33

6 1 0
                                    


Endorsement

" Congratulations again, Cath! " bati sa akin ng host.

" Thank you po, Miss Karen! "

Isang linggo na ang nakaka lipas simula nang makoronahan ako sa Japan bilang Miss Grand International 2023 pero hanggang ngayon ay puno pa rin ang schedule ko. Mostly ay interview and guestings, next week naman ay puro shoot.

Nasa back stage ako ng studio, inaayusan para sa next guesting ko naman sa kabilang network sa isang talk show.

" Oh may nagpapa bigay na naman. Jusko! Puwede ka nang mag tayo ng flower shop sa rami ng natatangga mo araw-araw." tukso ni Mama Rhea.

You read it right, my mentor back in Senior High is now my manager while her team is also my team now. Sila ang nakakasama ko palagi sa ganitong event. Paminsan ay sumasama si mama pero madalas ay hindi na lalo dahil panay ang biyahe dahil iba-iba ang pinupuntahan.

" Kahit naman dati pa lang na mga maliliit na beauty pageants ang sinasalihan niyan eh talagang sandamakmak ang natatanggap na bulaklak, ngayon pa kaya na trending na trending si akling sa internet! " sabi naman ni Beka, iyong hairstylist ko.

Natawa ako, naalala kung gaano nga karami ang nagbibigay sa akin ng kung ano-ano kahit noon pa man. May mga sumubok ding pumorma pero walang naka lusot hanggang ngayon. Wala pa iyon sa isip ko.

At totoo ngang sikat ako sa internet ngayon. Simula pa lang noong pre-pageant ay todo na ang suporta nila lalo pa noong nanalo na. Masaya naman ako roon dahil pakiramdam ko ay nasuklian ko naman ang pagtitiwala at suportang ibinigay nila sa akin nang mauwi ko ang korona.

" Kanino ba galing? Baka isa lang sa mga endorsement ko." tanong ko. " Patingin nga."

Kinuha ko ang kulay puting bungkos ng rosas na naka balot sa itim na wrapper. Elegante ang itsura noon.

There's a note in it.

Congratulations, Miss Grand International 2023. Paramdam ka naman diyan, naghihintay na kami nila Ash.

- Josh pogi

Humagalpak ako sa tawa. " Kay Josh galing! Siraulo talaga."

" Anong sabi? "

" Nag-aaya lumabas, namiss na ata nila ako nila Ashley."

" Sabihin mo sama ako, miss ko na rin siya. Rawr!" sabi ni Beka.

Natawa ako. Kilala na nila si Josh noon pa man, binibiro biro ito ni Beka dahil crush niya ito pero huwag kayo, may jowa na iyang si Beka tinalo pa ako.

Isang linggo pa lang ako nang maka uwi galing Japan kung saan ginanap ang pageant. Isang beses ko pa lang sila nakausap noong mismong pageant night dahil naroon sila pero agad ding umuwi dahil sa kaniya-kaniyang trabaho.

Inilabas ko ang cellphone ko.

Ako:

I received your flower. Ang tagal na natin pero hindi mo pa rin alam ang favorite flower ko, nakaka sama ka talaga ng loob.

Nag mirror shot ako roon habang hawak ang bulaklak na bigay nito at isang selfie na pareho kong sinend sakaniya.

Ako:

Pero nagustuhan ko pa rin naman. Thanks.

Agad itong nag reply.

Josh:

Ikaw na lang binigyan ikaw pa nag demand.

Tinawanan ko lang iyon.

Josh:

One Night Full of LiesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant