14

20 1 0
                                    

Tigilan mo na, Noah

Umabot ng trenta minutos ang biyahe naming iyon nang hindi nag uusap. Hindi ko ito nililingon at kung hindi sa daan naka tingin ay nag titipa naman ako ng mensahe sa gc namin.

Ashley Salcedo : Kaya pala ayaw mo kaming isama dahil kasama mo ang crush mong haliparot ka!

May mga angry emoji pa iyon kaya hindi ko napigilang matawa. Kahit kailan talaga baliw ito.

" Who are you texting with? "

Hindi natapos ang itinitipa ko nang marinig ang mariing tanong ng kasama ko ngayon. Hindi ako lumingon at ipinagpatuloy na lang ang pakikipag usap kina Thea.

" Friends." walang kuwenta kong sagot.

" Who's friends? Marami kang kaibigan. "

Ha! Siya nga itong puwedeng bansagang most friendly, e. Ang dami dami niya laging babae! Lahat nasasangkot sa name niya. Sa ilang taon kong pagkaka gusto sakaniya ay ilang babae na rin ang na link sakaniya at wala manlang siyang itinanggi ni isa.

Ngayon nga ay si Shane naman ang usap-usapang babae niya at ngayon-ngayon lang, nag post ang school page namin kung saan puro estudyante lang ang naroon at mayroon dong nagtatanong kung single raw ba si Noah at ang mga comments ay nagsasabing hindi dahil may girlfriend daw itong Jean De Leon ang pangalan.

Sino na naman iyon? Iyong si Shane pa nga lang ay parang dinadagan na ng pader ang puso ko ito pa kayang may panibago?

Cherry Lim: Friend ko si Jean, we saw them together last night sa tapat ng bahay nila Noah. I think sila na or mutual feelings.

Umani iyon ng 124 hearts na puro mga tiga LCC. Anong ka heart heart doon? Nagkita lang pala sa tapat ng bahay, e. Malay ba nila kung may inabot lang.

E bakit ikaw, Catherine? Kinausap ka rin ba sa tapat bahay?

" I don't have a lot of friends, ikaw siguro ang marami."

Don't look at him, Catherine. Don't look at him.

I stalked that Jean De Leon and saw that she's not studying in LCC, kaya pala hindi pamilyar. She's from Las Casas and studying in Casa Del Real University. She's also a tourism student, based on her cover photo.

She's pretty, alright. She looks angelic and kind than Shane but... that doesn't mean that I like her for uhm... Noah.

E sinong dapat para sakaniya? Ilusiyunada.

" Kilala mo ang mga kaibigan ko." iyon lang ang naisagot niya sa akin.

Dinelete ko sa search history ang pangalan ng babaeng nalilink dito at umexit na sa app na iyon. Nakaka high blood talaga ang panahon, ang sarap mag burst out.

" Nope, hindi ko kilala. Hindi ko nga alam kung sino-sino ang mga kinikita mo, e."

Shit! What did I just say? I sound so bitter! Nag focus lang ako sa daan para mag mukang unbothered kahit ang totoo ay nahihiya na ako. Para akong humuhukay ng sarili kong libingan para sa kahihiyan na dulot ng walang hiya kong bibig.

" I'm not seeing someone if that's what you're pertaining to, Avery.."

" Wala naman akong paki kahit may kinikita ka. Ang sabi ko lang, hindi ko alam dahil hindi ko naman nakikita kung sinong mga nakakasama mo."

Hinampas nito ang manibela. " Damn! Why are you so grumpy, huh? Ang sungit sungit mo kanina pa. "

" No, I'm not! "

" You are. "

Tuluyan na akong lumingon dito. " Hindi nga sabi, e! "

He smirked, a sexy smirked like he proved something. " Okay, baby, you're not. Stop shouting."

One Night Full of LiesWhere stories live. Discover now