Napailing-iling ako. Hindi ito maaari.

"Ang kapal ng mukha mong mang-ahas ng asawa! Bakit? Kating-kati ka na ba kasi isang taon ng walang kumakamot sayo kaya pati ang asawa ko, pinatos mo?!" pang-iinsulto pa sa akin ni Carie. "Bumili ka ng s*x toy at ipangkamot mo sa nangangati mong p*ke hindi 'yung daliri at t*t* pa ng asawa ko ang gusto mong ipangkamot!" sigaw pa niya.

Tiningnan ko ulit si Carie. "M-Magpapaliwanag ako-"

"At anong ipapaliwanag mo?!" sigaw niyang tanong sa akin. "Kung paano ka niya halikan o paano ka niya tanggalan ng damit saka angkinin?" tanong pa niya. "Ipagmamalaki mo ba sa akin na mas magaling ka kumpara sa akin kaya naahas mo siya mula sa piling ko, ganun ba? Ha? Malandi!" puno nang panggigigil na wika niya pa.

Mariing napailing-iling ako.

Napangisi si Carie. Tiningnan niya ako ng ubod ng sama.

"Kunsabagay, kasabay ng bra at panty mo, inaalis mo na rin ang konsensya mo para maibsan lang ang kakatihan mo!" pang-iinsulto pa niya sa'kin. "Sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, bakit siya pa? Bakit ang asawa ko pa?! Ganun ka na ba kadesperada sa lalaki kaya pati ang may asawa ng may asawa, pinapatulan mo? Ganun ka na ba kakati, ha?"

Hindi ako nakapagsalita. Naluluha na lamang ako sa masasakit na salitang ibinabato niya sa akin. Aminado akong nasasaktan sa mga sinasabi niya.

"Ito ang tandaan mo!" Dinuro ako ni Carie. "You'll pay for this. Gusto mo ng giyera, pwes ibibigay ko sayo!" sigaw niya pa. "Huwag kang aatras at kung gawin mo man, sisiguraduhin ko sayong susugurin pa rin kita at wawasakin," pagbabanta niya pa.

Wala na akong maapuhap na sasabihin. Gusto kong magpaliwanag ngunit alam kong hindi rin iyon pakikinggan ni Carie dahil sa galit na nararamdaman niya para sa akin.

Dahan-dahang naglakad si Carie palapit sa akin. Tila napako naman ang mga paa ko sa lupa.

Hanggang sa huminto siya sa harapan ko. Ngumisi siya.

At halos tumabingi ang mukha ko sa lakas nang sampal na natanggap ng kanan kong pisngi mula sa kanya. Napahawak ako sa aking nasaktang pisngi.

"Hindi lang 'yan ang matatanggap mo mula sa aking malandi ka," madiin na litanya ni Carie. "Kung hindi ka titigil sa pangangati mo sa asawa ko, I will make sure na mababasag na ang panga mo sa susunod kong sampal sayo," aniya pa.

Nakagat ko ang ibabang labi ko habang nakababa ang aking tingin.

Pamaya-maya ay napaluhod naman ako sa lupa ng bigla akong tadyakan ng malakas ni Carie sa paa. Narinig ko ang pagtawa niya na parang demonya.

"Sa susunod na landiin mo pa ang asawa ko, hindi ka na lang luluhod sa lupa kundi tuluyan na kitang lulumpuhin," pagbabanta pa ni Carie. "Huwag mong sabihin na hindi kita binalaan," aniya pa. "Nagkamali ka ng binangga mong malandi ka," dagdag niya pa.

Tumulo ang luha mula sa aking mga mata.

Narinig ko ang paghakbang ni Carie palayo hanggang sa tuluyan na siyang umalis.

Tiningnan ko ang tuhod at binti ko. Nakita ko ang gasgas sa tuhod ko at may galos rin ang mga binti ko. Siguradong namumula rin at namamaga ang aking pisngi dahil sa lakas nang pagsampal niya sa akin na hanggang ngayon ay nadadama ko pa rin.

Kumuyom ng madiin ang mga kamay ko. Nakaramdam ako ng galit sa babaeng iyon. Ang kapal ng mukha niya na saktan ako ng ganito.

ANDREI FELIX HIDALGO

"Saan ka nanggaling?" tanong ko kay Carie na kakauwi lamang dito sa bahay. Talagang sinalubong ko siya sa pintuan pa lang.

Tiningnan ako ni Carie at ngumiti.

"Diyan lang sa tabi-tabi," sabi niya. "Nantaboy ng ahas," makahulugang saad niya pa.

"Pinuntahan mo ba siya?" tanong ko.

Mas lalong napangiti si Carie.

"Oo." Hindi man lang siya kumurap sa pagsagot niya. "At binigyan siya ng mga regalo na hinding-hindi makakalimutan ng isang malandi na gaya niya," dugtong pa niya.

Nanlaki ang mga mata ko. "Anong ginawa mo?" madiin na tanong ko. Nalaman kong sinundan niya kami ng palihim sa resort at kinunan ng mga litrato na iniwan niya sa mesa ko.

"Ano bang ginagawa ng mga asawang pinagtataksilan?" tanong ni Carie. Nag-smirk siya. "Sa tingin mo ba, tutunganga at iiyak na lang ako sa isang tabi habang kayong dalawa, nagpapakasarap sa isa't-isa?" sarcastic na tanong niya. "Hindi ako tanga at lalong hindi ako martyr," aniya pa.

"Anong ginawa mo?!" madiin kong tanong ulit sa kanya. Matalim ang tingin ko sa kanya na kulang na lang ay magkadurog-durog siya sa harapan ko.

Nakakalokong tumawa si Carie. "Gusto mo ba isa-isahin ko ang mga ginawa ko sa kanya?" pagtatanong niya sa nakakalokong tono. "Sige sasabihin ko sayo lahat. Sinabunutan, kinaladkad, pinagsalitaan ng masasakit, sinampal, tinadyakan-"

"Hayop ka!!!" malakas na sigaw ko sa kanya. Kaagad ko siyang nilapitan at mahigpit na hinawakan sa kanang braso niya. Pinandilatan ko siya ng mga mata. Nagtagis ang panga ko sa sobrang galit sa kanya.

"Ako pa talaga ang hayop?" tanong ni Carie na hindi man lang nakaramdam ng takot at nasasaktan sa ginagawa kong paghawak sa kanya. "Ako pa talaga ang hayop?" madiin na pagtatanong ulit niya.

Hindi ako nakapagsalita.

Ngumiti nang mapait si Carie. Tiningnan niya ako ng diretso sa mga mata ko. "Ako ang niloloko niyo. Ako na ang nasasaktan pagkatapos ako pa ang hayop?" patanong na sambit niya saka tumawa ng malakas. "Ang kapal ng mukha mo para sabihan mo akong hayop gayong mas masahol ka pa sa hayop!" hiyaw niya pang singhal sa akin.

Nakatitig lamang ako sa mga mata niya. Hindi naman siya nagpapatinag sa tingin ko.

"Nararapat lang na saktan at alisin ko ang anay na iyon dahil sinisira niya ang pamilya ko," madiin pang wika ni Carie. "Ang anay... ang mga pesteng anay, inaalis para hindi niya tuluyang masira at gumuho ang tahanan na binuo ko ng mahabang panahon," saad niya pa. Pumiglas si Carie sa pagkakahawak ko at nabitawan ko siya.

Tiningnan ako ng diretso ni Carie. Ningisihan niya ako. "Tandaan mo ito Andrei, walang kahit na anong hayop ang pwedeng tumibag sa pamilyang ito. Kahit ikaw pa o ang babaeng iyon," nanginginig ang labi niya sa diin ng kanyang sinabi habang titig na titig ang mga mata niyang puno ng galit. "Mga baboy! Mga hayop!" singhal pa niya sa akin saka ako dinuraan sa mukha.

Kumuyom ang dalawa kong kamao. Nag-aalala ako para kay Ellaine.

"Ipaglalaban ko ang pamilyang ito hanggang sa kamatayan," madiin pang singhal ni Carie saka ako mabilis na tinalikuran at naglakad palayo sa akin.

Nakasunod na lamang ang tingin ko kay Carie na muling lumabas ng bahay.

Bumalik ako sa aking sarili. Kaagad kong kinapa ang cellphone ko na nasa bulsa saka ko kinuha. Mabilis kong hinanap ang number ni Ellaine saka iyon tinawagan.

"Hello Ellaine," saad ko. Mabuti at sinagot niya. "Are you okay?" tanong ko pa.

"I'm okay," sagot ni Ellaine. Ramdam ko sa boses niyang hindi.

Napahinga ako ng malalim. "I'm sorry," sabi ko. "I'm sorry kung nasaktan ka niya," sabi ko pa.

Hindi nagsalita si Ellaine sa kabilang linya.

"Pupuntahan kita diyan bukas okay," wika ko. "Isa pa, hinding-hindi na ako makakapayag pa na saktan ka niya muli. Akong bahala sayo pangako," dugtong ko pa.

Hindi muli nagsalita si Ellaine.

"Ellaine-"

"I'm sorry pero may kailangan pa akong gawin," mabilis na sambit ni Ellaine.

"Ellaine-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko pa sa kanya dahil in- end call na niya.

Napabuga ako ng hininga. Tinanggal ko sa tapat ng aking tenga ang cellphone. Bukas, pupuntahan ko siya. Hinding-hindi ko na hahayaang masaktan pa siya muli ni Carie.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINWhere stories live. Discover now