23

14 1 0
                                    


Meet the parents

" Ano ba, Catherine? Kanina ka pa palakad-lakad diyan sa harap ko, nahihilo na ako sa'yo! " sita ni kuya.

Huminto ako sa harap niya. " E kasi nga nagpa practice ako ng sasabihin ko sa defense namin bukas."

" Gawin mo 'yan sa kuwarto mo, kahit mag tumbling ka pa. Dito ka pa paikot ikot kita mong nanonood ako ng TV, pa harang-harang ka. "

" Nag vi-videoke nga kasi 'yung kabilang bahay kaya rinig na rinig sa kuwarto ko, hindi ako makapag concentrate. Baka lyrics pa ng kanta ang mamemorize ko. "

Umirap ito. " Doon ka na lang sa kusina, kahit sumayaw ka pa habang nagkakabisado walang may paki sa'yo. "

Sumimangot ako roon at padabog na kinuha ang papel kung nasaan ang parte ng sasabihin ko bukas sa defense namin. Gaya ng sinabi ni kuya, sa kusina nga ako nag practice.

Last day ng pasok bukas at magbabakasyon na pero hindi ko pa iyon magawang maisip dahil hindi pa kami tapos sa defense namin. Dalawang grupo na lang ang hindi pa tapos, ang grupo ko at grupo nila mae. Sina Thea at Ashley ay tapos na.

Mas marami nga ring panelist ngayon since hindi na busy ang ibang teachers kaya ang tatlong panelist ay naging pito pa. Tatlo pa roon ay mga terror professor pa kaya talagang kinakabahan ako.

" Wow! Kagalang-galang ang kaibigan namin ngayon, ah? Anong kompanya ka, 'te?"

Bwiset talaga 'tong si Ashley.

" Wow ah! Kung maka asar ka parang hindi mo hiniram 'tong coat ko nung nag present kayo sa panel, ah? "

Hinimas himas nito ang braso ko. " Eto naman nag jo-joke lang, e. Huwag ka masiyadong kabahan, hindi naman siguro manggigisa ang panel.. baka pakuluan lang kayo. " saka ito tumawa na parang isang mangkukulam.

Hinintay ko ang mga kagrupo ko at nag practice kami sa student's lounge. Marami ang tumitingin sa akin sabay magbubulung-bulungan. Alam ko namang dahil iyon sa panliligaw ni Noah sa akin, hindi ko nga alam kung anong ikinagagalit ng iba roon at kung tingnan nila ako akala mo manunugod sila ano mang oras.

" 'Yung pagkain natin for panel okay na ba?" tanong ni Lenny, kagrupo ko.

Tumango ako. " On the way na, nagpa grab na lang ako."

" Okay!"

Patuloy kami sa pagpa-practice. May isa pang oras bago magsimula ang research defense at kami ang pang huli kaya mas mauuna pa rin sila mae sa amin.

Maya-maya nga ay bumaba na rin ako sa gate dahil naroon na ang pina deliver naming pagkain para sa panel at maging pang meryenda ko sa mga kagrupo ko para naman sa hard-work nila this school year sa buong research paper namin.

" Ops, sorry! "

Naramdaman ko mula sa aking tiyan hanggang sa aking binti ang natapong drinks na hawak-hawak ko nang banggain ako ni Shane.

Nangingisi itong tiningnan ako. " Hala, natapon." sarkastikong ani nito, naka tingin sa mga pagkaing natapos sa sahig.

Nagsimulang mag kumpulan ang iilan doon. Tiningnan ko ang nag kalat na pagkain sa sahig ng hallway. Walang drinks ang hindi ubos habang dalawang spaghetti lang ang natira roon, lahat natapon na.

Maging ang damit, coat, at skirt ko ay natapunan na rin. Pumikit ako bago ko tuluyang itapon ang isang baso ng juice na natira sa dibdib nito.

" What the hell? " gulat na ani nito.

Tumayo ako at tinitigan itong mabuti. " Ops, sorry, nadulas kasi 'yung kamay ko, e." ginaya ko ang tono nito gaya ng tono niya kanina nang sadyain niya rin akong banggain.

One Night Full of LiesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang