Nagpatuloy kami sa meeting. Pinaliwanag ang proposal sa akin at nakikinig naman ako. Nakatingin lang ako sa kanya sa buong durasyon. Hindi ko maitatanggi na napakaganda niya. Para siyang anghel na bumaba sa lupa at kamukhang-kamukha niya talaga si Carie kahit na saan mang anggulo ko siya tingnan.

After half an hour ay natapos na kami sa pag-uusap.

"Tatawagan ko na lang si Mr. Ricafort tungkol sa napag-usapan natin," sambit ko saka inangat ang sulok ng labi ko.

Ngumiti naman si Ellaine sa sinabi ko. "Okay. Nice to meet you, Mr. Hidalgo."

Napangiti ako saka tumango-tango.

Tumayo na siya mula sa kanyang inuupuan kaya tumayo din ako. Bahagya akong yumuko bilang pagbibigay galang sa kanya.

Nagpaalam na sa akin si Ellaine at ngayon ay nakasunod ang tingin ko sa kanya habang naglalakad siya palabas ng restaurant.

Napahawak ako sa aking dibdib at ramdam pa rin ng palad ko ang mabilis na tibok ng aking puso. Muli akong napaupo sa kinauupuan ko dahil biglang nanghina ang tuhod ko.

'Ano bang nangyayari sayo, Andrei?' tanong ko sa aking isipan. Marahas akong napabuga ng hininga.

Kinalma ko ang aking sarili. Kinuha ko ang baso at uminom ng tubig.

ELLAINE GARCIA-RICAFORT

Sumakay ako sa aking kotse na nakaparada sa parking lot ng restaurant na pinuntahan ko. Hindi ko muna ito pinaandar at tumingin sa labas.

Naalala ko siya. He's weird. Napapailing na lamang ako.

Ang weird ni Mr. Hidalgo sa totoo lang. Kung makatingin, makatitig pala, parang hinahalukay niya ang buong pagkatao ko. Pakiramdam ko nga, kilalang-kilala niya ako kahit na ang pagkakaalam ko ay first time lang naming magkita at nakakapagtaka iyon sa akin.

Napailing-iling na lamang ako. Napahawak ako sa aking dibdib. Hay! Bakit ba ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko? Kanina pa ito. May sakit na ba ako sa puso?

Oh well, huwag ko na nga lang pansinin. Baka wala lang ito.

Pinaandar ko na ang makina ng kotse saka nag-drive pauwi. Dumaan muna pala ako sa isang store para ibili ng pasalubong ang kambal. Pagkauwi ko ay naabutan ko si Harris sa bahay. Ang aga naman niya.

"Ang aga mo ngayon," wika ko sa kanya nang lapitan ko siya.

Ngumiti si Harris. "Maagang natapos iyong operation and it's successful," sabi niya.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Congratulations," natutuwang sambit ko.

"Kumusta nga pala ang meeting?" tanong niya.

"Ayun at naging okay naman," sagot ko. "Medyo weird din pala siya," sabi ko pa.

Kumunot ang noo ni Harris at nagsalubong ang makapal niyang itim na kilay.

"Weird?" nagtatakang tanong niya.

Natawa ako saka tumango-tango.

"Oo, ewan ko ba pero kung makatitig siya sa akin, wagas," lahad ko. "Ewan ko pero type yata ako ng Mr. Hidalgo na iyon," biro ko pa saka mahinang natawa.

Nanlaki bigla ang mga mata ni Harris na ikinataka ko naman.

"A-Ano?" nautal na tanong niya.

"Oh? Bakit parang nagulat ka yata?" tanong ko. Halata kasi sa kanya ang sobrang pagkagulat.

Biglang umiling-iling lamang si Harris.

Napangiti na lamang ako kahit nagtataka pa rin ako sa biglang kakaiba na kinilos niya.

"Sige at pupuntahan ko muna ang kambal para ibigay sa kanila ang pasalubong ko," pagpapaalam ko saka pinakita kay Harris ang dala kong paper bag.

Tumango-tango na lamang si Harris.

Umalis na ako sa harapan ni Harris saka umakyat papunta sa kwarto namin kung saan naroon ang kambal.

HARRIS RICAFORT

Sh*t!

Si Mr. Andrei Hidalgo ang pinakausap ko kay Ellaine!

Dahil sa sobrang busy ko, hindi ko na napansin na ang meeting ko pala kay Mr. Hidalgo ang naibigay ko kay Ellaine sa halip na iba.

Ang tanga-tanga ko!

Pero hindi ko maiwasang isipin na lumiliit na nga talaga ang mundo para sa aming lahat at hindi ko mapigilang makaramdam ng takot dahil doon. Marahas na lamang akong napabuntong-hininga.

CARIEDEE ANDERSEN'S POINT OF VIEW:

Bakit ganun? Parang may nagbago kay Andrei after ng meeting niya sa Mr. Ricafort na iyon.

Pakiramdam ko, biglang nanlamig ang pakikitungo niya sa akin. Mas malamig pa kaysa sa ice cubes namin sa refrigerator.

O baka naman iniisip ko lang iyon? Ay ewan!

Pero hindi ko mapigilang kabahan at makaramdam ng takot.

Napailing-iling na lamang ako. Kung ano-ano na lang ang iniisip ko. Ngayon pa ba ako matatakot?

Ang layo na nang narating ko para umabot sa posisyong kinalalagyan ko ngayon.

Baka pagod lang si Andrei kaya siya ganun. Tama, pagod lang siya. Iyon ang dapat mong isipin.

Tumagilid ako sa paghiga sa kama. Nakatingin ako ngayon kay Andrei na nakatalikod mula sa pwesto ko at mahimbing nang natutulog. Parehas lang naman ang kama at kumot na ginagamit namin ngunit pakiramdam ko ngayon, ang layo-layo niya.

Huminga ako ng malalim. Bahagya rin akong ngumiti. Maya-maya ay dahan-dahan akong umusog palapit sa kanya saka siya niyakap mula sa likod. Isiniksik ko ang dalawa kong kamay sa bandang tiyan niya saka idinantay ko ang ulo ko sa kanyang likod.

Kung pakiramdam ko malayo siya, eh 'di lalapit ako. Palagi akong lalapit sa tuwing malayo siya.

"Na-miss ko ito," mahinang sambit ko. Inamoy-amoy ko si Andrei. Ang bango-bango niya. Naghahalo ang natural niyang amoy at ang amoy ng fabric conditioner na ginamit sa suot niyang puting t-shirt.

Hindi ko na lang siguro papansinin ang panlalamig niya sa akin kanina tutal naman at nawala na rin ang pagkainis ko dahil yakap-yakap ko ngayon ang asawa ko.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINWhere stories live. Discover now