27

14 1 0
                                    


He's back

" What are your plans before you enter your college life? "

Nang makarating kami sa tree house ay maayos na maayos iyon. Ang bedsheets ng double deck ay parehong bagong linis. Ang buong loob ay malinis, mayroon pang naka handang rattan na duyan sa labas ng balkonahe. Para bang nilinis na iyon bago pa man kami pumunta.

Magkatabi kaming naka upo ngayon sa duyan habang maingat niya itong isinasayaw sayaw habang ang mga kamay ay naka yakap nang kaunti sa maliit kong bewang. Parang ayaw na ako nitong pakawalan simula pa kanina. And today I realized that Noah is really a clingy guy. Akala ko nga ay ako pa ang mag iinitiate ng mga ganitong gestures dahil clingy rin ako pero hindi ko kinaya ang isang 'to, mas malala sa inaasahan ko.

" Balak ko sanang mas pagandahin itong tree house para kahit bumalik iyong may ari ay mas maganda na ito. Isa pa, puwede rin kasi 'tong maging parang bahay na talaga. May nakita ako sa internet kung pa'no siya nag tayo ng kusina at banyo sa tree house, may rooftop pa nga iyon kapag nag sasampay siya ng damit. " natawa ako roon. Mariin lang itong naka titig sa akin.

" Then?  "

" Balak ko ring palakihin itong balkonahe, medyo masikip kasi. Gusto ko kasing lagyan ng iba't-ibang halaman at para mas maka galaw tayo. Tignan mo nagsisiksikan tayo rito. " turo ko sa amin dahil wala ng ilalapat pa ang duyan dahil masikip nga ang space ng balkonahe.

Pero hindi ito natinag, sa halip ay lalong nag sumiksik sa akin. " Baka hindi kita suportahan sa gusto mo... I want you this close.. so close.. "

Tinapik ko ang kamay nito na tinawanan lang niya. Inisa-isa ko sakaniya ang balak kong gawin sa tree house, gusto ko iyon pagtuunan ng pansin dahil madalas dito ang date place namin ni Noah. Simula ng maka punta ako rito ay marami nang beses pa kami muling tumungo ni Noah, hindi nga lang nagtatagal dahil sa mga ginagawa lalo na noong mga nakaraang linggo kaya ngayon na lang ulit kami naka punta.

Kung kailangan kong mag review or may major projects akong ginagawa, this tree house is a perfect spot to study. Tahimik lang pero magaan ang paligid. Sa buong oras nga namin doon ay ako lang nang ako ang dumadaldal na para bang tuwang-tuwa at sapat na siyang makita akong mag kuwento nang mag kuwento sakaniya ng mga gusto kong gawin.

Wala namang kaso sa akin ang budget dahil matagal ko rin itong inipon lalo na may pera ako na nakuha ko noong debut ko. Iyon ang gagastusin ko rito, pipilitin ko na lang si kuya na samahan akong gawin ito. Gustuhin ko mang gawin ito at mas buuin at pagandahin pa kasama si Noah ay ayaw ko nang isatinig dahil ayaw kong isipin niyang binibigyan ko siya ng rason para hindi na tumuloy sa Maynila.

Of course I want him here, with me. But I also know that his family especially his mom want him by their side. Kitang-kita at dinig na dinig ko iyon mula sa boses ng mommy niya, kung ang mommy nga lang nito siguro ang masusunod ay matagal nang nasa Maynila ang anak para mag-aral. I know that for Tita Vangeline, Siargao is just their vacation place. This is not their home. Their life involves business and its in Manila. And I understand that.

" What are your plans during your college years? Please, I want to know. I'd love to know your plans." malambing niyang paki usap.

Ano nga bang plano ko? Alam kong mahihirapan na ako sa susunod na mga taon kapag wala na rito si Noah sa tabi ko. Bahay, kaibigan, eskuwela na lang ako. Hindi na ako puwedeng basta-basta na lang humingi ng yakap dito kapag napapagod ako. I can't talk to him personally if I'm having a bad day, I can't talk to him any time I want because of his work. Hindi na namin hawak pareho ang oras namin sa mga susunod na taon.

" I'll stick to my plan. I'll take BSA, I want to join Miss LCC again once before I graduate. Kapag nakapag tapos, maghahanda para sa boards. Kung sakaling maka pasa, na sana talaga ay maka pasa, maybe I can go with you. I'll work in Manila." sabay tingin ko rito na lalong humigpit ang yakap sa akin.

One Night Full of LiesWhere stories live. Discover now