya. "May mag-aalala pa naman sa'yo."

Napalabi ako nang mahamigan ko ang konting pang-aasar sa tono niya.  Concern ito sa akin pero ang hindi mawawala ang pang-aasar niya sa akin. Vera's lowkey implying that CJ is the other person that now worries about me.

Halos sumakit ang tagiliran ko kahapon dahil sa paulit-ulit na pagsundot doon ni Vera after nitong marinig ang kwento nina Claudia at Alfonso. Mahaba-haba pa naman ang mga kuko ng kamay niya. Nang dumaing lang ako roon niya ako tinigilan.

In The Cold Embrace of BaguioWo Geschichten leben. Entdecke jetzt