36

12 1 0
                                    


She's single

Chineck ko isa-isa lahat ng gamit doon. Iyong double deck ay nawala pero napalitan ng isang king size bed na may maayos at mabangong bed sheet. Iyong mga unan ay mas lumaki at mas lumambot pa.

Ang kusina na dating semento lang ngayon ay may tiles na. Mayroon na ring lagayan doon ng pinggan at water dispenser. Ang umagaw ng atensiyon ko ay iyong maliit na puting pintuan.

Wala namang ganito noon, ah?

Ayaw ko sanang buksan pero my curiosity will haunts me down. Kung naka lock iyon ay hindi ko na tatangkain, I just want to see what's inside.

Dahan-dahan at maingat ko iyong binuksan at tumambad sa akin ang simple pero maayos at malinis na banyo. Maliit lang iyon dahil maliit lang ang space ng tree house pero sapat iyon para sa maliit na sink, shower space, at inidoro.

Pumasok ako roon at puro panlalaking gamit ang naroon. Mga shaving creams, shampoo, deodorant, sabon, at kung ano-ano pang puro panlalaki. Iginala ko ang paningin ko pero walang bakas ng kahit na anong pambabaeng gamit ang narito.

Hindi niya ba dinadala rito si Sharmaine?

Natapakan ko ang kung ano sa gilid ng pinto malapit sa kusina nang makita ang tsinelas ko noon doon. Bago pa rin iyon at maayos, bakit andito pa rin ito? Sinuot ko iyon at saktong-sakto pa rin iyon sa paanan ko.

May maliit na drawer sa tabi ng kama at nang buksan ko ay nasa limang damit na panlalaki ang nakita ko roon. Siguro'y kay Noah.

Nang makaramdam ako ng gutom ay agad akong napa tingin sa mini ref na narito. Iche-check ko lang kung may pagkain sa loob at kung mayroon ay ipagpapaalam ko na lang kay Noah pero parang mas mabuting huwag na lang.

Pero nilapitan ko pa rin iyon at ganoon na lang taka at gulat ko nang makita ang nag iisang litrato na naka magnet sa refrigerator na binili namin noon. It was a polaroid picture of us.

Hawak ko non ang polaroid ko habang naka akbay at naka pulupot ang braso sa aking leeg habang naka halik sa aking pisngi at ako'y malawak na naka ngiti. It was a genuine picture and you can feel the moment even just by seeing it.

Kusang pumatak ang mga luha sa aking mga mata. Bakit ganito? Bakit ang sakit pa rin? Bakit nasasaktan pa rin ako?

I shouldn't feeling this pain. I endured it a long time ago. Kinaya ko na iyong sakit. Akala ko nga naubos na iyong mga luha ko at nakaya ko nang harapin lahat ng mga taong naging parte ng nakaraan ko kahit pa ang lalaking pinaka minahal ko pero hindi pa rin pala.

A simple picture that reminds me of what we are back then bring me pain. Iyong simpleng larawan lang naman pero parang tanga kong iniiyakan.

For sure he and Sharmaine has a lot of pictures together like this. Bihira lang kami kumuha ng litrato noon, sapat na iyong natatandaan namin lahat but seeing our picture together now makes me feel a lot of different emotions. But above those emotions is pain.

Anong iniiyak iyak mo riyan, Catherine? This is what you want, right? Ikaw ang nag desisyong mang iwan, hindi ba? Ano naman kung hindi na ikaw ang hinahalikan niya ng ganito? Eh ano naman kung hindi na ikaw ang inaalala niya araw-araw?

That's the consequences of your decision. You chose to hurt him. You chose to hurt your own heart and I don't have a choice but to feel the pain.

Kailangan ko iyong namnamin para hindi na masiyadong masaktan. Akala ko nga nananamnam ko na noon pero mas kailangan ko pa atang namnamin ngayon. Who knows, maybe tomorrow I will be seeing him with his bestfriend and now girlfriend. By that time, I should know how to handle my pain.

One Night Full of LiesWhere stories live. Discover now