19

17 1 0
                                    


Type of suitor

" Try out namin mamayang 1pm, hindi ka naman makakasama kasi ayaw mo naman sumali e. Iyong mag t-try out lang ata 'yung excuse mamaya sa time ng applied economics natin."

Tumango ako. Magsisimula na kasi iyong volleyball category sa sports fest namin kaya kailangan na nilang mag try out.

" Okay lang para makapag take down notes ako mamaya sa last lesson para may ma review tayo. "

Next week na kasi ang finals namin tapos sunod ang senior ball at graduation kaya medyo hectic na nga sa schedule.

" Kailan ba ang sa badminton? Matagal pa 'yang sainyo kasi kakalabanin mo lahat ng sasali sa Grade 12 para maging representative diba?"

I nodded. " Nakapag paregister na ako kahapon sa link na pinasa ni Ma'am Ara, hinihintay ko na lang 'yung announcement. "

Hindi kami sabay umalis ngayon ni kuya. Hindi na rin siya nangungulit na isabay ako papasok at pauwi, basta lang daw mag uupdate ako sakaniya o kila mama kung pauwi na o kung may pupuntahan at huwag lang magpapa gabi.

I guess being eighteen is really giving me the freedom, huh?

I focused in our four hour straight classes before we finally have our lunch at 1:30. Kanina pa na excuse sina Ashley at Thea para sa try out at namataan ko nga sila sa court ng school.

Nagpalit na sila at ang lahat ng narito ay kung hindi naka short ay naka leggings. Nilapitan ko agad ang dalawa dahil hindi pa naman nagsisimula, wala pa iyong coach ng volleyball sa grade 12 kaya siguro hindi pa nagsisimula.

" Alam mo bang hinanap ka ng Ledesma mo kanina sa'min?"

Huh? Si Noah lang ang kilala kong Ledesma. Char, marami namang Ledesma sa mundo pero wala naman siyang ka apelyido ata rito sa School.

" Si Noah ba?" pagkukumpirma ko.

" Oo, dumaan sila rito kasama na ang kuya mo, ayos na sila? "

Napa ngiti ako, they really reconcile!

" Siguro, nag usap na sila kahapon pa, e."

Tumango silang pareho. " They should, napaka liit lang ng dahilan para itapon ang ilang taong pagkakaibigan nila noh! "

" Yeah, sayang talaga. "

Nang makita si Sir Padilla na coach ng volleyball sa grade 12 ay nagpaalam na ako. Bibili na lang ako ng kahit anong puwedeng meryenda at inumin saka manonood sa court dahil hanggang alas tres pa ang vacant namin at hanggang ala sais naman kami rito sa school.

Marami ang ngumiti sa akin at tipid na ngiti lang din ang isinusukli ko roon bukod sa mga lalaking nagpapa pansin sa akin.

" May barya ka ba? Wala kasi kaming pang barya sa  limang daan, Ca—"

May isang kamay ang nag abot ng isang daan. " Ito po ang bayad niya."

It was Simon who willingly gave his money to the lady in exchange for my milk tea. Wala naman kasi akong barya dahil kakabigay pa lang ng allowance ko at isang libo na ang narito kaya iyong five hundred na ang pinaka barya ko.

" Thanks, Si! "

Kinuha ko ang milk tea ko, its flavor is cookies and cream, my ever favorite flavor. Inalok ko ito pero umiling lang siya.

" Kapag nakapag pabarya ako babayaran din kita, 95 pesos noh? " tanong ko.

" Hindi na, treat ko na lang 'yan. Pa late birthday treat hehe." kumamot ito sa kaniyang batok at sinundan akong pumila sa stall ng shawarma, malakas iyon kaya siguro naman ay may pamalit na sila sa 500.

One Night Full of LiesWhere stories live. Discover now