Chapter 5

3 1 0
                                    

"CJ pala pangalan ng knight in shining armor mo, ah." Umikot ang mga mata ko nang tumabi sa akin si Vera. "Isn't it cute that you have your own hero?"

I gave V a bad look.

A deep crease in the forehead appeared in my face, and the corners of my lips turned downward because of the look of amusement in Vera's face.

"You two are flirty." She saw the little exchange of greetings between me and CJ earlier this morning. Simula nu'n hindi na tumigil sa pang-aasar sa akin si Vera, maging sina Alfonso at Mary na bibira kung kantyawan ako, sumali na rin dahil kay Vera.

I'm glad Claudia didn't join them, but she's laughing when time is appropriate. Sisilipin muna ni C ang mukha ko bago siya makikitawa. Sa kanilang apat, si C ang lesser evil. Kahit ganu'n, grateful pa rin ako kasi nabawasan ng isa ang sakit sa ulo ko ngayong araw.

"OA mo. Ano'ng flirty roon? Binati lang namin ang isa't isa." Inabot ko ang tray ng binili kong lunch at saka lumakad paalis. Sa kabilang stall ako bibili ng drinks since sila ang may binibentang mogu-mogu.

Usually, nagbabaon ako ng packed lunch kasi pinagpiprepare ako ni Mama pero nagsabi ako kay Mama na dito na lang ako sa campus kakain. Lately kasi gabi na kung umuwi si Mama from work, minamanage niya 'yung salon shop tapos nagtuturo rin siya sa isang local highschool dito. My Mama's not only a hairstylist, she's also a teacher and a homemaker.

Mahirap ang trabaho ni Mama. Kulang ang 6 hours na tulog para mabawi ang pagod niya everyday. So, I insisted na si Celine na lang gagawaan niya ng packed lunch, para mabawasa ang iniisip niya tuwing umaga.

"Hindi! May laman 'yung greetings niyong dalawa," pagpupumilit ni Vera. "Chemistry nga ang susunod nating subject pero may tension kayong dalawa."

My cheeks burned when I saw the two ladies behind the store counter look at each other. Narinig nila ang sinabi ni Vera.

Agad akong tumalikod saka umalis after kong makuha ang strawberry mogu-mogu ko at ang sukli kong pera.

Sa dulo ng canteen, there is a short stairs. Dumiretso ako papunta roon at umakyat, hindi ko na hinintay si V dahil sa kahihiyan.

The floor above the canteen is a space filled with blue plastic tables and chairs. May upuang nahanap sina Alfonso sa dulo at malapit sa nakabukas na bintana.

Namataan ako ni Mary at Alfonso, and I saw the exact moment their eyes glint with mischief. Hindi na ako nagtaka bakit mabilis nilang nakasundo si Vera.

"Don't." Ibinaba ko ang laman ng hawak kong tray sa mesa at saka tinignan ng mata sa mata ang dalawa. "Tama na. Qota na ako kay Vera, mamaya na kayo."

Nagpipigil ng tawa ang dalawa nang tumayo sila at umalis para bumili ng lunch sa baba.

"Mukha mo ang picture ng gc today." Claudia showed me her phone. Na-update ang gc naming tatlo at picture ko na nga ang group photo. Tulog ako at naka-nganga sa picture.

Asaran sa barkada ang isang bagay na hindi mawawala sa grupo. Sa GC naming tatlo, madalas na mukha namin ni Vera ang group photo dahil kami madalas ang asar-talo. Bilang sa isang kamay kung ilang beses na naging cover si Claudia dahil 'di naman siya naiinis sa mga asar namin, siya ang may pinaka-mahabang pasensya sa aming lahat.

"'Di bale cute naman ako d'yan." Ngumisi ako.

Maingay na tumatawa sina Vera, Alfonso, at Mary nang bumalik sila sa pwesto namin. The three of them exchanged looks, then laughed.

Hindi ako umimik kahit na alam kong ako ang reason bakit sila tumawa. Sumalok na lang ako ng pagkain para 'di ko buksan ang bibig ko at mamura sila rito. I don't normally swear, but my friends know when and how to push my buttons.

In The Cold Embrace of BaguioWhere stories live. Discover now