"Sa susunod na mang-iistorbo ka, make sure hindi ako ang maiistorbo mo, maliwanag?!" saad niya. "Or else, guguluhin ko ang buhay mo," pagbabanta pa niya sa akin saka tumawa nang mahina.

Sunod-sunod na lang akong napatango nang mabilis.

"Hon, can we continue this to my condo?" saad ng sa tingin ko boyfriend niya.

Tiningnan ng babae 'yung kasama niya. Ngumisi siya.

"Nope because I'm breaking up with you," cool lang nitong sabi.

"Hon-"

"Break na tayo. Huwag ka nang tatawag o magte-text sa akin kung ayaw mong ipa-pulis kita," huling sabi ng babae bago umalis sa harapan ko.

Nanlumo naman ang lalaking ito dahil break na sila ng girlfriend niya. Grabe siya parang damit lang ang boyfriend, kapag nagsawa, papalitan na kaagad!

Pero ang ganda niya talaga. Saka teka nga lang naisip ko lang, kinuha niya ang first kiss ko!

Napahawak ako sa aking labi. Pakiramdam ko, nakadampi pa rin ang labi niya sa labi ko. Ramdam ko pa rin 'yung init na hatid nito sa labi ko. Hays! Ano ba ito? Tiyak na hindi ko malilimutan ang kiss niya.

CARIEDEE ANDERSEN

Grabe ang tawa ko sa reaksyon nang nerd na iyon. Halatang wala pang first kiss. Meron pa palang lalaking ganoon? Kunsabagay, hindi talaga lahat ng tao, nagiging charming sa paningin ng iba kaya 'yung iba, hindi gustuhin at wala pang karanasan at first kiss.

Anyway, papunta ako ngayon sa cafeteria para kumain. Iyon palang kahalikan ko kanina sa restroom ay ika-... ika-ilang boyfriend ko nga ba siya? Nakalimutan ko na. Anyway, siya si Josh. Well boys will be boys, habol lang sayo kundi katawan mo o kaya pera unlike... speaking of the devil, nandito din pala ang taksil kong ex-boyfriend at ahas kong ex-best friend at kumakain. Hay! Kung pwede ko lang silang isakot at itapon sa dagat, ginawa ko na para hindi ko na sila makita pa.

"Hi, Cariedee! Long time no see," sabi ni impakta nang mapansin niya ako.

Tinaasan ko siya ng kanang kilay. "I don't talk to strangers," mataray na wika ko sa kanya.

Tumawa nang nakakaloko ang impakta. "Oh c'mon until now ba hindi ka pa nakaka-move on?" Nang-aasar talaga ang impaktitang ito! Bwisit!

"Tama na yan, Eugena," sabat naman ng taksil. Akala mo mabait pero nasa loob naman ang kulo.

"Bakit ba? Eh totoo naman, hindi pa siya maka-move on sayo kaya nga siya ganyan," pang-aasar na sambit ni Eugena. Tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa. "'Yan ang itsura ng bitter," sabi pa niya saka ngumiti ulit ng nakakaloko.

Tinapatan ko ang ngiti ng impakta. Mas ngumiti ako ng pang-asar. "Buti nga ako, bitter lang, hindi katulad mo na ahas... ahas na nang-aagaw ng may boyfriend ng may boyfriend. Nakakahiya ka, alam mo ba iyon? Hindi ka ba nahihiyang humarap sa ibang tao matapos mong mang-agaw ng pagmamay-ari na ng iba? Desperadang-desperada ka na ba at naubusan ka na ba ng lalaki kaya pati ex-boyfriend ko inagaw mo? So cheap!" nang-aasar na litany ko pa.

Matalim akong tiningnan ng impakta. Nanggagalaiti na siya sa galit. Pikon na pikon kasi totoo ang mga sinabi ko. "How dare you!" Sasampalin na niya sana ako pero napigilan ko. Mahigpit kong hinawakan ang braso niya.

"Don't you dare to slap me because you have no right to do that!" malakas na singhal ko sa kanya. "Kung may dapat manampal ng makapal ang mukha, ako iyon!" wika ko pa and I slap her with all my might.

Pinandilatan ko ng mga mata si Eugena. Ngumisi ako. "Sa susunod na sasampalin mo ako, make sure handa ka na sa ganti ko!" huli kong sinabi saka ko marahas na binitawan ang braso niya at umalis sa harapan nila. Nakita ko pa si nerd na nanlaki ang mata. Napa-smirk na lang ako saka iniwas ang tingin sa kanya. Ayaw ko nang umiyak ng dahil sa kanila kahit sa loob ko ang sakit-sakit na.

ANDREI FELIX HIDALGO

Astig talaga ang babaeng iyon. Kakapasok ko lang noon sa cafeteria nang maabutan ang eksenang iyon. Pero napansin ko habang paalis siya, nangingilid ang mga luha niya. Sino kaya ang dalawang iyon sa buhay niya at ganoon na lang ang galit niya?

Hay! Bakit ko ba tinatanong 'yon? Hindi dapat ako nakikiealam sa buhay niya. Dapat nga lumalayo na ako. Pero ewan ko ba, hindi ko mapigilan ang sarili ko na makiealam sa buhay niya.

CHRIS ALDRICK FORTALEJO

Napangiti ako ng may pait habang nakasunod ang tingin sa kanya. Hindi ko gustong saktan siya. Alam niyo naman ang dahilan, 'di ba? Pero wala akong magawa dahil hawak ako sa leeg nitong babaeng ito. Oo na, alam kong isa na akong malaking duwag.

"I hate her so much!" galit na galit na wika ni Eugena.

"Huwag mo na lang kasing pansinin," madiin na bulong ko sa kanya ng hindi siya tinitingnan.

"Basta, I'll make her life a living hell!"

"Don't you dare!" napasigaw na ako. Matalim ko siyang tiningnan.

"Bakit? Because you love her until now?! Ang tagal niyo ng hiwalay! Move-on-move-on din 'pag may time," naiiyak na sambit niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Nag-smirk ako. "Hindi ganoon kadali iyon. I love her at kahit patayin mo pa ako, mahal ko pa rin siya at mananatili ka lang linta na pilit nakikisabit sa buhay ko," madiin na wika ko. I know masakit kay Eugena ang mga sinabi ko pero gusto kong idiin sa utak niya kung ano lang siya sa buhay ko at lalo na sa puso ko.

Tumulo ang luha mula sa mga mata ni Eugena. Hindi siya nagsalita pero nakita ko ang gumuhit na sakit sa kanya.

Iniwas ko ang aking tingin kay Eugena. Nagbuga na lamang ako ng hininga saka iniwan siya.

EUGENA ALTAMONTE

I hate that f*cking b*tch so much! Lahat na lang! Lahat na lang! At hanggang ngayon, pahirap pa rin siya sa akin dahil mahal pa rin siya ng lalaking gustong-gusto ko! Hanggang kailan ko ba ipaglalaban ang pag-ibig ko sayo, Chris? Hanggang kailan ba ko aasang titingnan mo rin ako? Sa totoo lang, kahit isang segundo lang, umaasa akong titingnan niya ako ng may pagmamahal ngunit hanggang ngayon, umaasa pa rin ako na gagawin niya iyon.

Marahas kong pinunasan ang luha sa aking mga mata. Tiningnan ko nang matalim 'yung mga tumitingin sa akin na parang mga daga naman na nagsiiwasan nang tingin sa akin.

Inirapan ko silang lahat. Mga bwisit sila! Mga bwisit sila! Mga bwisit sila lalo na 'yung babaeng iyon!

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINWhere stories live. Discover now