CHAPTER 12

88 7 0
                                    


Nagising ako na masakit ang katawan. Bumaba ang tingin ko sa katawan kong may kumot, 'saka lang nag-sink in sa 'kin ang nangyari kagabi. Tinakpan ko agad ang magkabila kong pisngi dahil pakiramdam ko ay nag-iinit ito. Oh my god?!

"You're already awake?" Nanlaki ang mga mata ko nang pumasok si Ryle sa kwarto. Tumawa siya dahil sa reaction ko.

Bumangon ako pero shit! Ang sakit no'ng ano ko. 'Yong ano, argh! Napangiwi tuloy ako. Pakiramdam ko pagod na pagod ang katawan ko.

"Aww!" Mahinang daing ko.

"You okay?" Nag-aalalang tanong ni Ryle at lumapit sa 'kin. "Does it hurt?"

"Hindi! Hindi masakit! Kaya ko ngang tumakbo papunta sa apartment ko eh!" Pamimilosopo ko at umirap.

"Sungit," he chuckled. Ba't ba ang hot niya?

"Gusto kong maligo, pakiramdam ko ang lagkit ko." Mahina kong sabi.

Napatili ako nang buhatin ako bigla ni Ryle, wala na tuloy akong kahit anong suot. Dinala niya ako sa c.r. at pinahiga sa bath tub. Nagbabad ako sa maligamgam na tubig para naman mabawasan ang sakit ng katawan ko.

Wala akong dalang damit. Kaya no choice tuloy ako kung hindi gamitin ang damit ni Ryle.

Nanonood lang ako sa t.v. habang nagluluto si Ryle, nang biglang may nagdoorbell. Mukhang hindi narinig ni Ryle kaya dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan. Siyempre baka mapwersa tapos sumakit na naman 'yong 'ano' ko.

Pero ang tanga ko kasi hindi ko man lang sinilip kung sino ba 'yon.

Bumungad sa 'kin ang gulat na ekspresiyon ng secretary ni Ryle.

Na-speechless ako.

"Where's the clothes?" Napaigtad ako nang marinig ang boses ni Ryle sa likuran ko.

"S-sir.. i-ito po," natatarantang sabi no'ng secretary at binigay ang paper bag kay Ryle.

Nagulat ako nang buhatin ako ni Ryle sa harapan ng secretary niya. Sinaraduhan niya ng pinto ang secretary niya at dinala ako sa kwarto.

"Wear this, we'll go somewhere later." Ngumiti siya sa 'kin at iniwan ako sa loob.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko nang makasakay kami sa kotse.

"We're to my mom." Dumagundong sa kaba ang dibdib ko.

"P-pero.." I'm out of words.

"We're going to a cemetery." Bumuntong hininga si Ryle.

Cemetery? Sementeryo? So ibig sabihin...

"My mom died 2 years ago, because of cancer." Ani Ryle.

Nanlaki ang mga mata ko. Seryoso??

Umiwas ako nang tingin at hindi na nagsalita. Kahit naman siya ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay, hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kan'ya. Naiintindihan ko naman kasi 'yong ginawa niya. Hindi ko lang talaga ma-imagine.. ang bata pa yata niya para mamatay?

Isang private cemetery ang pinuntahan namin.

Lumapit kami sa puntod at inilagay ang bulaklak. Naupo ako sa damuhan.

"I'm sure she's sorry for us," bigalang sambit ni Ryle sa gilid ko.

"Napatawad ko na siya, Ryle. Matagal na.." mahinang sabi ko at pinagmasdan ang puntod.

Nagtagal kami ng ilang oras doon bago napagpasiyahang umuwi.

"I-CHECK mo nga 'yong email mo." Bungad ni Alira nang makapasok ako sa office. Kumunot ako at sinunod na lang ang sinabi niya.

Hala?

"Attention everyone! I-check niyo 'yong mga emails niyo. Kakadating lang ng balita. Ang department natin ang napiking maghandle ng new branch ng Elixir's Wine Factory sa Palawan. OMG! Magi-stay tayo sa Palawan for a week or two!" Announce ni Alira.

Yes.. Pero bakit naman kaya ang department namin?

"Hala! Gosh! Ang galing! Excited na ako!" Sumigaw na naman si Ezra, as usual.

"Hoy! Trabaho ang ipupunta natin do'n, hindi bakasiyon!" Bulyaw ni Alira.

Wow.. excited na ako!

"Ok! Tama na ang chika! Back to work!" Ani ko at bumalik na din sa trabaho.

"TUMIGIL ka nga!" Asik ko kay Ryle. Kanina pa kasi niya pinaglalauran ang buhok ko. Nararamdaman ko pa 'yong daliri niya sa leeg ko. "Nadidistract ako sa 'yo."

"What? I just wanna play with your hair." Tumaas ang kilay niya kaya inirapan ko siya.

Kasalukuyan akong nandito sa condo ni Ryle. Nasa sala kami, nakaupo ako sa carpet at nagtatype sa laptop. Siya naman ay nakaupo sa sofa at pinaglalauran ang buhok ko.

"Nga pala, department namin ang maghahandle ng branch na ipapagawa sa Palawan."

"Hmm.. how long?"

"A week or two."

"Too long. Should I come with you?"

"Huh? Ano namang gagawin mo doon, Ryle?"

"You look like you don't want me there."

Nalaglag ang panga ko habang nakatingin sa kan'ya. Lumayo siya ng kaunti sa 'kin at hindi na pinaglalaruan ang buhok. Hindi rin siya sa 'kin nakatingin.

"May trabaho ka kasi dito, eh."

"You really don't want me there."

Tumayo ako at pinaningkitan siya ng mata.

"Nagtatampo ka ba?"

"What? Why would I?"

"Weh? Galit ka yata eh! Nakakunot 'yang noo mo!"

"No, I'm not. Hindi naman ako galit kung ayaw mo 'kong makasama."

Napangiwi ako.

"Bahala ka nga, pasuyo ka kay Rianna."

Tinalikuran ko siya pero naramdaman ko ang kamay niya sa pulsuhan ko. Mabilis niya akong hinila kaya napaupo ako sa lap niya.

"I'm just kidding. Pero mukha namang ayaw mo talaga akong pumunta doon."

Ipinulupot niya ang braso niya sa bewang ko.

"Ano? Malamang gusto kitang makasama! Tampo agad 'to. Edi pumunta ka na!"

"Ok, fine. Masiyado kang mapilit eh."

Hinampas ko ang braso niya. Ako pa talaga ang naging mapilit?

"Kidding," humalakhak siya at niyakap ako.

"Bitawan mo na 'ko. Hindi ko pa tapos ang trabaho ko."

Sinubukan kong umalis mula sa pagkakayakap niya pero hindi niya ako pinakawalan.

"Later.. maaga pa."

Mas humigpit ang yakap niya sa akin.

"Marami 'yon, Ryle. Baka abutin ako ng madaling araw."

"Huh? Why do you need to work a lot? Aish! Don't worry. Ako na gagawa ng trabaho mo. Let's just stay like this for a while."

Kinindatan niya ako at mabilis na hinalikan sa labi.

Arghh! Binabaliw mo talaga ako, Ryle!

Hindi naman siya ganiyan dati n'ong umalis nang pilipinas. Hindi kaya, bukod saakin ay may naging girlfriend pa siya? Tapos, nagawa narin nila ito dati? Like, sige Izy. Gaslight mo sarili mo.

Medyo napalitan nang inis ang mood ko nakaka - bwiset ka Ryle!

That Hot C.E.O Is My Ex- Boyfriend (Complete) Where stories live. Discover now