08

18 1 0
                                    


Age doesn't matter

" Kuya, kaya mo pa ba?"

Tinapik tapik namin ni Ashley ang pisngi nito pero tulog na tulog na ito sa sofa ng sala nina Ashley.

" Sabi ko na nga ba, e! Dapat umuwi na kami kanina pa."

Dumating si Tita Marie na may dalang mga gamot para sa sakit ng ulo. " Oh, kanina gising pa ang mga 'yan, ah?" takang tanong ni Tita.

Si Sean, Lucas, at kuya ay pare-parehong tulog na tulog sa sofa habang si Timothy naman ay naka upo lang at inaantok. Alas onse nang bumaba sila para mahimasmasan habang tumulong kami sa pagliligpit sa itaas pero ito ang dinatnan namin.

Umuwi na si Thea dahil sinama na siya ng parents niya at ganoon din ang mga bisita nina Ashley, kami na lang talaga ang natira rito. Tinatawagan ko naman si Papa pero hindi na sumasagot, siguro ay tulog na rin.

" Maiuuwi pa ba ang mga 'yan?" natatawang tanong ni Tita Marie habang naka turo kina kuya.

" I'll drive them home."

I looked at Noah who's now standing behind me. His firm arms were now crossed and he just looks like a beautiful man looking so bored but he's still so fine like dude, that's not fair! I might faint right now.

" Oo nga pala. " bumaling sa akin ng tingin si Timothy. " Iniwan nina Tita Liza 'yong sasakyan niyo, diba?"

Tumango ako. " But I can't drive."

" That's why I'm driving you home." iritableng sagot ni Noah.

Kanina pa talaga siya iritable riyan! Kahit noong matapos ang napaka awkward naming pag uusap sa harap ng restroom ay aburido pa rin siya.

" Naka inom ka, hindi ka puwedeng umuwi. " sagot ko.

" Yeah, you should stay here, hijo. Hintayin na lang nating sumagot sina Liza para masundo kayo. Hindi kasi kayo magkakasiya sa sasakyan kung ipahahatid ko kayo." sabi ulit ni Tita Marie.

Tumayo si Timothy at tumabi sa amin ni Tita Marie, mukhang may sasabihin. " Kaming tatlo na lang po nina Sean ang sasakay sa sasakyan niyo at iyong tatlo naman po kina Catherine na lang.. " suwestiyon niya sabay turo sa amin nina Noah at kuya.

Well, I think it's a right decision. Hindi naman ganoon na lasing si Timothy kaya maihahatid pa nila isa-isa ang mga kaibigan. Magkakalapit lang naman kami ng barangay, hindi ganoon kalalayo.

" Oh sige, kakausapin ko lang ang driver para maihatid na kayo."

Umalis si Tita Marie kaya kami na lang ang naiwan. Agad namang tumayo si Ashley at siniksik ang sarili sa bakanteng space sa sofa kung nasaan si kuya naka higa.

" Alam mo, napaka pa baby mo talaga, Zavier! Kahit kailan talaga sugapa ka sa alak kaya lahat kami nag aadjust sa'yo! Nandamay ka pa ng mga kaibigan mo!" kinurot nang kinurot ni Ashley ang pisngi nito pero ungol at pangagamot lang ang itinutugon niya, ayaw talaga magising.

I tried reaching my parents' phone but it's still cannot be reached. Nag lakad na ako pabalik balik habang humihikab, inaantok na ako dahil ala una ng madaling araw.

" Hindi ako lasing, Avery. Ako na ang maghahatid sainyo."

Tumingin ako kay Noah at umiling. " Uminom ka, ayoko pa rin."

" I'd drink but with a few shots only, I didn't drink the whole bottle like your brother." nilahad nito ang kamay sa akin. " Inaantok ka na, umuwi na tayo. Give me the keys. "

Umuwi na tayo...

Baka talagang maiuwi kita sa kaka ganiyan mong lalaki ka! Hindi mo alam kung paano ako kiligin, nang aangkin ako.

One Night Full of LiesWhere stories live. Discover now