28

12 1 0
                                    

First and Last

Isang linggo kaming nagpa balik-balik sa tree house ni Noah para tuluyang matapos ang pag-aayos nito. Malinis na malinis at kumpleng-kumpleto na roon ang mga gamit na maaari na talagang tirhan.

Buong bakasyon ay roon kami naglagi ni Noah, minsan kasama sina kuya at iba nitong kaibigan pero madalas na kaming dalawa lang. Hindi naman kami nagpapa hating gabi dahil alam kong hindi rin iyon magandang tingnan. Hangga't maaari rin ay iniiwasan naming matulog ni Noah sa tree house nang magkatabi.

Kung inaantok ito ay hinahayaan ko siyang matulog habang nagbabasa o nanonood lang ako. Ganoon din ang ginagawa niya kapag ako naman ang natutulog pero madalang lang iyon dahil hindi naman ako antukin sa hapon.

" Send my regards to your cousin! " sabi ko rito.

" You don't have to send your regards, bawal mo batiin ang gagong 'yon! " suplado niyang sagot.

Aalis kasi ito dahil birthday ng pinsan niyang si Niko. Ang dahilan kung bakit galit na galit siya rito ay nalaman niyang nag mensahe ito sa akin sa Instagram na hindi ko naman nakita dahil hindi ko naman iyon ginagamit. Siya lang ang naka kita nang maisipan naming magpalit ng cellphone sa loob ng isang araw. Doon nagsimula ang pagka bugnot niya.

" Noah, pinsan mo iyon! Last week mo pa nakita 'yung message ni Niko, hindi ka pa rin maka move on? " hindi makapaniwala kong tanong.

Umiling siya. " Hindi talaga lalo na kapag nakita ko ang mukha niya bukas. Baka imbes na regalo ang ibigay ko ay suntok, eh. "

" Noah!  "suway ko rito.

Nagkibit balikat na ito at niyakap ako. Ganito naman siya palagi sa tuwing alam niyang uuwi siya ng Maynila o kaya nama'y madalas niya itong gawin kapag na bu-busy siya sa schooo works tuwing pasukan.

" Uuwi rin ako sa biyernes, I'll watch your graduation ceremony." ani nito.

Dalawang linggo na lang ay pasukan na at noong nakaraang linggo lang kami nag practice para sa graduation ceremony namin sa biyernes.

" Hindi na, Noah. Puwede ka naman humabol na lang sa hapon, sa bahay lang naman ang handaan namin. You need to get some rest, kakauwi mo lang non eh." sabi ko ulit.

Lalong humigpit ang yakap niya. " E ikaw naman ang pahinga ko, eh."

Ang corny! Hinagod ko ang likod nito at nangingiting tumingin sa mga bituin. Andito kami ngayon sa tapat ng bahay matapos niya akong ihatid galing sa tree house. Mamayang madaling araw ang alis nito kaya heto at naglalambing. Nahihiya nga ako dahil kahit tahimik naman ang paligid ay nakakahiya pa rin kung may makakita. Baka isipin pang sa labas pa talaga kami naglalandian, wala naman akong magawa dahil nasanay na ako sa mga ganito ni Noah.

" Sige na, pumasok ka na. Tatawag ako pagkauwi." siya na ang nagtapos ng araw naming iyon at tumawag nga siya pagkauwi na umabot na hanggang alas dose, natigil lang nang maghanda siya sa pag alis nila ng alas dos.

Kinabukasan ay wala akong ginawa bukod sa matulog, mag cellphone, at manood. Umuwi na kasi si Aki sakanila dahil enrollment na nila at mas maaga ang pasukan kumpara sa amin. Sila Thea at Ashley naman ay bukas pa uuwi para sa graduation namin, hindi sila naka attend ng practice kaya boring na boring ako roon.

Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang pag gawa ng speech. Isa kasi ako sa may pinaka mataas na general average sa buong grade 12. Ako ang napiling mag bigay ng speech kaya kahit confident ay medyo kabado pa rin naman. Huling speech ko pa ay noong grade 6 dahil noong moving up ng grade 10 ay nagka sakit ako kaya hindi ako naka attend.

Nang mag huwebes ay buong araw kaming magka video call ni Noah. Hindi ko nga alam kung nagagawa pa ba nitong ma enjoy ang party ng pinsan niya gayong mag hapon lang niya akong kinausap. Iyon daw ang gusto niya kaya pinagbigyan ko na, wala rin naman akong ibang gagawin. Bumati pa nga sa akin ang ate niya nang makitang ka video call ako nito.

One Night Full of LiesWhere stories live. Discover now