26

14 1 0
                                    


Peaceful life with you

" Alin ang mas maganda, Cath? " pina pili ako ni Aki sa nakuha niyang itim na dress at itim na skirt.

Hindi ako maka pili kasi parehong maganda. Pareho niya ring puwedeng gamitin. "Bilhin mo na lang pareho."

Tumango ito at sumunod kina Ashley na nasa counter. Mabilis naman akong pumuslit sa men's section. Mabilis kong hinanapan ng shirt doon si Noah. Simple lang naman ang suot nito palagi, shirt, maong pants, at sapatos. Dalawang damit ang nabili ko na sa tingin ko naman ay magugustuhan niya. I will give him that before his vacation.

I was about to grab another white shirt when a guy suddenly grabbed it. He smiles at me and wave the shirt as if he's saying that he grabs it first. " Gotcha! " mayabang na sabi nito.

Dahil sa bigla ay napa titig ako rito. " What? Do you like this badly, miss? " he asked.

Doon pa lang ako natauhan. " Ah, hindi. Sige iyo na."

Naglalakad na ako papuntang counter nang humarang sa paningin ko ang puting shirt na kukunin ko pa sana. Sinundan iyon ng naka ngising lalaki na naunahan ako sa pag kuha. He's towering me! I bet he has the same height as Noah ngunit halatang mas bata, siguro kaedad ko. May pagka baby face kasi ang itsura, matangkad lang talaga.

" Sige sa'yo na, you likes men's clothing? " tanong niya habang inaabot pa rin ang damit. Hindi ko alam kung kukunin ko iyon.

Pero sa huli ay kinuha ko pa rin.

" Thanks! " iyon na lang ang nasabi ko pero hinarang niya pa rin ako.

" Wait! Baka naman can I ask your number? And your name? "

Kumunot ang noo ko bago nag bigay ng random number dito. " I'm Aki. Sige, una na ako." mabilis na akong nag lakad. Sorry, Aki!

" Hey! I'm Josh, nice meeting you, pretty! " sigaw nito na hindi ko na nilingon at mas nagmadali na akong bumalik sa counter kung nasaan ang mga kaibigan.

" Wow! Kaya pala nagpahuli kasi binilhan pa si lover boy! Nagiging sugar mommy talaga kapag nagmamahal e."

" Partida kuripot pa 'yan, ah?" dagdag ni Thea.

Hindi ko na lang sila pinansin at nag bayad na. Totoo naman kasi. May pagka kuripot nga talaga ako pero sa sarili ko lang. Siyempre ay hindi ko naman kasi masasabing pera ko talaga ang pera ko  ngayon dahil ipon ko ito mula sa mga allowances ko na sila mama rin ang nag bibigay.

Ala-sais nang mag simula na kami sa byahe pauwi. Lahat sila ay nagchichikahan habang ako naman ay ka-text si Noah at sinisiguradong hindi nga siya sumunod. Bukas ay requirements na ang aasikasuhin nila dahil sa Friday ay last day nila. We have weekends for each other before his vacation. Sunod non ay sa pasukan na ulit.

Noah:

Can I request a lunch again on Friday? I want your cook.

Ako:

Bakit hindi na lang bukas and sa Friday?

Noah:

Pagod ka, you should sleep and rest more. Maaga ako bukas, ayaw kong gumising ka ng maaga para lang sa request ko. Ayos na ang biyernes, alas diyes ang pasok ko non.

Alas otso na kami nang maka uwi. Nag sabi na lang ako kay Noah na matutulog na ako dahil pagod sa kaka lakad kanina at ganoon din sa byahe. Isa pa, balak ko pa ring pag lutuan siya bukas kahit ayaw niya kaya pinili kong matulog nang maaga.

Kinabukasan ay ala singko ako nagising. Naabutan ko pa roon sila mama at papa na parehong paalis na, si mama sa eskwela habang si papa ay sa opisina nito kung saan siya nagtatrabo. Dapat pala ay mas inagahan ko ang gising para naipag luto o naipag baon ko rin sila. Bukas ay aagahan ko ang gising.

One Night Full of LiesWhere stories live. Discover now