21

11 1 0
                                    


Plan

" Ayoko nga! "

Dinamba ako ng akbay ni kuya. Pinipilit ako nitong manood ng laro nila bukas at hindi ko alam kung bakit niya ako pinipilit. Dati kahit mapa daan lang ako sa court tuwing sports fest halos dukutin ko ang mata nito dahil todo irap siya tapos ngayon namimilit pang manood ako?

Tinapik ko ang kamay nito sa bandang leeg ko para makawala pero lalo lang humigpit ang pagkaka yakap nito sa leeg ko.

" Manood ka na lang, sama mo pa mga kaibigan mo. Basta gumawa ka ng banner, ah?"

" Wow! Hanep ka naman, may banner pa talagang kasama, ah? Sapilitan mo na nga akong inayang manood e, pati banner hindi mo na rin pinalampas! "

" Ang arte neto! Parang banner lang pinagkakait mo pa? "

Siniko ko ang dibdib nito kaya nabitawan niya ako. Hinarap ko ito at ipinakita ang maliit na lamesa sa sala namin kung nasaan ang mga libro kong naka kalat.

" Ayan oh! Ang dami ko pang nirereview at dapat na unahin kaysa sa banner mo! " sigaw ko rito.

Umirap siya. " Sina Noah ang kalaban namin bukas, alam ko namang manonood ka. Ako ang gagawa ng banner, siguraduhin mo lang na itataas mo 'yon bukas, ah?"

Naguguluhan ako sakaniya. Ano bang trip niya at kailangang may banner pa talaga? Manonood na nga, e!

" Ililibre kita....ng kahit anong gusto mo itaas mo lang ang gagawin kong banner bukas, ano okay na? " pang aakit na kumbinsi nito.

Ngumisi ako at naisip ang mga damit na nasa add to cart ko. Mabibili ko rin kayo. " Sige ba! Kahit ilang banner pa 'yan! "

Tumawa ito at umakyat na rin sa kuwarto niya habang ako naman e nagpatuloy sa pagrereview. Iyong kapitbahay kasi namin ay nagvi-videoke, rinig na rinig kapag sa kwarto ko dahil malapit sila sa side ng bintana ko kaya dumito na lang ako sa sala.

Last day ng finals ngayon, next week naman ang clearance at research defense namin. After next week ay wala na kaming klase at sa last day ay Senior's ball pero dahil on going ang sports fest ay puwede pa ring pumunta sa school kung manonood.

Next month pa ang graduation namin habang ang college students ay hanggang katapusan pa ng buwan ang pasok.

Mags-summer break na! Saan naman kaya ako ngayong bakasyon? Magbabakasyon si Aki rito, sina Thea naman ay nag pupunta ng Cebu tuwing bakasyon habang si Ashley sa Manila kasama ang mama niya habang walang pasok.

There's one person who popped out of my mind. Siya kaya... anong balak niya sa bakasyon? Tuwing bakasyon kasi sa unang dalawang linggo ay nag s-stay siya dahil nakikita ko silang tumatambay rito pero after non ay nasa Manila rin siya hanggang sa matapos ang bakasyon, babalik lang kung enrollment.

Bakit ko ba iniisip na may mag-iiba ngayong nanliligaw ito? He can still court and message me naman kahit nasa Manila siya.

" Bakit ba ako nag ABM!?! " sinabunutan ko ang sarili ko at muling sinubukang balansehin ang example problem sa libro na sinusubukan kong sagutan.

Sa specialized subject kasi naming FABM ll, madalas 30 items lang ang multiple choice, the rest puro solving na kaya kung wala kang alam kung paano iyon gawin, malamang sa malamang kahit kalahati ng isang daan ay hindi ko makuha.

" Baka nakaka abala ako? "

Pinag laruan ko ang hawak hawak na ballpen at sumandal sa sofa namin.

" Kung abala ka, hindi ko sana sinagot ang tawag mo, Noah."

Tumawag ito sa kalagitnaan ng pag re-review ko, hindi na kasi ako naka reply sa pagti-text namin kanina nang ma busy na ako sa pagre-review.

Okay na rin na tumawag siya, kailangan ko huminga at mag pahinga kahit ilang minuto dahil kanina pa akong ala siyete rito, mag aalas dose na. Medyo inaantok na nga rin ako.

One Night Full of LiesWhere stories live. Discover now