35

10 1 0
                                    


Home

" Ano na? Nasaan ka na? "

Aligaga kong isinuot ang mini sandals ko at naglagay ng kaunting liptint. Anong oras na kasi ako nagising. Sina Becka at mama Rhea ay nauna na dahil mas excited pa iyon sa'kin. Ginising naman nila ako pero ako talaga 'tong hindi magising-gising.

" Oo na, pababa na nga."

"Wow, parang ikaw pa ang galit, ah? Angas mo talaga eh." natatawang sabi ni Josh mula sa kabilang linya.

Dahil may kasalanan sa'kin kagabi ang shokoy ay wala siyang magawa kung hindi ang isabay ako. Hindi ko naman kasi dala ang sasakyan ko, iyong kay kuya naman ay puno na dahil naroon sila papa at Becka kaya wala talagang choice ang shokoy kung hindi ang hintayin at isabay ako.

Mabilis na rin akong bumaba. Kani-kanina pa naka alis sila kuya at kung matatagalan kami baka lalong late na talaga ako. Well, hindi naman special ang binyag na ikinuha nila. Mayroon pa itong ilang mga kasabay kaya sana hindi muna mauna ang binyag ni Zabby para maka abot kami.

Kung hindi ako makaka abot ay paniguradong sandamakmak na sermon ang maririnig ko sa lahat lalo na sa kuya ko.

Ang naka polo shirt na blue at black pants na Josh ang sumalubong sa akin. Naka shades pa ang tanga kahit hindi naman ganoon katirik ang araw dahil maaga pa lang, ang oa talaga basta lang maka porma.

" Hoy baka akala mo pageant 'yung pupuntahan mo!"

Hindi talaga nagpaawat at nilait din ang suot ko. I looked at my dress, it was a fitted floral maxi dress until below the knees, pa sando rin ang style non kaya nagdala ako ng white cardigan na isusuot mamaya sa loob ng simbahan. Ito ang uso ngayon!

Iyong mga dress na mala Julia Barretto ang atake.

" Kaya nga I have this diba? Kaysa naman sa naka shades kahit wala naman talagang tirik ang araw!"

Hindi ko na hinintay ang ire-rebutt nito at pumasok na ako sa front seat. Buti nga hindi pa ako sa backseat umupo nang mag mukha siyang driver ko, tamang iyon sa shades niya para na rin siyang body guard.

" Nakita mo lang ang pinaka mamahal mong ex kagabi pumorma ka na nang malupit. Ayos 'yan, lods. Ganiyan talaga ang mga indenial."

Talagang bumoses pa.

"Hoy! Walang kinalaman ang fashion style ko sa kung sino ang nakita ko kagabi, okay? Palibhasa paulit-ulit ka ng suot kaya wala kang alam sa ganito."

Tumawa ito. " Lalaki ako, alangan mag try ako ng iba't-ibang damit gaya ng suot mo? Siyempre kung hindi tshirt ay polo ang suot ko. "

Umirap ako." Baduy ng shades mo, walang araw! "

Umalingawngaw ang tawa nito at binago na ang usapan, alam niya kasing napipikon na ako. Akala ko kapag nag asawa si kuya at magkaroon na rin ako ng sariling buhay ay matitigil na ang pagka pikon ko pero hangga't hindi pa ikinakasal 'tong shokoy na 'to ay mananatiling nakaka pikon ang mundo.

" Pero anong gagawin mo?" tanong nito.

" Saan na naman? "

" Sa ex mo. Bestfriend 'yon ng kuya mo kaya imposibleng wala iyon doon."

Hindi pa nga pala nila alam na boss ko na ito ngayon at hindi kagabi ang una naming pagkikita. Mamaya ko na lang siguro sasabihin kapag kumpleto na kami nila Thea at Ashley.

" Wala. Walang gagawin, Josh. May asawa na 'yon, hindi mo naman dapat ako tinatanong sa mga bagay na 'yan. Past is past."

Naguluhan ang mukha nito. " May asawa na si Noah? Tangina weh ba?"

One Night Full of LiesWhere stories live. Discover now