Hindi pa rin ako nagsalita. Nananatili lang akong nakatingin ng mataman sa kanya.

"Kung ayaw mo na magkagulo ang lahat, pwede kang manahimik pero kung gusto mo ng gulo, make sure na makakaya mo ang aftermath nito," wika ni Carie. Binabantaan niya ba ako? 'Yun kasi ang naramdaman ko sa tono ng pananalita niya.

Tumingin ako sa ibang direksyon. Huminga ako ng malalim. Ilang sandali lang ay bumalik rin ang tingin ko sa kanya.

"Bakit ka nagpapanggap na siya?" diretsahang tanong ko sa kanya.

Halatang nagulat siya sa tanong ko. Napangisi ako.

"Ganun ka ba kabaliw kay Andrei kaya pati ang mukha mo, pinagaya mo sa ibang tao?" pagtatanong ko pa. "Hindi mo ba alam na krimen 'yang ginagawa mo?" patanong ko pang sambit.

Tumalim ang tingin ni Carie sa akin. Hindi naman nawawala ang ngisi sa labi ko.

"Soon, I will tell her the truth," kalmadong wika ko na ikinalaki ng mga mata niya sa gulat. 'Yun ang dapat, ang malaman ni Ellaine ang totoo.

"Don't you dare," madiin na singhal niya sa akin.

"I dare," sagot ko saka mas lalong ngumisi.

Umiling-iling si Carie or should I call her... fake Carie? Hindi ko naman kasi talaga siya kilala at kung sino talaga ang nasa likod ng kanyang mukha.

"Huwag na huwag mong gagawin 'yan," madiin niyang saad sa akin. "Dahil kapag ginawa mo 'yan, hindi lang ako mawawalan kundi pati na rin ikaw," pananakot pa niya habang pinandidilatan ako ng mga mata. "Masaya sa pakiramdam na buo ang pamilya at sigurado ako na hanggang sa huli, iyon ang gusto mo, 'di ba?" tanong pa niya. "Handa ka bang mawala iyon sayo para lang masabi ang totoo?" patanong na sambit pa niya sa akin.

Marahang umiling-iling ako. "Handa na ako. Kung 'yun ang ikakatahimik ng konsensya ko at ikakaayos ng lahat, gagawin ko-"

"Handa ka na kasi mamamatay ka na!" malakas na sigaw niya sa akin na ikinalaki ng mga mata ko. Paano niya nalaman? Sino ba talaga siya?

"A-Anong sinasabi mo?" tanong ko sa kanya.

Nag-smirk si Carie. "Akala mo ba ikaw lang ang may alam tungkol sa akin? Pwes, hindi mo pa ako lubusang kilala," nagmamalaking bulalas niya. "I have a million ways para malaman ang lahat. Kahit ang mga hindi ko dapat malaman, nalalaman ko pa rin," aniya pa.

Hindi ako makapaniwala. Ibig bang sabihin, inaalam na rin niya ang lahat ng tungkol sa akin?


"Sige, sabihin mo sa kanya ang lahat pero I will make sure na kapag nagkabalikan sila ni Andrei, I will make her life more miserable, idadamay ko na rin ang mga anak niya at ang anak niyo,"
madiin na pagbabanta niya na lalong ikinalaki ng mga mata ko sa gulat. "Nakakalungkot lang kasi baka sa mga oras na iyon, patay ka na kaya hindi mo na sila maipagtatanggol pa," nang-aasar na dugtong pa niya saka tumawa na parang demonya.

Kumuyom pabilog ang dalawa kong kamao. Ngayon, mas napagtibay na ang hinala kong siya nga ang may gawa ng mga hindi magandang nangyari noon kay Ellaine.

"Huwag na huwag mong gagawin 'yan," madiin kong salita sa kanya.

Nag-smirk si Carie. "Hindi ko gagawin kung wala kang gagawin na ikakagalit ko," nangingiting sabi niya.

Mas lalong humigpit ang pagkakakuyom ng kamao ko. Hindi pwedeng may mangyari na naman sa kanilang masama. Hindi ako makakapayag.

"Pag-isipan mong mabuti Harris," salita niya habang nangingiti. "Sabi ko nga sayo, hindi mo pa ako lubusang kilala. Kaya kong gawin ang lahat para hindi lamang masira ang pamilyang meron ako ngayon," dugtong pa niya. "Kaya kong mas maging demonyo pa sa demonyo para lang maprotektahan ang lahat ng meron ako ngayon," pagpapatuloy pa niya saka ngumiti nang nakakaloko habang tinititigan ako.

Hindi na ako nakapagsalita. Matalim lamang ang tingin ko sa kanya. Kitang-kita ko naman sa kanya na tuwang-tuwa siya na nakikita akong ganito.

Napakahayop niya. May mga ganito pala talagang tao sa mundo na handang gawin ang lahat para lang maiayon sa kagustuhan niya ang mga nangyayari.

Dahan-dahang tumayo si Carie mula sa pagkakaupo. Lumapit siya sa mesa saka ipinatong ang dalawang kamay niya rito at bahagyang yumuko para mapalapit ang mukha niya sa akin. Magkamukha man sila pero nakikita ko pa rin ang pagkakaiba nila sa isa't-isa.

"Tandaan mo ang mga sinabi ko," pabulong niyang sambit sa akin habang nakatitig sa mga mata ko. "Sa oras na may gawin ka, goodbye to your family," nangingiting sambit pa niya saka inilayo ang mukha sa akin. Tumawa pa siya ng nakakaloko.

Hindi ako makapaniwala. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakatagpo ng isang kagaya niya.

Ningisihan ako ni Carie. "Sige. Salamat sa pagbibigay ng time sa akin. See you when I see you," pagpapaalam niya saka ako tinalikuran at naglakad papunta sa may pintuan.

Nakasunod naman ang tingin ko sa kanya. Ilang sandali lang ay huminto ulit siya sa paglalakad at nilingon ako. Ngumiti siya.

"Kailan ang binyag niya? Kunin mo akong ninang," nangingiting wika niya. "Galante ako magbigay ng pamasko," dagdag pa niya saka muling natawa ng malakas.

Nagtagis ang panga ko. Muli na siyang naglakad papunta sa pintuan at tuluyan ng lumabas.

Pagkasarado ng pintuan ay napabuga ako ng marahas. Ipinikit ko ang aking mga mata. Pinakalma ko ang aking sarili. Humawak ako sa arm rest ng inuupuan ko at dumiin ang paghawak ko roon.

"Hindi kita hahayaan sa mga balak mo. Sisiguraduhin ko na hanggang sa huling hininga ko, hindi mo sila makakanti at ilalabas ko ang totoo na magpapabagsak sayo," madiin na sambit ko habang nakatingin sa family picture namin nila Ellaine na nakalagay sa picture frame at nakapatong sa office desk ko. Nakakanginig siya ng laman sa totoo lang pero hindi ko rin mapigilan na kabahan at matakot lalo na at nasa bingit ng alanganin ngayon sila Ellaine at ang mga anak ko.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum