CHAPTER 03

67 4 0
                                    

SAIDEE'S POV

Naghahanda na ako para sa event nang may tumawag sa 'kin. Sinagot ko 'yon nang makitang si Izy ang tumatawag.

"Hello, Sai." Bati niya mula sa kabilang linya.

"Izy, napatawag ka?"

"Uh... P-pwede bang pasundo dito sa apartment, mamaya. Balak ko sanang sumabay sa 'yo papuntang venue." Nahihiyang sabi niya.

"Sure! Text mo yung address mo, susunduin kita!"

"Hala, thank you. Pasensiya na, masiyado kasing hassle kung magtataxi pa ako." Paliwanag niya.

"Haha, sige na! Mag-aayos lang ako, bye bye! Kitakits!"

Pinatay ko na ang tawag. I don't have any problem with Izy. She's a good friend.

Ipinagpatuloy ko na lang ang paghahanda. Nagsuot lang ako ng pink na cocktail dress at heels. Nag dala ako ng coat at naglagay ng simpleng make up.

Dumiretso ako sa garage para kuhanin ang kotse ko. Pnaandar ko 'yon papunta sa address na sinend ni Izy.

"Izy!" Tawag ko nang makitang naghihintay siya. Napalingon siya at napangiti. Kulay champagne ang suot niyang dress na hapit sa katawan niya. She's gorgeous!

"Tara na!" Hinawakan ko ang wrist niya para sana hilahin siya pero binitawan ko rin agad. Ang init!

"Mainit ka Izy, may sakit ka ba?" Nagaalala kong tanong. Napansin ko ring matamlay ang mga mata niya.

"Mediyo masama lang ang pakiramdam ko." Nagpilit lang siya ng ngiti. Tumango nalang ako at inalalayan siyang pumasok sa kotse.

Habang nasa loob ng sasakyan ay mabilis kong hinawakan ang noo niya. Nanlaki ang mga mata ko. Ang init niya talaga, grabe!

"Izy, mukhang may lagnat ka, 'wag ka na lang kayang tumuloy?" Nag-aalinlangang sabi ko.

"Gutom lang 'to Saidee, don't mind it. Pagkarating ko do'n, kakain agad ako. T-tsaka kailangan kong umattend, 'no?" Nagpilit siya ng ngiti pero mabilis ring umiwas ng tingin.

Napabuntong hininga nalang ako at nagsimula ng mag-drive.

Nang makarating kami sa venue, hinanap agad namin ang mga kasamahan namin.

"Wow, ang ganda mo naman, Izy!" Nakita ko sa mukha ni Ezra ang pagkamangha.

"Ang sexy!" Papuri naman ni Alira.

Nginitian lang sila ni Izy at naglakad na paalis. Ilang sandali lang ay bumalik na siya at umupo na din dahil nagsisimula na.

Hindi ganoon karami ang sinabi ni Mr. De Verrio. Ang director ng kumpaniya ang panay ang salita at paliwanag sa lahat. Siguro nga ay sadiyang tahimik lang si Mr. De Verrio.

Pasimple kong hinawakan ang leeg ni Izy kaya napatingin siya sa 'kin. Mas lalo siyang uminit, oh my gosh!

Matapos ang walang humpay na speech nila ay nagsitayuan na ang lahat.

"Congrats sa 'tin, Sai!" Nag-cheers kami ni Ashley.

"Pst, Sai!" Napalingon ako sa tumawag sa 'kin at nakita si Kevin. Napairap ako ng kindatan niya ko at kinagat pa niya ang mga labi niya.

"Gago ka talaga!" Hinampas ko siya sa balikat at nilayasan. Baka masuntok ko pa siya sa mukha dahil sa mga pang-aasar niya.

Pinuntahan ko nalang si Izy na biglang tumayo sa inuupan niya. Nagmadali ako sa paglapit sa kan'ya pero huli na ang lahat dahil bumagsak na siya sa sahig.

Mabilis na nagpanic ang mga nakakita. Lalapit na sana si Ejay pero nagulat ako nang may tumulak sa kan'ya.

"What the fuck!" Malutong na mura ni... Mr. De Verrio?

Nanlaki ang mga mata ko nang mabilis na naglakad si Mr. De Verrio at bigla nalang binuhat si Izy.

"What happened?" Seryosong tanong niya sa 'kin.

"Bigla na lang po siyang nag-collapse. Kanina pa po masama yung pakiramdam niya b-but she insisted to come here." Natatarantang sagot ko.

Halos lahat ay nakatingin sa gawi namin. Nilagpasan ako ni Mr. De Verrio.

Nagmamadali akong sumunod sa kan'ya.

"Sir, saan niyo po dadalhin si Izy?" Hindi ko napigilang magtanong.

"In the hospital, of course." Nilagay niya si Izy sa backseat ng kotse niya.

Naglakad ako papunta sa kotse ko. Sasama ako! Nagaalala ako kay Izy.

Mabuti nalang at nasundan ko ang kotse ni Mr. De Verrio kahit napakabilis ng takbo no'n.

Kumunot ang noo niya nang makita ako sa tapat ng kwarto ni Izy.

"Sir, p-p'wede ko po bang makita ang kaibigan ko?" Nag-aalalang tanong ko. Hindi siya sumagot at binigyan lang ako ng daan.

"Oh gosh!" Nasabi ko nalang habang chinicheck siya ng mga nurse.

Pumasok si Mr. De Verrio na may kausap sa phone n'ya.

"Kean... She's in the hospital... She collapsed... Ok, hurry up." Dinig kong kausap niya sa phone.

Tiningnan niya ako ng matalim kaya napaiwas ako ng tingin. Nakakatakot siya, grabe!

"She has a high fever, don't worry, mabilis din naman siyang gagaling. Kailangan niya lang uminom ng gamot at magpahinga." Saad ng doctor bago kami iwanan.

Napabuntong hininga nalang ako at lumapit kay Izy.

"Pasaway ka kasi," inis na sabi ko habang pinagmamasdan siyang walang malay at namumutla.

Masiyadong awkward 'yong pakiramdam kapag kasama si Mr. De Verrio. Mabuti nalang at bumukas ang pintuan at mula roon ay pumasok si Ejay at Ezra.

Bumuhos ang mga tanong nila sa akin. Alam kong hindi rin sila komportable dahil nakaupo sa isang sofa si Mr. De Verrio habang nakapikit.

Lumipas ang halos isang oras nang bigla na namang bumukas ang pintuan. Iniluwa noon ang isang magandang babae na may edad na. Tsaka isang lalaking teenager na sobrang pogi.

"Jusmiyo!" Naghi-hysterical na sigaw nung babaeng may kaedaran na sa tingin ko ay nanay ni Izy.

"Tita, calm down." Biglang sabi ni Mr. De Verrio. Ano daw? Tita?

Nagkatinginan kami ni Ezra, parehas siguro kaming nagtataka.

Kumalma ang mama ni Izy kaya nagawang ipaliwanag ni Mr. De Verrio ang nangyari.

"Ate, is so stubborn." Nakasimangot na sabi no'ng kapatid ni Izy.

"Naku, Ryle! Salamat sa sa 'yo!" Napatingin sa 'min ang nanay ni Izy. "Kaibigan ba kayo ng anak ko?" Tanong nito.

Napatango kami at nagpakilala sa mabait na nanay ni Izy.

Pero ang ipinagtataka ko talaga ay mukhang magkakilala si Mr. De Verrio at ang  nanay ni Izy. Napapansin ko ring close si Mr. De Verrio at ang kapatid ni Izy.

What's the meaning of this?

"Magkakilala ba yung pamilya ni Izy at President De Verrio?" Naguguluhang bulong ni Ejay sa gilid ko.

"Hindi ko alam." Nagkibit balikat nalang ako.

That Hot C.E.O Is My Ex- Boyfriend (Complete) Kde žijí příběhy. Začni objevovat