Chapter 1

18 5 0
                                    

"Natatae ako."

Umangat ang tingin ko kay Vera nang biglaan itong tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig.

We are currently in the corridor. Nakasara pa ang classroom namin at wala pa ang class mayor namin na siyang may hawak ng susi ng room.

Umikot ang mata ko dahil sa iritasyon.

If someone is in charge of holding the classroom's key, one must be responsible. It should be part of her job to be respectful of other's people time. Ngunit hindi ganu'n si Anita. She is always late to come to school at madalas na marami na kaming mga kaklase niya ang naghihintay sa labas.

"Mas natatae ako dahil sa lamig, eh." Vera shivered when a cold air blew around us.

There are times I already made peace with the fact that my classroom is placed in the seventh floor, and today is another day that I hated to be here dahil kapag nakatira ka sa Baguio at nasa mataas kang lugar, ramdam na ramdam mo ang lamig ng hangin.

"Tumae ka na, ah," sabi ko. "Mukha namang wala tayo sa CR ngayon."

I tilted my head towards the bathroom in the corner.

Tumingin doon si Vera. She stared at it for seconds, and then she looked down at me.

"Samahan mo ako." She smiled. "Please."

I made a sad face. "But I am reading." I said and showed her my phone.

Vera rolled her eyes. "Mas uunahin mo pa 'yan kesa sa akin?"

"Ah, yeah." Inosente kong sabi.

Sumimangot si Vera. "Jeez, you're infuriating when you're reading."

Tumalikod si Vera at naglakad paalis. Pinanood kong naglakad palayo siya sa akin. Habang nag-eexcuse ito sa mga iba naming schoolmate na naka-upo rin sa floor ng corridor, sakto namang dumating si Claudia.

I saw how Claudia's eyes widened when Vera grabbed her arm and pulled her in the bathroom.

Magkakilala na kami ni Vera mula pa noong elementary at kabisado na nito ang ugali ko. Vera understood that I would drop everything whenever I was reading. She knows my attitude whenever my nose is under a book. Kapag nagbabasa ako, gusto ko wala akong ibang gagawin. I am not to disturb while I am reading the type of person.

Tumingin ako sa mga dumadating na student at wala roon si Anita. Gustong-gusto ko nang maka-upo ng maayos at mailagay ang mga gamit ko sa loob ng classroom.

I knew my schoolmates were incapable of stealing, but I'm just being cautious. Iba pa rin ang panahon ngayon. Gusto ko lamang makasigurado na secured ang gamit ko at ang mga gamit ng kaklase ko.

Ilang minuto na lang, magriring na ang bell, a signal for flag ceremony. Hanggang ngayon, wala pa rin siya.

Narinig ko ang usapan ng mga kaklase kong nasa tapat ko rin. They are talking about what school they are planning to go to, and both of them want to continue their college in SLU Main Campus.

Nagkatinginan kami ni Criza.

"Ikaw, Alyara, tutuloy ka ng SLU?" tanong ni Criza sa akin, there's a glint of curiosity in her eyes.

Since junior high, magkakilala na kami, but we never had the chance to talk dahil palagi naman kaming magka-iba ng section. We just got acquainted with each other dahil na rin pareho kaming nag-take ng piano lessons sa music studio sa Porta Vaga.

"Yeah," sagot ko. "Ikaw?"

Criza nod. "Medtech."

This time, ako naman ang tumango at saka umiwas ng tingin sa kanila. Bumalik na ulit ako sa pagbabasa.

In The Cold Embrace of BaguioWhere stories live. Discover now