CHAPTER 13

74 4 0
                                    

WARNING: LIGHT SPG

"In behalf of our crew, welcome aboard."

Kasalukuyan kaming nakasakay sa eroplano, papunta sa Palawan.

"Wow! First time kong makasakay sa airplane!" Namamanghang sabi ni Ashley.

Well, hindi ito ang first time na sumakay ako sa plane. No'ng first anniversary namin ni Ryle, sa Japan kami nag-celebrate, hehe.

Nasa kalagitnaan kami ng biyahe nang magvibrate ang phone ko. May tumatawag.

Sinagot ko agad 'yon at hindi na tiningnan kung sino.

"Baby, hmm."

Nakagat ko ang labi ko nang marinig ang boses ni Ryle, he sound so sleepy. 2:00 am na yata ng madaling araw ngayon eh.

"Napatawag ka?"

Hindi agad siya sumagot.

"Here we go again. You sound like you don't want to receive a call from me."

Napairap ako.

"Here we go again. Nagtatampo ka na naman. Iniisip ko lang naman kasi na dapat nagpapahinga ka na, alas dos na kaya ng madaling araw."

"Nah. May tinatapos pa akong trabaho."

Bumuntong hininga ako.

"Ano ba 'yan? Bukas mo na 'yan ituloy! Matulog ka na, puro trabaho ka, hindi ka na yata nagpapahinga, eh, psh!"

Pwede rin namang magusap nalang kami buong gabi. Charot!

"Aww, my baby is worried."

Kumunot ang noo ko 'saka umirap.

"Hindi 'no!"

Narinig ko siyang mag-'tss' sa kabilang linya.

"Ok, ok. I'll rest. Baka hindi ka makapag-relax sa biyahe at buong gabi kang mag-aalala sa 'kin."

Napakamot ako ng noo at pinigilang sumigaw nang marinig ang mahinang tawa niya.

"Bahala ka nga!"

"Hey, I'm just kidding! You're so pikon!"

"So, bakit ka nga tumawag?"

"I just miss you, hmm. I wanna hear your voice, baby."

Naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. Punyeta kasi si Ryle eh! Arghh! Mukha na siguro akong tangang kinikilig dito, grr.

"Psh! Wala pang isang araw miss agad?"

No'ng apat na taong hindi niya ako kasama, hindi naman niya ako tinawagan, psh! Charot!

"Yeah, tss. I really miss you. Hayys! If you're not in the plane, I'm sure we're cuddling in bed."

Maloko siyang tumawa.

"Cuddle mo mukha mo."

"Tss. Why do you sound so mad, baby?"

"Hindi ako galit, imagination mo lang 'yon."

"I don't think so. But I just wanna remind you, susunod ako diyan."

"Edi sumunod ka."

Matagal pa akming nag-usap bago ko patayin ang call.

Sa hotel agad kami dumiretso nang makababa sa eroplano. Natulog ako ng ilang oras hanggang sa mag-umaga. Pupunta kami sa construction site ng factory mamaya.

"Let's go na!" Saad ni Ezra sa driver ng van.

Nakipag-usap lang kami sa architect at chineck ang construction site. 'Yon lang ang ginawa namin buong araw pero natagalan kami. Madilim na ng makabalik ako sa hotel room ko. Ako lang mag-isa dito.

That Hot C.E.O Is My Ex- Boyfriend (Complete) Where stories live. Discover now