CHAPTER 06

79 4 0
                                    


"Kean, huwag mo ng uulitin 'to, ah! Alam mo bang nag-ditch ako sa trabaho para lang puntahan ka. Mabuti nalang hindi ka napuruhan. Kung may nangyari talagang masama sa 'yo, malilintikan ka sa 'kin." Walang humpay na sermon ko kay Kean habang naglalakad kami. Napakamot siya ng batok at mukhang nahihiya dahil marami ang nakakarinig sa 'min.

"Alam mo, okay lang naman na ipinagtanggol mo si Lea—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang sumabat siya.

"Kaleigha 'yon, ate."

"Pakialam mo ba? Gusto ko Lea eh." Inirapan ko siya.

Ito naman kasi si Kean... Nakipag-away dahil pinagtanggol daw niya si Lea na crush niya, psh! Hindi naman talaga siya napuruhan. Yung dalawang lalaki na kaaway niya ang bugbog sarado. Kaya lang naman pala nawalan ng malay si Kean, dahil sa impact nang itulak siya at tumama ang noo sa pader.

Napakapasaway talaga ng batang 'to, jusko! Napilitan pa tuloy akong magmaka-awa para lang hindi suspendihin itong si Kean. Sinugod kasi sa ospital ang dalawang kaaway niya. Blackbelter pa naman 'tong kapatid ko sa taekwondo. Kahit may katuwiran rin si Kean, mali pa rin ang ang ginawa niya dahil sumobra siya sa nangyari. Hayys!

Ngumisi ako at binatukan si Kean. "Diretso uwi ka na, ha. Magtatrabaho pa ako."

"Ouch! You're so harsh! Uuwi naman talaga ako, eh, tss."

Dumiretso siya sa kotse ni papa at pinaharurot 'yon. Napairap nalang ako, may 'pagka-rude din masiyado si Kean. Hmp! Akala niya di ko siya isusumbong kay papa? Pauwi na kaya 'yon bukas, psh!

Nang makarating ako sa office, hinanap ko agad si Allen at ibinalik sa kan'ya ang susi.

"Wow, thank you, Izy! Thank you talaga!" Sarkastikong saad niya.

"You're welcome." Nginisian ko siya at iniwanan.

"Hindi ka pa rintalaga nagbabago!" Pahabol na sigaw niya.

Nang makarating ako sa office ay nagpaliwanag agad ako.

"Pasensiya na. Tumawag kasi yung school ng kapatid ko at may nangyari daw na masama sa kan'ya. 'Wag kayong mag-alala, mago-overtime nalang ako mamaya."

Naupo ako sa swivel chair ko at sinimulan na ang pagtatrabaho. 12 midnight na nang matapos ko ang trabaho ko. Kalalabas ko lang ng company at kasalukuyang naghihintay ng taxi. Kapag lumipas ang limang minuto at wala pa ring dumadating, maglalakad nalang ako. Kaysa naman mabulok dito kahihintay, psh!

Nainip ako sa kahihintay kaya napagpasiyahan kong maglakad nalang. Ilang minuto palang akong naglalakad nang may kotseng tumigil sa harapan ko.

Kumunot ako nang mapagtantong pamilyar ang kotseng 'yon.

"Are you going home?" Kaswal na tanong ni Ryle, na siya palang nagmamaneho ng kotseng tumigil sa harapan ko.

"Opo, sir."

"I can give you a ride. It's dangerous to walk on streets at this hour." Mabilis siyang umiwas nang tingin matapos sabihin 'yon.

Hindi agad ako nakasagot. Tumingin ako sa paligid at mukhang delikado na talaga.

"S-sige po."

Sumakay ako ng kotse niya at sinabi ang address ng apartment ko.

Buong biyahe ay walang nag-salita kahit isa saming dalawa. Mabuti nalang at tumawag si papa at sinabing kakababa palang ng eroplano niya at pauwi na sa 'min galing airport.

"T-thank y-you."

Bumaba ako ng sasakyan at tinungo ang pintuan ng apartment ko. Lumingon ako sa kotse niya at yumuko ng bahagya, bilang pasasalamat.

Pumasok na ako at mabilis na humilata sa kama.

KINABUKASAN, maaga pa lang ay umuwi na ako papunta kina mama dahil nandoon na raw si papa.

"Papa!" Sigaw ko at agad na niyakap si papa kahit sinisermunan pa niya si Kean.

Sa dalawang araw na rest day ko ay wala akong ginawa kung hindi ang makipagbonding sa pamilya ko.

At ngayon... Trabaho na naman!!!

"Good morning, Izy!" Bati agad ni Saidee nang makarating ako sa office. "Musta ang weekend?"

"Masaya," ngumiti ako at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

Lunch time namin nang tumawag ako kay Kean. Birthday na kasi niya bukas.

"Kean.. hindi makakapunta si ate sa birthday mo dahil maraming trabaho. Malapit na ang aniversary ng company namin kay tambak ang gawain dito. Ipapadala ko na lang ang regalo ko. Hihi!"

"Tss.. ok," tipid na sagot niya mula sa kabilang linya kaya napangiti ako.

"Tampo ka agad? Psh! Ewan ko lang kung hindi mo ako yakapain 'pag nalaman mo ang regalo ko sa 'yo."

Napangisi ako habang iniimagine ang reaction niya, haha!

Sandali pa kaming nagbangayan bago ko ibaba ang tawag.

Sa office na kami naglalunch dahil nga tambak ang trabaho.

Naging busy ang buong araw ko sa office. Dumagdag pa sa inis ko 'yong babaeng si Rianna. Nakita ko kasi siua sa isang coffee shop kasama si Ryle. Kainis!

Hanggang sa paguwi ay mainit pa rin ang ulo. Itinuon ko nalang sa paggawa ng trabaho ang ataensiyon ko. Chineck ko ang flow ng event na gaganapin sa friday para icelebrate ang 30th anniversary ng De Verrio's Group of Company.

Kinabukasan ay pinadala ko na agad ang regalo kong kotse kay Kean. Hindi ko naman kailangan ng kotse dahil hindi ako gano'n kagaling magdrive. Tsaka lalakarin ko lang naman ang daan papuntang company. Alam ko kasing gusto ni Kean ng sariling kotse para sa pagpasok niya sa school. Sana lang ay bawas bawasan niya ang pagiging masungit, grr!

Nang mag-lunch break kami ay tumawag si Kean at panay ang thank you at pagpuri sa 'kin. Sinabihan pa 'ko ng 'I love you', hahaha.

"Pakisabi sa kapatid mo happy birthday!" Saad ni Ejay. Tinanguan ko siya at binigyan ng ngiti. Nakibati rin ang iba kong office mates.

"Sa friday na 'yong party. Izy, 'wag kang pupunta kung masama pakiramdam mo, okay?" Pag-reremind ni Alira.

"Ituloy niyo na lang 'yang ginagawa niyo dahil wala na tayong time para magdaldalan. Ayusin at bilisan niyo rin kung ayaw niyong mag-overtime tayong lahat dito." Utos ko sa kan'la.

Halos lahat ng department ay busy sa pagahahanda para sa gaganaping anniversary event. Sana lang hindi maulit 'yong nangyari no'ng huli akong pumunta ng ganitong event o celebration. Na halos mahimatay na sa karamdaman. Pero, hmm. Baka ibang sakit naman ang maging dahilan para himatayin ako.

That Hot C.E.O Is My Ex- Boyfriend (Complete) Where stories live. Discover now