40

19 0 0
                                    


Nanliligaw


Hindi ako nagsalita sa sinabi ni Noah. Tanging pag tango na lang ang ginawa ko upang iparating sakaniya na naiintindihan at nakuha ko ang paliwanag niya.

Bukod pa sa wala akong masabi, iniiwasan kong ipahiya ang sarili kung mayroon man akong masabi na hindi dapat. Masiyado pang mabilis ang lahat para sa nararamdaman ko, sa ngayon. Pag-iisipan ko muna ang lahat.

Hindi na rin naman nag tagal at dumating doon ang sekretarya nito. Tama siya, may edad na iyon at halos itago ko ang sarili ko sa likuran ni Noah nang makita ang pag sulyap nito.

Si Noah ay abala sa pag tingin ng mga pinamili ng kaniyang sekretarya na tila ba sinusuri pa iyon kung ipapasuot niya ba sa akin o hindi.

" Magandang tanghali, Ma'am! Kayo po ang nanalo sa beauty pageant noong nakaraang buwan, hindi po ba? Ang ganda-ganda niyo lalo sa personal! " kalmado pero masiglang papuri nito.

Natanggal naman ang hiya ko at ngumiti na rin. Si Noah naman ay lumingon din sa sekretarya at umakbay sa akin. He looks proud. " She really is. " sabay tingin sa akin.

Naputol iyon nang mag salita ulit ang sekretarya niya. " Uh, Ma'am, Sir, puwede po ba akong mag pa picture? Idol ka kasi ng panganay ko, sumasali na rin 'yon ng mga beauty pageants."

Hindi ko alam kung bakit pati kay Noah ay nagpapaalam ito, siguro dahil boss niya at akala'y... kami? Well.... hindi pa..

" Claire?  " tanong ni Noah. Napa lingon naman ako agad sakaniya at ganoon din siya sa akin. " She's only fifteen, Ave, don't look at me like that." sabay ngisi.

Nag iwas naman ako ng tingin. " Sure po." sabi sa sekretarya ni Noah.

Nag picture kami roon at selfie, nag video greet na rin ako. Hindi na rin naman siya nag tagal dahil may trabaho pa sa kompanya.

" Hindi po ba kayo papasok today, sir? " tanong nito sa katabi ko na ngayon ay naka akbay pa rin, nawili ata?

" Alas tres pa naman ang meeting ko ngayong araw, hindi ba? Tuloy 'yon. I'll just drive Avery home, didiretso na ako sa kompanya."

Tumango ito at tuluyan nang nag paalam. Kinuha ko ang paper bags na nasa lamesa at umalis sa pagkaka akbay nito sa akin. " Uh, maliligo na ako. "

" Hmm. I'll do the same. "

Sa bathroom sa kusina muli ako naligo habang siya naman ay sa bathroom ng kuwarto niya. Lahat ng naroon ay galing sa kompanya ni ate Kianna, mula sa skin care, shampoo, and soaps. Ayos lang naman dahil ako naman ang brand ambassador non.

Mahigit isang oras din ang itinagal ko roon, hindi ko alam pero matagal talaga akong maligo. Kung nagmamadali man ay ayos na ang trenta minutos.

Black oversized shirt at maong shorts ang suot ko. Halos lahat kasi ng naroon ay t-shirt at leggings, swerte na lang na may nasama pang shorts. Parang si Noah pa ata ang namili dahil parang napilitan lang lagyan ng short doon.

Mayroon din iyong step in, hindi naman kasi bagay kung isusuot ko ang 4 inch heels na suot ko kagabi atsaka para rin makapag pahinga naman ang paa ko.

Nang makitang ayos na ang itsura ay lumabas na ako at nakita itong naghihintay sa kaniyang. He's wearing his usual corporate attire. Wearing his white button down long sleeves, folded up until his elbow and black slacks partnered with a pair of black shoes.

He has his dark blue coat on his arm, tumayo ito nang makita ako. Sukbit ko na rin kasi ang hand bag ko na ginamit ko sa pag aayos ng kaunti at paper bag ng pinag bihisan ko kagabi.

" Uh, nandito rin pala 'yong damit mo. Lalabhan ko muna bago isoli." imporma ko rito sabay taas ng paper bag.

" You don't have to, puwede mo namang iwan at ako na lang ang maglalaba."

One Night Full of LiesWhere stories live. Discover now