02

13 1 0
                                    

Folder


Nauna akong lumabas at hindi na pinakinggan ang mga panenermon at tanong ni Kuya. Kahit naman mag sumbong siya kina mama ay tatawanan lang siya nito dahil alam nitong kung mayroon man akong mapiling manliligaw ay sakaniya ko ito unang sasabihin.

Humalik ako sa pisngi ni mama at ganoon din kay papa na sa tingin ko ay kaka uwi lang. Architect sa kilalang kompanya si papa, swerte lang na may branch ang kompanyang iyon dito kaya hindi naman nahihirapan sa byahe si papa habang guro naman si mama sa elementarya at pang umaga siya kaya narito na kapag tanghali.

" Ma, dito po pala matutulog si Ashley at baka pati na rin po si Thea, paramihan na lang po ang pagkain." imporma ko rito na nagbabalat na ng mga rekado.

" O sige, sabihin mo mag maaga sila dahil mabilis ko lang itong lulutuin. Tama rin dahil magpapa tulong ako sainyo sa mga chart na gagamitin ko bukas haha. "

Dahil nga guro si mama ay madalas na ako ang katulong nito sa pag gawa niya ng mga charts at ako ang nagsusulat dahil maganda ang penmanship ko habang tiga print naman si kuya kapag may kailangan.

" Ma! Iyang bunso niyo nagbo-boyfriend na ata, nakikipag I love you-han ba naman sa sasakyan kahit naroon ako! " nangibabaw ang tinig niyang iyon.

Umiling ako kay mama habang paakyat ng hagdanan. " Si Ashley ang kausap ko, ma. Ang OA lang talaga ni Kuya. "

Tumawa si mama at nag taas ng kilay kay Kuya Zav na masama ang tingin sa'kin." Hayaan mo na, malaki naman na ang kapatid mo. Matalino 'yan kaya alam na ang tama at mali."

Para namang mababaliw si Kuya sa narinig kay mama. Alam ko namang inaasar lang siya nito pero ang inaasahan kong tawa mula sa kaibigan nito ay hindi ko nakita. Madalas itong gumatong sa pang aasar kay Kuya pero himalang seryoso lang din ang mukha nito at napa angat pa ng tingin kaya nagkatinginan kami.

Umakto akong balewala lang iyon at dumiretso sa aking kuwarto bago humawak sa aking dibdib na parang naiwan sa sala sa sobrang kaba.

Great! Anog move on? Palala lang nang palala, e.

" Oo, andiyan na! "

Sinuklay ko ang basa kong buhok at dahil basa pa ito, hindi sumasama ang bangs ko. Bagay naman iyon dahil hindi naman malapad ang noo ko. Inayos ko ang suot na ternong pantulog at bumaba na. Ayoko namang mag trying hard sa suot gayong matutulog na rin ako mamaya at baka mang asar pa si Kuya.

Nakita kong kumpleto na sila sa hapag maging ang kaibigan na si Ashley na ngayon ay nakikipag sukatan ng tingin sa Kuya ko. Ano bang mayroon sakanila? Nahahalata ko na sila nitong mga nakaraan. Kakaiba 'yong awayan nila, hindi na away bata at matanda. Ibang away na, e.

" Hindi raw nakasama si Thea dahil hindi pinayagan ni Aleng, itong si Ashley lang ang narito." imporma ni mama nang maka upo ako sa tapat ni Noah. What a great scene, susubo pa lang ako susulyap na siya.

" Next time raw si Thea, Cath. Tayo munang dalawa ang magrarambulan sa kama hahaha "

Ngumisi ako." Malamang 1/4 na naman ng kama ang sakop ko habang iyo na lahat ng tira."

" Ang lapad kasi kaya nasasakop buong kama e."

Pinandilatan ni Ashley si Kuya." Tita oh!  "

Gaya nga ng sabi ko ay sanay na roon sila mama dahil madalas sa amin si Ashley. Alam naman ito ng mama niya dahil magkababata si Tita Aleng at mama at wala naman iyong problema. Mukha ring normal ito para kay mama, baka ako lang ang nakakapansin ng kakaibang iyon. Mapang asar lang siguro talaga ang Kuya ko. Pero bakit naman kay Thea ay hindi siya ganiyan?

One Night Full of LiesWhere stories live. Discover now