Chapter 4

3 1 0
                                    

Tinitigan ko ang notebook ko at naka-eye to eye ko ang mga formula na sinusulat ko.

I gathered my hair that got blown away by the air. Naka-upo ako malapit sa bintana kaya kada pasok ng hangin, tinatangay nito ang buhok ko.

Mahaba ang itim kong buhok at ayaw na ayaw ko 'yung itinatali. My Mama is a professional makeup artist and hairstylist kaya 'di nakapagtataka na maalaga si Mama sa mga buhok namin. Even my older brothers have shiny and bouncy black hair.

"When is your laboratory schedule?" Lumipat ang tingin ko sa board papunta kay Ma'am Eve. Ilang kaklase ko ang sumagot na sa Thursday ang lab day namin. "The laboratory room is available that day, so our class meeting will be held there."

Binura ni Ma'am Eve ang mga formula sa board at saka humarap sa amin ulit.

"Magpopost ako sa gc ng mga materials na kailangan niyo for the laboratory in advance para makapagpalista kayo ng maaga," sabi niya. "The sections from the other cluster already started with this activity, so the materials are lacking for your cluster."

Sa rami ng sections ng senior high dito, both grades 11 and 12 are divided into two clusters. Cluster A includes the 3 ABM sections, 2 HUMMS, and 5 STEM, while the remaining 11 STEM sections make up the Cluster B, and we are part of the last cluster.

"See you on Thursday, class." Ma'am Eve went out of our classroom, and then almost all my classmates stood up from their seats. Ilan sa kanila ang nakipagpalitan ng mga upuan sa iba naming kaklase. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ang susunod naming klase at pinapayagan kami ng prof namin doon na umupo sa upuang gusto namin.

The professors of senior high department practices to treat us similarly on how professors in SLU Main treat college students. Sabi nila'y sinasanay na nila kami for college. Plus, hindi na rin ito bago rito since may mga iba kaming professor na galing talaga sa Main Campus katulad ni Ma'am Eve.

Sir Donald arrived, and he continued our subject topic that we didn't finish yesterday.

"So, sino nga 'yung lalaki na kausap mo sa 7 eleven?" Sumimangot ako nang marinig ang bungad ni Vera. Nakipagpalit siya ng upuan kay Kairo na original seatmate ko. Kahit na pwede kaming lumipat ng mga upuan, our class adviser still assigned our seats.

Meron ngang 1/8 na illustration board at nakapaskil doon ang 1×1 picture naming lahat. Naka-ayos iyon based sa seating arrangements namin.

Hindi na kailangan ng iba naming prof ang index card kung meron namang illustration board na may mga mukha at pangalan namin.

"Sinabi ko na sa'yo kung sino siya, ah," sagot ko sa kanya. "Buong weekend kong paulit-ulit sinasagot 'yang tanong mo na 'yan, Vera."

"Pakiramdam ko, kulang ang sinasabi mo sa akin." Vera doesn't know CJ was the person who carried me to the clinic. Alam 'yun ni Claudia at nakiusap ako kay C na huwag muna 'yun banggitin kay Vera.

Hindi kasi mawawala sa friendgroup ang ma-issue, at si Vera ang sa amin.

"Ano'ng sinuhol mo kay C? At 'di siya nagsasalita." Tinusok ako ni Vera sa tagiliran gamit ang pwet ng G-tec niyang ballpen. "Sino ba 'yang CJ na 'yan?"

Lumingon ako kay Claudia. She is sitting two rows behind me. Sina Criza at Alfonso ang katabi niya.

Claudia spotted me looking in her direction, then grinned. I winked at her.

"Schoolmate natin si CJ, Vera."

Tumaas ang kilay niya. "Eh, bakit ka niya kinausap? Pareho tayong walang kakilala at kaibigang CJ. Kaya intriga ako sa kanya."

In The Cold Embrace of BaguioWhere stories live. Discover now