Chapter 12

1 0 0
                                    

Huling araw na ng exam ngayon at weekend na bukas. Saktong-sakto para makabawi ng tulog at pahinga dahil sa mga nakalipas na mga araw na puros pagbabasa at pag-aaral.

After I highlighted the last sentence of my printed reviewer on UCSP, I yawned and stretched my arms, raising them in the air.

Simula nang madatnan kami nina Claudia, Mary, at Alfonso sa canteen noong Wednesday na nag-rireview, dito na kami nagkikita-kita tuwing umaga para magpalipas ng oras at tambayan habang nag-aaral.

"Pahiram ako ng reviewer mo, A." Inabot ko kay Claudia ang nakatupi kong print-out notes. "Oh, thanks!"

Tumayo ako at nag-inat ng katawan sa gilid. Mabilis lang akong tinignan ng mga kasama ko nang biglaan akong tumayo.

Maaga pa at may mahigit isang pa kami para kumain at mag-review bago magstart ang exam namin. Tuloy-tuloy kasi ang mga exam dito sa amin, bawal ang in-between breaks. You can only go out to have restroom breaks or food breaks once you pass your paper.

Sa aming lima, ako lang ang hindi pa bumili ng food at drinks kasi busog pa ako nang dumating ako kaninang  7:30. Inuna ko muna kasing tapusin magbasa at magrecall sa mga printed transes na dala-dala ko.

"Bili lang ako ng snacks," paalam ko sa kanila. "May ipabibili ba kayo?"

"Corn dog sa akin, Alyara. Isa." Nagbigay ng 20 pesos sa akin si Mary. Nagpasabay rin si Alfonso ng isa nang kunin ko ang pera ni Mary.

"Thanks so much, babe!" Si Alfonso.

"Alyara, make sure to buy a cup of calamansi juice for yourself." I stopped and looked at Vera, matamang nakatingin sa akin ang kaibigan. "Mag-iisang linggo na 'yang sipon mo."

For the past few days, Vera never failed to remind me to drink it, at sa ilang araw na iyon para nang nasanay ang dila at lalamunan ko sa lasa ng calamansi juice. Weirdly, but I am starting to like the taste of it lalo na't nakatutulong din naman sa akin iyon. Plus, I think it is a good alternative for coffee and tea.

I looked around on the five currently open stores in the canteen. Tatlo roon ang nagbebenta ng mga rice meals at ang natirang dalawa, sari-saring snacks naman ang sa iba katulad ng cake slices, bread bars, pasta, at waffles. There are a total of six stores here pero sarado pa ang isa at after lunch pa sila nag-oopen dahil mga pang-merienda ang mga tinitinda nila like kwek-kwek, maruya, bicho-bicho, siomai, mangga, at singkamas.

"Iniiwasan mo ba ako, Alyara?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang nagsalita sa likod ko. Even though I didn't look at him, alam ko na si CJ iyon. "Bakit ayaw mo akong tignan?"

I smiled shyly to the lady in front of me. Nasa harap ako ng isang store ngayon kung saan may mga bagong luto na corndog at tinapay na long john.

Lumipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay CJ. May nakakalokong ngiti sa mukha ng tindera habang nakatingin sa akin at naalis lang ang atensyon niya sa amin nang may dalawang junior high school ang bumili.

I scratched my cheek and then turned to face CJ.

Bahagyang nakakunot ang noo ni CJ na naka-abang sa akin. His thick eyebrows are slightly furrowed, and his lips are tightly sealed together.

"Hindi, ah. What made you think that way?" Lumalim ang lukot ng noo ni CJ dahil sa sinabi ko.

Sa katunayan, totoong iniiwasan ko nga siya. Mabilis at maikli lang ang mga sagot ko sa mga message niya sa akin sa IG at iniiwasan kong ring magkasalubong kami rito sa campus. Hindi ako sumama kina Vera kapag bathroom breaks or kapag gusto nila tumakas para bumili sa canteen.

I'm trying to distance myself from CJ after what Daniel told me last monday. He explicitly said that CJ has a crush on me, and every time I think about it, my heart beats faster than it should be.

In The Cold Embrace of BaguioWhere stories live. Discover now