CHAPTER 07

73 5 0
                                    

"Hala! Super urgent nito. Kailangan na daw itong maibigay kay President ngayong araw." Natatarantang sabi ni Ashley. "Pero mukhang umalis na siya dahil wala na siya sa office niya. Hala.. pa'no na 'to? Baka matanggal ako sa trabaho."

"Gosh! Pwede mo namang dalhin 'yan sa condo ni President eh. Alam ko kung saan 'yon." Sabat ni Ezra.

"Kung gusto mo ikaw na lang magdala." Umaasang saad ni Ashley.

"Of cour—" hindi natapos ni Ezra 'yong sasabihin niya nang sumabat si Alira.

"Hoy! Anong ikaw?! Marami pa tayong tatapusin dito, 'no! Kay Izy mo na lang ipahatid, tapos na naman 'yan." Umirap si Alira.

Nanlaki ang mga mata ko, "ayoko nga!"

"Bakit naman? Tapos na naman yung task mo 'di ba?" Nagtatakang tanong ni Saidee.

"Kasi.. uhm.. ano.." hindi ako makapagsalita. "Nakakatakot kaya si President De Verrio!"

Kasi masiyadong awkward!

"Hindi naman kaya siya nakakatakot. Med'yo lang." Nakangusong sabi ni Ezra 'saka humarap kay Alira. "Ayaw niya daw, ako nalang, please." Pumungay ang mga mata n'ya.

"Ikaw talaga! Inuuna mo ang harot sa trabaho! Bahala ka! Si Izy ang magdadala sa ayaw at sa gusto niya, hmp!" Seryosong sambit ni Alira.

"Ibigay mo na kay Ezra—" hindi ko naituloy ang nais kong sabihin nang bigla nalang sumigaw si Saidee.

"Hep! Stop na Izy. Ikaw na ang pumunta." May inihagis siyang susi na nasalo ko naman agad. "Gamitin mo na lang ang kotse ko. Itetext nalang ni Ezra ang address."

Wala na akong nagawa nang ibigay sa 'kin ni Ashley ang limang makakapal na folder. Napabuntong hininga nalang ako 'saka lumabas.

Pinaharurot ko agad ang sasakyan nang malaman ang pupuntahan ko. Isang high-class condominium ang narating ko. Napairap ako. May bago na pala siyang condo? Psh!

Hinanap ko agad ang room number niya. Hindi ko kailangang magtagal dahil ibibigay ko lang naman ang importanteng report at updates na 'to.

Pinindot ko ang doorbell ng halos tatlong beses bago bumukas ang pintuan.

Nahugot ko ang hininga ko nang bumungad si Ryle. Magulo ang buhok niya at pupungas pungas ang mga mata. Maluwag ang necktie niya at bukas ang tatlong butones ng polo niya. Wala na rin siyang suot na blazer at tanging polo at pants nalang ang natira. Napalunok ako at nagiwas ng tingin. Bakit ang hot niya?

"Uh.. sir, dala ko po ang reports ni Ashley Asedillo. Importante po 'to dahil kailangang maipasa sa inyo ngayong araw."

Binuksan niya ng malaki ang pintuan. "Come in," aniya sa mahinang boses.

Kumunot ang noo ko ng mapansing may kakaiba sa kan'ya. Hmm?

Nilapag ko sa coffee table ang mabibigat na folders at hinintay siyang maupo sa harapan ko. Pagewang-gewang siyang naglakad at naupo sa tabi ko. Nanlaki ang mga mata ko nang maamoy ang alak. Lasing ba siya??

"Izy.." nagtindigan ang lahat ng balahibo ko nang bigla na lang niya akong yakapin.

"H-hoy!"

"Hmm?" Mahinang ungol niya sa tainga ko.

"Lasing ka na, jusko!"

Nagpanic ako at pinilit na humiwalay sa yakap niya. Tumayo ako at napilitang dumiretso sa kusina niya para kumuha ng tubig.

Sa bar counter ay nakita ko ang bote ng alak, babasaging baso at isang bowl ng ice cube.

Napahilot ako ng sentido. Nag-inom nga siya.

Kumuha ako sa ref ng malamig na tubig at nagsalin sa baso. Tumalikod na ako para sana puntahan siya sa sala pero hindi ko inaasahang siya ang bubungad sa 'kin.

Muli niyang hinapit ang baywang ko isinandal ang ulo sa balikat ko.

"Izy.." nabitawan ko ang hawak kong baso nang maramdaman ang hininga niya sa leeg ko. Tangina!

Dahan-dahan ko siyang itinulak at nilingon ang nabasag na baso. Nakaka-isang hakbanag palang ako papalapit roon ay nahila na naman niya ang bewang ko.

Napapikit ako nang tumama ang likod ko sa bar counter. Ang sakit!

Tiningnan niya ako ng diretso sa mata. Labis ang kabog ng dibdib ko at hindi ko alam ang gagawin ko. Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ang palad niya sa likod ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng mga daliri niya sa balat ko. Humahaplos iyon sa parte ng likod ko na tumama sa counter.

Awtomatikong akong napakapit sa braso niya nang sunggaban niya ako ng halik. Dahan dahang gumalaw ang mga labi niya. Humigpit ang kapit ko sa braso niya ng maramdaman ang dila niya sa loob ng bibig ko. Nalalasahan ko na ang alak na ininom niya at gaya ng alak na 'yon, nakakalasing rin ang mga halik niya. Kulang na lang ay sabayan ko siya sa ginagawan niya.

Tangina, Izy! Lasing siya, okay! Lasing siya!

Mabilis akong bumalik sa huwisiyo at itinulak siya ng malakas. Nawala ang balanse niya at bumagsak sa sahig. Sumandal siya sa refrigerator at pumikit habang may ibinubulong.

Napakapit ako sa counter dahil sa panghihinang nararamdaman. Ilang minuto rin akong nanatiling gano'n bago makarecover.

Niyugyog ko siya.

"R-ryle.." mahinang ani ko. Hindi siya sumagot. Malamang ay tulog na siya.

Kahit nahihirapan ay pinilit ko siyang buhatin at dalhin sa isa sa mga kwarto sa suite niya.

Nanginginig ang mga daliri ko habang tinatanggal ang butones ng polo niya. Nang matapos ay kumuha agad ako ng malamig na tubig at pinunasan siya. Humanap ako ng maayos na t-shirt sa closet niya at pahirapang isinuot sa kan'ya.

Inayos ko din ang posisyon niya sa higaan at nilagyan ng kumot sa katawan. Nilinis ko ang mga kalat niya sa kusina— maging ang nabasag na baso. Matapos 'yon ay ipinagtimpla ko siya ng paborito niyang kape. Iniwan ko 'yon sa side table niya at hindi na nag-iwan ng kung ano mang sulat o note.

Nagmadali ako sa pag-dadrive pabalik sa company.

"Izy, bakit ang tagal mo? Malapit na kaya tayong mag-out." Pambungad ni Saidee. Ibinigay ko sa kaniya ang susi at nagpasalamat bago sagutin ang tanong niya.

"Natraffic ako.. t-tsaka maraming t-tanong si President D-de Verrio."

Kumunot ang noo niya bago dahan dahang tumango.

Napalunok na lang ako nang pumasok sa ala-ala ko ang mga nangyari kanina. Arghh! Tangina!

Ano nalang ang sasabihin nang haliparot niyang girlfriend? Kung, pati itong ex niya haliparot rin gaya niya.

That Hot C.E.O Is My Ex- Boyfriend (Complete) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang