20

14 1 0
                                    


Tree house

" Shit! "

Mabilis akong tumayo sa kama at nagmamadaling pumasok sa cr para maka ligo. Alas onse na at ngayon ko lang nabasa ang chat ng adviser namin na naurong daw ang schedule ng first game ko ngayon.

Wala kaming pasok tuwing Tuesday kaya malaya akong nakaka gising ng anong oras lalo na sa pagkaka alam na mamayang alas kuwatro pa ang laro ko na naging ala una. Magpapa tuyo pa ako ng buhok dahil itatali ko iyon kaya mabilis na akong naligo.

" Saan ko ba nilagay 'yon?!" frustrated kong hinanap ang blower ko at nakita iyong natabunan ng mga libro ko sa ilalim ng lamesa sa may computer table ko.

Sa kalagitnaan ng pag b-blower ay naalala kong i-text si Noah. Balak niya kasing sunduin ako ngayon dahil alas tres ang uwian nito at sa pagkaka alam nga namin ay alas kuwatro talaga dapat ang laro.

Ako:

Noah, na move 'yung sched ng game ng 1pm. You don't have to fetch me, magt-tricycle na lang ako. See u!

Huh? Anong see you? May balak kang kitain, Catherine? Hayaan ko na nga lang. Kung hindi magkita edi hindi, I'm not expecting since I think may klase sila ng 1pm so hindi siguro siya makaka nood during the game which is totally fine since I tend to get more nervous when he's around. Ayoko namang matalo.

He immediately reply.

Noah:

Alright. Goodluck, see you!

Kagabi nang ihatid niya ako ay naka abang sa hamba ng pintuan si kuya at sila na ang nag usap ng kaibigan. Hindi naman ako inasar o pinagalitan nito, tiningnan lang ako nito sabay umiling. I guess it's really now fine for him to accept that his best friend is courting his sister.

Tatanggapin din pala e, umaarte pa.

Natawa ako sa naisip at ipinag patuloy na ang pagpapatuyo ng buhok. Nang matuyo na ay saglit akong kumain at nag toothbrush saka nagbihis at inayos ang sarili.

Plain white shirt, black cycling shorts, and black rubber shoes ang suot ko at inayos ko sa clean bun ang buhok ko. Hinayaan kong naka ladlad ang bangs ko dahil dapat maganda pa rin kahit pagod.

Mahirap na, baka makita ko pa si Noah.

Ala una sakto nang maka alis ako sa bahay at nakarating din naman agad. Hindi pa nagsisimula dahil wala pa ang head coach ng badminton na magfafacilitate every game. Naroon na rin naman ang sa tingin ko'y makaka laban ko dahil siya lang naman ang kagaya kong naka ready na rin.

She smiled at me so I smiled too. She looks sweet and cute, I've never seen her before. Maybe a transferee? Or wala lang talaga ako gaanong pakialam sa mga schoolmates ko? Siguro ganoon nga.

I stayed and waited at the bench of the open court while watching some students who's doing their exercises for their P.E subject. Wala pa kasi iyong mag fafacilitate kaya hindi pa nagsisimula.

Nag text ako sa dalawang kaibigan pero hindi na unaasang makaka nood pa ang mga 'yon. Baka natutulog pa ang mga 'yon, e. Ang alam kasi nila ay alas kuwatro at kung malaman man nila na naiba e baka wala na rin silang maabutan at ayos lang naman 'yon.

Lumingon lingon ako sa paligid, kahit si kuya inaasahan kong makita pero hindi rin naman nito alam na nausog ang oras ng laro at baka may klase iyon kaya hindi na rin ako umasa.

Dumating na rin ang magfa-facilitate ng laro at dahil lunch break iyon at vacant ng ibang college students ay dumami ang mga nakiki nood. Hindi pa rin naman agad nag simula dahil inaayos pa ang speaker sa mic at ang score board.

One Night Full of LiesWhere stories live. Discover now