06

16 1 0
                                    

Boyfriend


" Wait lang po, Ma! "

Kinuha ko ang maliit kong backpack saka nagmamadaling bumaba. Wednesday ngayon at wala kaming pasok pero dahil may training ay papasok ako. Ngayon namin balak na simulan at tapusin ang sasayawin ko para sa talent portion namin dahil simula alas nuwebe hanggang alas kuwatro kami ngayon.

" Bilisan mo, nak. Baka ma-late ako sa meeting namin, nakakahiya sa mga co-teachers ko.."

Sumabay ako ngayon kay mama dahil alas diyes ang pasok nito dahil may meeting sila kaya kaysa mag tricycle ay sumabay na ako sa sasakyan nito.

" Oh, you're here na rin pala, Cath.. " bati ni Rhea sa'kin nang makababa siya sa kaniyang sasakyan, sabay lang pala kami dumating.

Sabay na nga kaming pumunta sa bakanteng room na na-assign sa amin pero bago iyon ay nadaanan ko ang katabing room kung saan nagrerehearse si Shane ng kaniyang pag rampa. Naka full glam make up iyon at naka mataas na takong, iyong takong na parang mayroon din sa harap and to be honest, she's good... really good..

But I can be as good as her.. maybe better..

" Smile, always smile, Shane. Look at the judges! "

Hindi ko na iyon pinansin pa at dumiretso na ng tingin hanggang sa marating namin ang bakanteng room at nagsimula na rin ang araw na iyon para sa akin.

" Maganda ang ribbon dance, Cath, kakaiba iyan and that's a good strategy for us. Wala kang makaka tulad and it's an advantage. Are you ballet dancer? " tanong ni Rhea.

Umiling ako. " Just got this from my mom, she likes ribbon dancing."

" Oh, I think she's as gorgeous and as talented as her daughter.. " pagbibiro pa nito.

" She is.... "

Marami rin kaming napag kuwentuhan ni Rhea. May boyfriend pala ito at 3 years na rin sila, nakuwento rin niyang independent siya dahil hindi siya tanggap ng papa niya as a transgender woman. She's really kind and she's easy to be with kaya mas komportable ako sa mga nagdadaang araw.

" Ikaw ba? Mayroon ka rin ata, e. The guy who's always waiting for you sa parking lot? He's hot, huh! " she smiled teasingly.

Namula ako roon. Noong lunes at kahapon kasi ay palagi kaming sabay mag punta sa parking lot kaya namamataan niya si Noah doon. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangang sa labas pa siya mag hintay at hindi na lang siya manatili sa loob. Not that I'm demanding but he's getting too much attention. May mga usapan na ring idini-date niya ako, hindi pa naman kalat kaya wala pa masiyadong issue pero may mga kaklase kong naka kita sakaniya kahapon.

" He's not. He's just uhmm... my older brother's bestfriend. Masiyado lang possessive ang kuya ko na kailangan pa ako ipasabay sa kaibigan niya." natatawa at naiiling ko pang sagot sakaniya.

She just nodded but not convinced. " Kung ako ang kaibigan ng kuya mo hindi ako magtitiyagang mag hintay nang ganoon para lang sa kapatid nito not unless... "

" What? "

She smirked." He likes you.."

I don't know if it's a statement o baka kasunod lang ng sinabi niya. Hindi ko na lang pinahaba pa ang usapan doon dahil miski ako ay nakaka halata at nagtatanong na rin. Tama naman si Rhea, kung ako rin ang nasa sitwasyon ni Noah ay hindi ako magtitiis ng ganoon. But the latter part is what I am not sure of. Ayokong mag assume na gusto niya ako.

" May bisita ka ata.." nginuso ni Rhea ang pinto sa likod ko.

Naroon si kuya at Timothy. " Anong oras ang tapos niyo? Baka hindi ka masabay ni Noah e, iba ata sched ni gago. Text mo na lang, wala akong load."

One Night Full of LiesWhere stories live. Discover now