PROLOGUE

102 7 0
                                    


"Everything's a mess, hija. Sa tingin ko, kailangan mo ng hiwalayan ang anak ko."

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni tita.

"P-po? Pero—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng magsalita siyang muli.

"Sa totoo lang, hindi talaga kita gusto para sa anak ko. Simula pa lang, alam kong hindi na maganda ang maidudulot mo sa kaniya."

"T-tita?" Naguguluhang tanong ko.

"Alam mo bang handa siyang talikuran ang pamilya niya para sa'yo? I can't imagine him having a hard life with you. There's a big future ahead him. Ayokong hadlangan mo yon. Mataas ang pangarap ko para sa anak ko. Siya ang magmamana ng lahat ng kayamanan ng pamilyang ito."

Hindi ko maintindihan. Bakit ganito?

"M-mahal na mahal ko po siya, tita. M-mahal na mahal ko po ang anak niyo... S-sobra." Nabasag ang boses ko at nagsimula ng magtuluan ang mga luha ko.

"Naiintindihan ko. But if you really love him, you'll choose the best for him. And the best for him is to live with this family with a big future ahead him. Tanggapin mo sana... Na hindi kayo para sa isa't-isa. Walang magandang maidudulot ang relasiyon niyo. Lalo na sa anak ko. Kaya sana ay ikaw na mismo ang makipaghiwalay sa kaniya. Oh baka gusto mong ako pa ang gumawa ng paraan?"

"W-wala na po bang ibang paraan. H-hindi ko po kayang iwan siya..." Gusto kong lumuhod sa harapan niya at magmakaawang huwag kaming paghiwalayin.

"Magising ka sa katotohanan! Hindi kayo bagay. Oo nga at hindi ka mahirap, ngunit hindi mo kami kapantay! Alam kong hindi magiging maayos ang buhay ng anak ko kung pipiliin ka niya. At paano naman ang pamilyang ito? Ang pamilya niya? Huwag kng makasarili, hija. Anong gusto mong mangyari sa anak ko? Ang bumagsak at maghirap. Hindi iyon ang kapalaran niya! At kahit hindi mo man siya iwanan, ako na ang gagawa ng paraan."

Lalong bumuhos ang mga luha ko.

"Pagisipan mong mabuti ito, hija. Alam kong mahal na mahal mo siya, kaya sana ay piliin mo ng makabubuti sa kaniya."

Kinuha niya ang kaniyang bag at iniwan ako dito sa coffee shop. Gusto kong magalit... Pero hindi ko magawa. Alam ko naman kasing kapakanan lang ni Ryle ang iniisip ni tita.

Tangina, bakit ganito?! Bakit kailangang mangyari 'to? Hindi naman ako masamang tao, eh. Pero bakit ako pinaparusahan ng ganito?!

Oo, simple lang ang buhay meron ako. Isang engineer ang papa ko at housewife naman si mama. Hindi naman kami mahirap at hindi rin mayaman. Nakakakain ako ng tatlong beses sa isang araw at nabibili ang gusto ko. Nagaaral ako sa isang sikat na University. Sapat na sakin yon eh. Kuntento na ako kahit wala kaming malaking company o sariling school.

Nagsimulang magulo ang lahat, last month. Nang ipakilala ako ni Ryle sa family niya. Nagulo yung tahimik kong buhay. Nagulo yung masaya naming relasiyon ni Ryle. Nagulo ang lahat. Siguro iniexpect nila, kasing yaman nila yung magiging girlfriend ng anak nila. Sabagay, tama naman sila eh. Hindi kami bagay. Sobrang taas ni Ryle, hindi ko nga inakalang mapapansin niya ako at magmamahalan kami.

"OH anak, anong problema. Mukhang stress na stress ka." Bungad ni mama nang makarating ako ng bahay.

Lumapit ako kay mama at inalalayan niya akong umupo sa sofa.

"Mama, sa tingin niyo po hindi kami para sa isa't-isa ni Ryle??"

Bumakas ang gulat sa mukha ni mama, malamang ay nagulat siya sa tanong ko.

"Hindi ko masasagot yan anak... Pero, may problema ba? Nagaway ba kayo?" Nagaalalang tanong niya.

"Mama... Hindi ko na po kaya."

That Hot C.E.O Is My Ex- Boyfriend (Complete) Where stories live. Discover now