"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Sa bahay niyo," sagot niya na ikinalaki ng mga mata ko sa gulat.

"Sa bahay namin?!!!" malakas na sigaw ko. Oo, sumisigaw ako habang naglalakad kami.

"Kailangang sumigaw?" sarcastic na tanong ni Carie. "Oo sa bahay niyo, alangang sa amin," dugtong pa niya.

"Eh bakit sa bahay namin?" nagtatakang tanong ko.

Hindi sumagot si Carie sa tanong ko at ngumisi lang. Ewan ko ba pero mas lalo akong kinabahan sa pagngisi niyang iyon. Para kasing may binabalak siyang hindi maganda sa akin.

Napailing-iling na lamang ako at walang nagawa kundi ang dalhin siya sa bahay namin.

Nag-commute lang kami kasi wala naman akong dalang sasakyan. Mabuti na lang at hindi naman pala ganun kaarte ang babaeng ito.

Nakarating at nakapasok na kami sa bahay namin. Nilibot ni Carie nang tingin ang kabuuan nito. Tumingin siya sa akin saka ngumiti.

"Nice house," sabi niya.

Napangiti ako. Maganda naman kasi talaga ang bahay namin at malaki pa. Ang lawak-lawak kaya ng bakuran namin.

Pamaya-maya ay pinuntahan kami ni manang para batiin sa aming pagdating. Ngumiti ako at nagpahanda sa kanya ng makakain namin na kaagad naman niyang sinunod.

"Tara at doon tayo sa kwarto mo," pabulong na pag-aaya sa akin ni Carie.

Tiningnan ko ulit si Carie. Magkatagpo ang mga kilay ko.

"Ano ba kasing gagawin natin? At bakit sa kwarto ko pa?" tanong ko. Nagtataka na talaga ako.

"Huwag ka ngang maraming tanong," naiinis niyang singhal sa akin at sinimangutan pa ako.

Napailing-iling na lamang ako ulit saka wala na naman akong nagawa kundi ang pumunta sa kwarto ko. Baka kasi mas mainis siya at ayoko naman iyon. Nakasunod naman siya sa akin.

"Andrei, right?"

Napatingin ako kay Carie habang naglalakad pa rin kami papunta ng kwarto ko.

"Oo. Huwag mong sabihin na nakalimutan mo kaagad ang pangalan ko?" tanong ko. Grabe naman siya kung ganun. Gusto niyang pumunta sa bahay namin tapos hindi niya ako kilala? Ibang klase.

Tinawanan lang niya ako.

Napanguso naman ako. Kainis!

Nakarating na kami sa kwarto ko. Binuksan ko ang pinto saka pumasok doon. Sumunod naman sa akin si Carie.

Isinara ko ang pintuan at napatingin sa kanya na nililibot naman nang tingin ang buong kwarto ko. Napapangiti pa ito.

"Para sa isang lalaking gaya mo, ang linis ng kwarto mo," pagpuri niya.

Napangiti naman ako. Malinis talaga ako sa kwarto ko dahil ayoko ng madumi. Isa pa, sa laki at dami ng gamit dito sa loob, dapat lang talaga na malinis ito para masarap matulog. Saka ayoko ng makalat.

"Oo nga pala..." Pumreno si Carie sa pagsasalita at may kinuha siya sa dala niyang shoulder bag. Isa iyong USB saka inabot sa akin.

"Isaksak mo sa TV o sa laptop mo," utos niya.

"Tapos?" tanong ko habang tinitingnan ang USB na inaabot niya sa akin.

"Soundproof naman itong kwarto mo, right?" tanong niya.

Tumango-tango ako bilang sagot. Bakit niya tinatanong?

Napangisi siya. Hala! Hindi ko talaga gusto kapag ngumingisi siya ng ganyan. Halatang may binabalak siya.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINWhere stories live. Discover now