18

16 1 0
                                    


See you

" Noah.."

He chuckled a bit when he saw my reaction. Lumapit ito at hinayaang tuluyan kong makitang siya nga ang nasa harapan ko at hindi guni-guni lang.

Ibinigay niya ang hawak na bouquet of white and pink tulips saka nag kamot sa kaniyang sentido na parang nahihiya pero nagugustuhan ang mga nangyayari.

Tumingin siya sakaniyang suot na relo. " 11:42 pa lang, naka habol pa rin ako sa birthday mo." proud na proud niyang sinabi habang hindi ko mapigil sa pag kunot ang noo ko.

Nabibigla ako sa mga nangyayari. Lahat ng sinasabi niya ay hindi matanggap ng isip lalo na ng puso kong walang ibang ginawa kundi magwala. Sa sobrang pagwawala at pahuhurumentado nito ay tila maya maya ay sasabog na ito.

" Noah..." iyon lang ang kayang sabihin ng bibig ko. Iyon lang ang salitang kaya kong bigkasin. Hindi ko mahanap ang ibang salita.

He smiled. His smile that makes me fall for him even more and deeper. Iyong ngiti na kapag naiisip kong mag move on ay hindi ko na lang magawa at dahil iyon sa mga ngiti niyang 'yan na ngayon ay libreng-libre niyang ibinibigay sa akin.

Pakiramdam ko nasa isang exclusive first movie screening ako at ang ngiti niya ang pinapanood ko na exclusive niya lang ipinapakita sa akin. Hindi ko maramdaman ang paligid ko. Ang pag hinga niya lang. Ang pag hinga niyang nagmimistulang hangin sa mukha ko sa sobrang lapit niya.

" Speak, baby... I want to know what's on your mind..." malambing nitong paki usap.

Muli kong tiningnan ang lahat ng narito na siya pala ang may gawa. Kung tutuusin simple lang naman iyon at madalas kong makita sa mga palabas o kung sinong artista na nag po-post sakanilang social media kapag sinu-surprise sila ng kanilang partner pero iyong maranasan ko ay kakaibang feeling pala.

Tumitig ako kay Noah na nasa akin parin ang buong atensiyon. Kung yelo lang ako at siya ang araw siguradong tunaw na ako pero kahit nahihiya ay gusto ko ang pagtitig na ginagawa nito.

" Akala ko nasa mommy mo pa ikaw? " parang bata kong tanong.

Nagkibit balikat siya. " Hindi ko matiis ang baby ko, e.."

Umatras ako roon, nanginginig ang tuhod ko sa kaba at lalong mas nanginig dahil uminom ako.

" Sinong baby mo..."

Kung may itatanga pa sa tanong ko ay hindi ko na lang alam. Kahit nasa harap na ang sagot ay nahihirapan pa rin akong sagutin ang tanong ko noong mga nakaraang buwan pa. Ito na ba 'yon? Malalaman ko na ba?

" Kung sinong kasama ko ngayon.... siya... siya ang baby ko..." sagot niya sabay ngisi ng nakakaloko. Parang tuwang-tuwa siya sa nakikitang panginginig ko.

" Noah this is not a joke. If you--"

He pressed his index finger to shut my mouth and he just smiled at me. " Baby I'm not a comedian to be kidding around. This is definitely not a joke. You're not a joke. I'm serious..."

" Noah aware ka ba sa kung anong sinasabi at ginagawa mo? You're giving me wild ideas with your words and actions. Iniisip kong gusto mo ako sa mga ginagawa at sinasabi mo! "

" Then what you're thinking is true. I like you. Actually like is an understatement for how I deeply like you, Avery. " kinuha nito ang bouquet na binigay niya sa akin at inilapag sa ibabaw ng naka handang mesa. " And yes, baby... I am fucking aware for my words and actions. Matagal ko nang alam. Matagal ko nang alam na gusto kita... gustong-gusto... "

He held my hand where I am holding his gift and letter. Binuksan niya iyon at pareho naming sinundan ng tingin kung gaano kaganda ang regalo niyang iyon.

One Night Full of LiesWhere stories live. Discover now