CHAPTER 14

68 6 0
                                    

"Matagal pa ba 'yan?" Pagrereklamo ni Ezra.

"Sandali na lang 'to, excited much ka!" Gigil na sambit ko at minadali ang pagtataype sa laptop. Sandali pa silang naghintay bago ko matapos.

"Yehey! Tara na! Tara na!" Sigaw ni Ezra at hinila kami. Sa weekend, wala kaming gagawin kaya napagpasiyan nalang naming mag-beach. Oh yeah! Sila na may budget!

Ngayon kami maghahanap ng resort.

"Izy? Tingnan mo 'to. Mura lang tapos ang ganda. Positive din 'yung feedbacks ng mga nagbabakasiyon do'n." Saad ni Saidee sa tabi ko.

Tiningnan ko yung brochure na hawak niya. "Pwede.."

Matagal rin bago kami nakapag decide.

DAYS HAD PASSED. Ito na ang araw ng outing. Ryle doesn't know about it. Sasabihin ko na lang sa kan'ya mamaya.

Speaking of Ryle. He's calling.

"Where are you?"

"We're in the nearest beach resort, hehe. B-biglaan kasi ang outing."

"I never know about that? Send me the address, susunod ako."

"Baka may trabaho ka pa diyan?"

"Already finished."

Bumuntong hininga na lang ako. Hayys.

"Tara na! Tara na!" Excited na sigaw ni Ezra. Naka-bra lang siya tapos maong shorts, wow! Ready na ready.

Pumasok na lang din ako sa c.r. at nagpalit. Kulay red na two piece ang suot ko. At nakasuot rin ako ng black na see-through beach dress. 'Yung buhok ko naman ay hinayaan kong nakalugay.

"Witwew! Sexy!" Sumipol pa si Kevin kaya inirapan ko siya.

Nginitian naman ako ni Ejay.

"Wahhhh! Tara na swimming tayo! Bilis!" Sigaw ni Ashley na naka-two piece rin.

"Kayo na lang, mamaya na 'ko." Ani ko at naupo sa wooden chair sa cottage namin.

Nakatanaw lang ako sa dagat at pinagmamasdan silang maligo.

"Izy.." napalingon ako sa tumawag.

"Ryle,"

"Hmm, so you're in an outing. But didn't bother to tell me."

"Busy ka nga kasi."

"I'm not busy when it comes to you."

Hindi ako nakasagot at umiwas lang ng tingin.

"Oh, sir? Nandito po kayo?" Tanong ni Alira na kakapasok lang.

"Some business matters. Would you mind if I join you?" Lumingon pa sa 'kin si Ryle.

"No sir! You can enjoy with us!" Mabilis na sagot ni Alira at tiningnan ako.

Hindi ko na lang siya pinansin at kinuha ang cellphone ko.

"Tara swimming," pag-aaya ko nang maka-alis si Alira.

"Ayoko. You'll probably strip."

"Strip agad? Grabe, may suot pa naman ako, ah!" Inis na sabi ko.

"You're exposing your body too much. Ako lang dapat nakakakita niyan."

"Edi ikaw lang," tumawa ako. "Tsaka ba't ayaw mong tumingin sa 'kin?"

"It's tempting me," diretsong sagot niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Literally.

"Bahala ka! Magsu-swimming na 'ko!" Kumaway pa ako sa kan'ya at dumiretso sa gilid.

Huhubarin ko na sana anv suot kong see through beach dress ng may humila sa 'kin.

"Sinusubukan mo ba 'ko? I'm not joking, we'll surely made love here."

"Sinusubukan mo ba 'ko? I'm not joking, we'll surely made love here."

Natuyo ang lalamunan ko.

"Oo na nga, hindi na." Mahinang sabi ko at sumimangot. "Kain na lang ako, bye!" Tinalikuran ko na siya at lumapit kay Saidee na nag-iihaw ng barbecue.

"Gutom ka na ba, Izy?" Tanong niya. Kumuha siya ng isang plato at naglagay ng barbacue. "Oh, ayan! Pakainin mo na rin si Sir, mukhang gutom." Kinindatan niya pa ako kaya inirapan ko siya. That girl! Pshh!

"Huwaaa! Sir? OMG! Hindi ka nga nagjojoke, Alira!" Malakas na tili ni Ezra nang makarating sa cottage. " Hala, sir! Kain po kayo, kain!" Naglapag pa siya ng plato sa harap ni Ryle. Hindi naman tumanggi si Ryle kaya naiinis ako.

Padabog kong sinubo ang barbecue pero biglang natusok ang labi ko. Ayan! Tanga kasi. Napasimangot ako lalo at kumuha ng tissue para punasan ang dugo.

"Ano'ng nagyari sa labi mo?" Biglang tanong ni Ryle sa harap ng lahat.

"Natusok," maiksing sambit ko at uminom ng juice.

Naiinis talaga ako kay Ezra, nakakabad trip! Alam ko namang hindi niya alam ang tungkol sa 'min ni Ryle pero naiinis pa din ako. Psh!

"Jealous, huh?" Mahinang bulong ni Ryle pero narinig ko. Inilibot ko ang paningin ko. Mukhang ako lang naman ang nakarinig.

"Hindi kaya," bulong ko din.

"Uhuh?" Hindi naniniwalang ani niya.

"Hindi nga," inis na sabi ko at tumayo.

"Izy? Single ka 'di ba? May irereto 'ko sa 'yo." Bigla akong inakbayan ni Kevin kaya inirapan ko siya. Naramdaman ko ang mariing titig ni Ryle kaya tinanggal ko ang pagka-kaakbay ni Kevin.

"Si Ezra na lang ang ireto mo," para hindi na lumandi kay Ryle.

"Ay? Kung kay sir mo ako irereto, g!" Humagikgik pa si Ezra.

Umirap na lang ako at hindi na sila pinansin.

"Single, huh?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Ryle sa likuran ko. Madilim na at kasalukuyan akong nagliligpit ng gamit dito sa c.r.

"Sinabi ko 'yon no'ng hindi ko pa alam na ikaw 'yung C.E.O." Mabilis na paliwanang ko.

"You're not single, Izy. You're mine." Naramdaman ko ang labi niya sa leeg ko.

"Alam ko-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang halikan niya ako.

Habang naghahalikan kami. Nakarinig ako ng mga yabag at tawanan. Shit! Nasa public restroom nga pala kami.

Bago pa sila makapasok ay hinila ko na si Ryle papasok sa isang cubicle kasa ang gamit na niligpit ko.

"W-" tinakpan ko ang bibig ni Ryle.

Narinig namin ang malalakas na tawanan at tilian.

"Hihi! Alam mo ba 'yung lalaki sa katabi nating cottage. Ang hot! Balita ko nga c.e.o daw 'yon."

"Sa'n mo naman nakuha ang balitang 'yan, Jeny?"

"Pamilyar kasi siya kaya nagtanong ako dun sa kasama nila, hihi. Sinearch ko nga sa I.G. Ang daming followers, gosh!"

"Talaga? Anong name?"

"@azierdeverrio 'yung username niya. Ang hottie niya. Gosh! Abangan natin siya mamaya, girl!"

Napairap ako at napalingon kay Ryle. Sinmaan ko siya ng tingin pero hinalikan niya lang ang mga labi ko.

"Don't be jealous, I don't care about them. All I care about is you." Bulong niya sa tenga ko.

That Hot C.E.O Is My Ex- Boyfriend (Complete) Where stories live. Discover now