Chapter 6

2 1 0
                                    

Sinara ko ang lid ng lunchbox ni Celina. I reached for her violet lunch bag and put the tupperware inside it.

"Are you sure you don't want a packed lunch, anak?" Pumasok si Mama sa kusina habang sinusuklay ang buhok niya. "I can still make another one for you."

I smiled to Mama and shook my head. "It's okay, Mama."

Mama smiled, then walked towards me. She reached out for my head and kissed my forehead. Dumating si Papa at ganoon niya kaming naabutan.

"Good morning, family." Papa opened his arms and attempted to hug us, but Celina suddenly appeared and hugged my Papa's legs. Napatigil at bahagyang nagulat si Papa. Muntik pa itong napatid dahil sa ginawa ng kapatid.

"Celina, be careful." Lumayo sa akin si Mama at lumapit kina Papa. My father grabbed my mother by the waist and kissed her temple.

"Ready to go?" Tanong ni Papa sa amin.

I grabbed my backpack and Celina's lunch bag, then walked towards the three of them. I tiptoed and kissed my father's cheek.

"Ang baby damulag ko." Tumawa si Mama nang marinig ang nickname ni Papa sa akin. I jokingly rolled my eyes at my father.

Anim kaming magkakapatid at dalawa na lang kami ni Celina ang naiwan dito sa Baguio kasama sila.

Si Ate Czarina ang panganay at nurse na ito sa America kasama ang isa naming tita. Ang tatlong nakakatandang kapatid ko ay mga lalaki; sina Kuya Apollo, Kuya Kendra, at Kuya Esther. Si Kuya Apollo ay nasa Pampanga at nagtatrabaho siya roon bilang manager ng isang hotel. Habang sina Kuya Kendra at Kuya Esther naman ay parehong nasa Manila, at doon sila nag-aaral. Kuya Kendra is an architecture student at UST while Kuya Esther studies accountancy at Mapua.

It must be lonely for my parents to watch their four children go away one by one. Anim kami pero dalawa na lang ang natira na inaalagaan nila kaya 'di ko rin sila masisisi kung bakit nila kami binibaby pareho ni Celina even though si Celina na lang ang makaka-count as a baby.

I am at my second to the last year in highschool while Celina is in fifth grade. Pitong taon ang gap naming dalawa, at kaming dalawa ang may pinaka-malaking age gap dahil akala nila Papa ay ako na ang huli. Celina Yesenia was the unexpected miracle we all need.

"Ate Alyara, bye!" Lumingon ako kay Celina bago ako bumaba ng kotse at saka kinurot ang pisngi niya. "Aw!"

Iniwas ni Celina ang mukha niya sa akin at umusog sa dulo ng upuan. Natatawa akong tinignan siya.

"Bye, parents!" Lumabas ako ng kotse at marahang sinara ang pinto. Papa dropped me in front of the gates.

Bago ako pumasok ng campus, I watched the back of our car. Bumusina si Papa ng dalawang beses bago tuluyang nagmaneho paalis ng Navy Base.

There is a group of students blocking the school gates. Nagkukumpulan sila malapit sa table ng guard habang chinicheck ng school guard ang bag ng isa nilang kasama.

"Ang agang gulo naman nito." Vera appeared at my side. Nakatayo pala ito sa maliit na waiting area sa labas ng campus.

"Saan si Claudia?" I asked. Usually, sabay sila na pumapasok kahit na magkalayo sila ng inuuwian. Vera lives in Cabinet Hill at taga-Camdas naman si Claudia.

"Late daw papasok, eh." Vera raised a paper bag from McDonald's. "Gusto mo ng apple pie? Apat 'yan, kuha ka na lang."

"Oh, thanks." Kinuha ko sa kamay niya ang paper bag.

Pumasok kami ni Vera sa gate at pumila. Every morning, may mabilisanh inspection ng mga bag bago pumasok sa loob. Ipinagbabawal kasi ng school ang pagdadala ng unhealthy foods like junk foods at sodas.

In The Cold Embrace of BaguioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon