CHAPTER 04

83 5 0
                                    

IZY'S POV

Nagising ako at bumungad sa 'kin ang kadiliman. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at napalingon sa bintana na nagbibigay ng kaunting liwanag. Sinubukan kong tumayo at 'saka ko lang napansin na iba na ang suot ko. Nakasuot na ako ng maluwag na long sleeves at pants. Sinubukan kong maglakad lakad at sa wakas, nahanap ko na rin ang switch ng ilaw. Binuksan ko 'yon at nakita si mama na nakahiga sa sofa. Nakaupo at nakasandal naman si Kean. Parehas silang tulog. 'Saka ko lang narealize na nasa hospital pala ako.

"Ate..." Narinig ko ang inaantok na boses ni Kean. Bumalik ako sa kama at naupo ro'n.

"Gising ka na pala, ate." Tumayo si Kean at akmang gigisingin si mama.

"Kean! 'Wag mo munang gisingin si mama," mahinang sabi ko. Mukha kasing pagod si mama. Liningon ko ang orasan at nakitang 4am na.

"Hayys, sige na nga. Stay here, ate, tatawagin ko lang ang doctor." Humikab muna si Kean at nagstrech ng katawan bago lumabas.

Napabuntong hininga ako nang maalala ang lahat ng nangyari. Nagpaulan ako no'ng isang araw kaya siguro ako nagkaganito, may pagka sakitin kasi ako.

Nang dumating ang doctor ay agad nila akong pinakain at pinainom ng gamot. Hindi na ako nagreklamo pa. Gusto ko ng lumabas dito.


"MAMA, ayos lang po talaga ako." Napabuntong hininga ako. Ayaw niya kasi akong papasukin sa trabaho. Absent na nga ako kahapon eh.

Sumimangot si mama at hinayaan na akong umalis. Nagtaxi na lang ako papunta sa trabaho.

Dalawang araw na mula nang ma-ospital ako. Alam ko ring si Ryle ag nagdala sa 'kin sa hospital.

"Izy!! Good morning! Maayos na ba pakiramdam mo?" Salubong ni Ezra sa 'kin. Binigyan ko siya ng isang ngiti.

"Welcome back, Izy, maayos na pakiramdam mo?" Tanong naman ni Ejay. Isang tango lang ang isinagot ko.

Halos lahat ng officemates ko ay ganoon ang itinatanong pero ngiti at tango lang ang isinasagot ko. Nabaling ang paningin ko kay Saidee, nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa 'kin. Para bang may malalim siyang iniisip. Napalunok nalang ako.

"Nga pala, Izy! Magkakilala ba kayo ni President?" Biglang tanong ni Ejay.

Nakagat ko ang labi at dahan dahang napaiwas ng tingin.

"Schoolmates k-kami no'ng c-college." Nahihirapang sagot ko.

Napatango naman sila at hindi na ako pinansin pa, pero nararamdaman ko pa rin ang titig ni Saidee.

Naalarma ako at napatayo nang pumasok bigla si Ryle sa office. May kasama siyang babae. Mukhang professional yung babae pero mukha ring slut.

"She will be our business partner for the..." Hindi ko naintindihan ang mga sinasabi ni Ryle dahil biglang gumapang yung kamay no'ng babae sa braso niya.

Pakiramdam ko nagdilim ang paningin ko. Gusto kong sabunutan yung babae. Mabuti nalang at tinanggal ni Ryle yung kapit no'ng babae sa kan'ya.

Bumuntong hininga nalang ako at iniwas ang paningin sa kanila. Baka kung ano pang magawa ko sa babaeng 'yon.

"Guys! Sa sampgyupsal tayo maglunch!" Sigaw ni Ezra ngunit walang pumansin sa kan'ya. "Treat ko!"

Halos lahat ay sabay-sabay na napatingin sa kan'ya.

"Let's go!"

"Tara na Ezra, ang ganda mo talaga!"

"Ready na 'ko, alis na ba tayo?"

Napatawa nalang ako at napailing-iling.

Nauna na silang magpunta sa iba. Susunod nalang kami ni Saidee. Nakasabay namin si Ryle at Allen sa elevator kaya hindi ako mapalagay.

"S-sir, thank you po sa pagdala sa 'kin sa ospital." Kinakabahang sabi ko kay Ryle na kaharap ko lang.

"Wow! New callsign ba 'yan? 'Di ba dati, baby?" Nangaasar na sabi ni Allen kaya tiningnan ko siya ng masama.

"You're welcome." Walang emosiyong sagot ni Ryle.

Napatingin naman ako kay Saidee na nakakunot ang noo. Alam kong may namumuo ng ideya sa isip niya pero hindi niya lang ako tinatanong.

Bumukas na ang elevator. Dumiretso na kami ni Saidee sa samgyupsal gamit ang kotse niya. Matapos ang lunch ay bumalik agad kami sa company.

"Ouch! What the hell!" Sigaw ng maarteng babae na nakabangga ko.

Nag-angat ako ng tingin at nakitang siya pala 'yong bagong business partner na kung lumingkos kay Ryle ay parang ahas.

"Sorry," paghingi ko ng tawad pero halatang hindi sincere.

"Gosh! Next time tumingin ka sa dinadaanan mo, ok? Boyfriend ko ang may ari ng company na 'to, kaya umayos ka!" Matalim niya akong inirapan bago talikuran.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Parang ayaw tanggapin ng puso ko ang narinig.

'Boyfriend ko ang may ari ng company na 'to, kaya umayos ka!'

'Boyfriend ko ang may ari ng company na 'to, kaya umayos ka!'

'Boyfriend ko ang may ari ng company na 'to, kaya umayos ka!'

B-boyfriend niya si R-ryle?

Napahawak ako sa dibdib ko nang makaramdam ng sakit. Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko at napapikit.

Ano naman kung may girlfriend na siya? Ano bang pakialam ko? Ako naman ang nag taboy sa kan'ya kaya dapat ini-expect ko na 'to. Bakit ako nasasaktan? Apat na taon na ang nakakalipas pero bakit ganito parin??

Dumiretso nalang ako sa office at sinimulan agad ang pagtatarabaho.

"Izy!" Napatalon ako sa gulat nang may sumigaw.

"E-ejay..."

"Tatlong beses na kitang tinatawag, hindi mo 'ko pinapakinggan, may problema ka ba?" Nag tatakang tanong niya.

"W-wala, may iniisip lang ako."

"Ano ba yang iniisip mo? Kanina ka pa lutang. Alam mo bang limang copies ng report ko ang na-print mo?" Sabat ni Ezra.

"I-iniisip ko lang si mama.. at si Kean."

Napaiwas nalang ako ng tingin. Hindi naman talaga sila ang iniisp ko. Iniiisip ko si Ryle at yung girlfriend niya.

Pakiramdam ko kasi namatayan ako.

Hinihiling ng puso ko na hindi 'yon totoo.

Nasasaktan ako kapag naiisip ko 'yon.

Pero.. bakit ba ako nasasaktan? Bakit ganito yung nararamdaman ko?

Naka-move on na naman ako, 'di ba?

Nakamove-on na ako...

Hindi ko na siya mahal...

Oh, baka pilit ko lang pinapaniwala ang sarili kong naka-move on na ako kahit hindi pa?

Ano ba talaga?!

Hindi ko alam, dahil oag parati kong naiiisip si Ryle, na may bago nang girlfriend ay. Nasasaktan ako, alam kong hindi na normal ito.

That Hot C.E.O Is My Ex- Boyfriend (Complete) Where stories live. Discover now