CHAPTER 05

77 4 0
                                    

Pauwi na ako sa apartment, lutang parin hanggang ngayon. Ugh! Bakit ko ba kasi naiisip 'yon?

Wala na dapat akong pakialam kay Ryle o sa kung sino mang related sa kaniya. Hayys!

Naligo agad ako pagkarating ko para naman mahimasmasan ako kahi kaunti. Hindi din ako nakatulog agad dahil may tinapos pa 'kong trabaho. Arghh! Fine! Hindi ako nakatulog agad dahil sa pag-iisip tungkol kay Ryle.

Ano bang problema ko? Seriously?

Mabuti nalang at nalihis ang atensiyon ko sa updates na isinend ni Marco. Kinabukasan, sa tamang oras lang ako nagising. Hindi na ako nag-abalang mag taxi at naglakad nalang papuntang work. I think 30 minutes akong naglakad but that's better, at least nakapag-exercise kahit papa'no.

"Morning Izy, you look grumpy! Tapos kahapon lutang ka." Bungad ni Ejay.

Bumuntong hininga nalang ako at umirap sa kawalan.

"Kulang lang ako sa tulog." I reasoned out.

"Uhm, Izy, nabasa mo ba yung e-mail ko sa 'yo kagabi?" Tanong bigla ni Ashley. "Kailangan nating maghanda ngayon dahil bibisitahin ng business partners ng company ang every office dito."

Pinag lapat ko ang mga labi ko at tumango.

Nagsimula na ang lahat sa pag-aayos ng mga updates and reports. Inayos rin namin ang office para mag mukhang organized parin kami kahit tambak ang trabaho.

Bumukas ang pinto kaya't napatayo kami. Sabay sabay naming binati ng magandang umaga ang mga bigating shareholders at business partners ng company.

Awtomatikong uminit ang ulo ko nang makita na naman ang babaeng lumilingkis kay Ryle. Nawala ang focus ko at natuon na lang ang atensiyon ko sa kamay niyang gumagapang sa matipunong braso ni Ryle.

"Hoy! Hoy! Huwag kang lumingkis kay President, Rianna. Kung ayaw mong mailibing nang buhay." Malokong sabi ni Brix.

Naiinis ko siyang tiningnan nang mapansing diretso siyang nkatingin sa 'kin.

"Ito ba yung head ng department niyo?" Tanong ni Brix habang nakaturo sa 'kin. "Ang samang tingin sa 'kin."

Mariin akong napapikit. Sige pa, Brix.. kaunti nalang at tatamaan ka talaga sa 'kin.

"Gago ka, bro. 'Wag mo ngang inisin si Ms. Azcona." Sabat naman ni Allen.

Naramdaman ko ang mga tingin ng officemates ko sa 'kin.

"Will you please shut your fucking mouth up?" Naiinis na saway ni Ryle.

Dumako ang tingin niya sa 'kin kaya mabilis akong umiwas.

Nagsimula na silang maglibot at mag-inspect sa loob nang office. Wala naman silang pinuna tungkol sa paraan ng pagtatrabaho namin.

Naging mabilis lang 'yon at kailangan ng magpaalam. Pero tinawag pa ako ni Allen at kung ano-anong tinanong tungkol siyempre sa department namin.

"Isa pa pala, Ms. Azcona. May tanong daw si Mr. President." Nakangising dagdag ni Allen.

Sinamaan ko siya ng tingin bago humarap kay Ryle na kasalukuyang nanlilisik ang mga mata kay Allen.

"Y-your the new head, right? This department got very good feedbacks. How can you manage it with a short period of time?" Kaswal na tanong niya.

"Workers in this department are somehow dedicated. They're following my commands and instructions. We also prioritized team work. We're not competing here and we always respect everyone's decision and suggestios. So I guess, this team were borned disciplined." Napatingin ako sa babaeng malandi nang tumaas ang kilay nito.

Napatango-tango si Ryle sa sagot ko.

"Ako din, may tanong!" Pahabol ni Brix.

"Ano po, Sir?!" Binigyan ko siya ng pekeng ngiti.

"Bitter ka ba, Ms. Azcona?" Umangat ang sulok ng labi niya.

Nanlaki ang mga mata ko at nagdilim ang paningin ko. Alam kong mali ang gagawin ko pero ginigigil talaga ako nitong si Brix. Hinablot ko ag folder na nasa malapit na lamesa. Hindi pa ako nakaka-ambang babatuhin siya ay nahila na agad siya ni Allen palabas ng office.

Nagpaalam na rin si Rianna 'ng malandi at Ryle.

Padabog akong naupo sa swivel chair ko.

"Kakilala mo ba sila, Izy?" Nagtatakang tanong ni Kevin.

"Schoolmates sila no'ng college!" Si Ejay na ang sumagot.

Nagsi-tanguan nalang ang iba at bumalik sa mga trabaho nila. Bumalik nalang rin ako sa trabaho ko.

Nang maglunch-time, sa canteen ako dumiretso para mag-lunch kasama si Saidee. Sandali lang kaming kumain at bunalik na rin sa office pagkatapos. Biglang nagring ang phone ko.

"Hello?" Ni-loud speak ko ang phone ko dahil mediyo maingay rito sa office. Nagtatawanan kasi sila, eh.

"Hello po, kayo po ba si Ms. Izy Vivreighn Azcona? Kapatid po ni Kean Ice Azcona?"

"Yes po," simpleng sagot ko.

"Salamat naman. Gusto ko lang po kayong i-inform. Napaaway po kasi si Kean dito sa school at kasalukuyan po siyang walang malay ngayon dito sa clinic. Sinubukan ko pong kontakin si Mrs. Azcona pero busy po ang line niya."

Nanlaki ang mga mata ko? Tngina?!

"P-po? A-ano pong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko.

"Hindi pa malinaw ang nangyari dahil hindi pa nagigising si Kean. Inaanyayahan po namin kayo rito sa school, pasensiya na po sa abala."

"S-sige po, papunta na po." Natataranta kong sagot bago patayin ang linya.

"Guys! I need to go, this is an emergency. Pasensiya na, mago-overtime nalang ako mamaya." Paalam ko sa lahat na ngayon ay na sa akin na ang buong atensiyon. Kinuha ko ang coat ko at nagmamadaling lumbas.

Nasa ground floor na ako nang makasalubong ko sina Allen, Ryle, Brix at Rianna.

Tumigil ako sa harap ni Allen. Kakapalan ko na ang mukha ko.

"Pahiram ng kotse mo."

"Ha? Bakit?"

"Emergency! Kung ayaw mong ipahiram, ihatid mo nalang ako kung wala kang gagawin."

"Bakit hindi ka magpahatid sa boyfriend mo.. or suitor?" Napatingin ako kay Ryle nang bigla siyang sumabat. Hindi siya nakatingin sa 'kin pero alam kong ako ang kausap niya.

"Tangina! Yung kapatid ko, walang malay ngayon!"

"Ay, shit?! Ito na, ito na!"

Nagmamadaling binigay sa 'kin ni Allen ang susi ng kotse niya. Dahil alam nilang kapag nagmura ako, seryosong bagay na 'yon.

"Paki-ingatan 'yong kotse ko, Izy. Mahal na mahal ko 'yon.

Tumango lang ako at dumiretso sa parking. Hinanap ko ang kotse niya saka pinaharurot iyon papaunta sa school ni Kean.

Inabot ng isang oras bago ako makarating do'n. Nagmadali agad ako sa pagpunta sa infirmary.

Nag bubulungan pa ang mga nakakakita sa'kin. Malamang ay nagtataka sila kung bakit ako na school.

Naabutan ko si Kean na nakahiga sa isa sa mga kama sa clinic nila. May cold compress sa noo at may pasa sa gilid ng labi.

May dalawang teacher do'n at isang babaeng kaedaran lang ni Kean.

Napabuntong hininga ako at mahinang napamura.

That Hot C.E.O Is My Ex- Boyfriend (Complete) Where stories live. Discover now