Prologue

25 5 0
                                    

Isang mahinang mura ang pinakawalan ko habang tinititigan ang baso ng kape na hawak-hawak ko. I mentally smacked my head while I stared at the black liquid inside the cup.

I'm starting to believe that I really suck at chemistry. Maging ang pagtimpla ng simpleng kape, hindi ko magawa. Ngayon, hindi na ako aangal sa palakol na grade na nakuha ko noong highschool.

Deserved ko nga talaga ang 76 sa card.

Itinapon ko na lang ang kape sa sink. Bago ako lumabas ng pantry, kumuha na lamang ako ng bottled water saka ako dumiretso sa office ni Papa.

I'm a registered pharmacist, ngunit naririto ako sa loob ng banko: naghahandle at nag-aayos ng mga paperwork. I had filed a sick leave at work para tumulong dito sa business ni Papa pansamantala.

Isang maliit na ngiti ang kumawala sa mga labi ko nang maalala ang rason kong bakit ako naririto.

My parents went on a trip to celebrate their thirty-five years of marriage. Sa tagal nilang magkasama at halos araw-araw nilang nakikita ang isa't isa, they stayed in love. At the age of fifty eight and fifty-five, the love they had at their 20's remains the same.

Love truly stays when you choose it.

I heard the door opening. Nag-angat ako ng tingin kay Celia nang pumasok ito.

"Good afternoon, Ma'am." She smiled then greeted her back. "May naghahanap po sa inyo."

"Oh. Sino raw?" I excused myself to Celia saka ako dumiretso sa desk ni Papa para ayusin ang mga papeles na nagkalat doon. May mga ilang documents pa ako roon na hindi pa nababasa at napipirmahan. Mas lalo pang dumami ang trabaho dahil inaasikaso ko rin ang pagbubukas ng isang branch ng bangko namin sa Tarlac.

"Hindi po nagpakilala, Ma'am." Nag-angat ako ng tingin kay Celia dahil sa sinabi niya. "Pero kayo raw po ang sadya niya, Ma'am."

Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago tumango.

"Okay, pakisabi na lang na maghintay saglit at mag-aayos lang ako rito. I'll be right there in a few minutes."

"Okay po." Tumango siya bago tumalikod sa akin at lumabas.

Bumaling ako sa mga folder na nakapatong sa lamesa saka ko hinilot ang sentido ko.

Tumingin ako sa wall clock na nasa kaliwa ko at napasimangot. Alas-tres pa lang ng hapon pero ang pagod ko parang pagod ko tuwing may OT ako  sa hospital.

I decided to go home early. Hindi na kaya ng kape na paganahin ako. I need sleep. Right now, I just want a good afternoon sleep.

Iuuwi ko na lang ang mga ito at sa bahay na lang gagawin. Pakiramdam ko, anytime babagsak na ang katawan ko. Ilang araw na rin akong puyat dahil sa mga deadlines ng reports at pagbabasa ng mga documents ng banko.

Nag-ayos ako ng mga gamit ko bago ko kinuha ang cellphone ko para i-text si Papa about my early dismissal from here.

I'd closed the office door when I felt my phone on my side pocket vibrated.

Kinuha ko ito at sinagot ang tawag. Hindi ko na tinignan ang caller's ID.

"Hello?" Ani ko gamit ang tamad at pagod na boses

"Hey. Are you okay?"

Para akong batang binigyan ng treats nang marinig ko ang boses ng nasa kabilang linya.

"Kaden!" I shrieked. A wide smile is slowly making its way to my lips.

"Hey, Binibini." He chuckled. "How is your day?"

"It's a tiring day, but it's fine." I answered saka ako nagsimula na maglakad sa pasilyo ng ikatlong palapag ng building. "How about you? How's your day?"

In The Cold Embrace of BaguioWhere stories live. Discover now