CHAPTER 01

64 5 0
                                    

["Thank you!"] Huling salita mula sa kabilang linya bago matapos ang tawag.

Whoah! Thank god! Natanggap rin sa trabaho. De Verrio's Group of Company, 'yan ang company na pinasukan ko. Alam kong pagaari yan ng pamilya ng ex-boyfriend ko. Pero kampante akong hindi ko siya makikita diyan, dahil hindi siya sa Pilipinas nagpatuloy ng pagaaral, kung hindi sa ibang bansa. Malamang ay doon na siya nagtrabaho. Alam ko ding pinsan ng daddy niya ang namamahala sa company. Kaya it's a great opportunity na matanggap ng company nila. Bukas na nga ang start ko eh. Last week pa talaga sila tumawag, ininform lang nila ako ngayon na bukas na ang simula ko sa trabaho.

"Papa, saan lakad mo?" Tanong ko kay papa nang magpunta ako sa sala.May isang maliit na maleta kasing nakahanda.

"Pasensya na, hindi ko nasabi sa'yo. Masiyado ka kasing busy this fast few days. Magi-stay ako sa Davao for a week, anak. Malaki ang project na inalok sa akin and there's no way I'll be rejecting that." Paliwanang ni papa.

Sabay sabay kaming kumain. Nagpaplano akong kumuha ng katulong, siguro, after a month ng pagtatrabaho ko. Para may katulong si mama sa bahay, mediyo tumatanda na kasi si mama—hindi lang halata.

"Ate, diba, yung ex mo may ari ng company na pinasukan mo?" Tanong bigla ng masungit kong kapatid na si Kean.

"Pamilya niya, hindi siya."

Hindi niya ako sinagot at inirapan lang. Kung umasta, kala mo mas matanda sakin, 16 years old lang naman. Nagtataka nga ako kung bakit ang daming nagkakagusto diyan, eh ang sungit sungit naman. Oh, I forgot, napakagwapo pala niya, ugali lang panget.

KINABUKASAN, maaga akong nagising at naghanda para sa unang araw ko sa De Verrio's Group of Company. Nag-taxi nalang ako. Gagamitin ko dapat kotse ni papa dahil hindi naman niya dala, pero inunahan ako ni Kean. Err, kala mo naman may sarili ng lisensiya.

Nang makarating ako sa company ginuide agad ako ng isa sa company stuff. Napatayo lahat ng tao sa isang malaking kwarto nang pumasok ako.

"Hello everyone. I'm Izy Vivreighn Azcona, your new head. I may not be as good as your previous head, but I promise to do my best."

Sabay sabay nila akong binati at binigyan ng matamis na ngiti.

Sa unang araw ko, sinubok agad ang kakayahan ko. Trabaho agad. Madaming paperworks ang kailangang i check at papirmahan sa mismong C.E.O. Ang department kasi namin ang hawak ng C.E.O, nandito daw ang pinakamagaling na workers. Kaya nga, sobrang swerte ko na ako ang naging head ng department na ito. At masuwerte rin ako dahil hindi sila nagreklamo sa company, dahil sa pagha-hire nito ng bagong head imbis na mag-promote.

Kasalukuyang lunchbreak, at napagpasiyahan kong dito nalang sa office maglunch.

"Welcome, Ms. Izy, ako pala si Ezralein. Ezra nalang, officemates tayo." Pakilala ng officemate ko.

"Ah, hello. Nice too meet you."

Gaya niya ay nagpakilala rin ang iba. Ang bait nila!

Matapos ang trabaho ay napagpasiyahan ng lahat na dumiretso sa pinakamalapit na restaurant para sabay sabay na magdinner. Iyon narin daw ang nagsilibing welcome party nila para sa'kin. Ang bait nila kahit mediyo loko loko sila.

"GOOD morning Izy, alam mo na bang meron tayong bagong C.E.O??" Bungad ni Ejay, pagkapasok ko palang sa office para sa ikalawang araw ko sa trabaho.

Bagong C.E.O??

"Talaga?? Hindi ako aware diyan."

"Oo, at ang balita pa ay 25 years old lang ito. Ngayon raw ang dating." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sigurado ka? Ako ang head pero bakit hindi ako aware?"

"Ewan." Nagkibit balikat lang siya at iniwan ako.

"Good morning, Izy." Bati pa ng isang officemate ko. Sinuggest ko kasing Izy nalang ang itawag nila sakin at huwag na maging formal.

"Morning!"

Dumiretso agad ako sa table ko at inopen ang P.C para magcheck ng files. Habang naghihintay, lumapit muna ako kay Ezra.

"Totoo bang may bago tayong C.E.O??"

"Ay, hala! Hindi ka ba nainform, Izy?"

"So totoo nga?"

"Yes!"

Binaling ko nalang sa pagchecheck ng files ang atensiyon ko. Hanggang sa may sumigaw.

"Parating na ang President, mag ayos na kayo!" Sigaw ng co-head namin na si Alira.

Nataranta naman ang lahat at inayos ang mga gamit nila, maging ang mga itsura nila. Tumayo ako at inipon lahat ng folder, ibibigay ko ito kay Saidee, siya na ang bahala dito.

Naglakad ako patungo sa direksiyon ni Saidee ng biglang bumukas ang pintuan.

Halos mahugutan ako ng hininga ng makita kung sino ang iniluwa ng pintuang iyon. OH MY GOSH!

"Good morning President Azier." Sabay sabay na bati ng lahat at sabay sabay na tumungo maliban sa akin.

R-ryle...

Mabilis din akong napatungo ng bumalik ako sa huwisyo. Dahan dahan ko ring pinulot ang mga nalaglag na floders. Nabitawan ko pala ito ng hindi ko namamalayan.

"S-sorry," halos walang lumabas na boses sa bibig ko.

Dahan dahan akong nag angat ng tingin sa kaniya, walang reaction ang mukha niya nang magsalubong ang tingin namin. Ako na ang naunang nagiwas.

Nanginginig ang mga tuhod ko habang naglalakad papunta kay Saidee. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ramdam ko rin ang pamamawis ng noo ko. Tangina?!

Nang maibigay ko kay Saidee ang mga folders ay may mga ngisi sa labi niya.

Binati ni Ryle ang lahat at kung ano anong pinagsasabi. Pero wala akong naintindihan. Ayaw mag sink in sa utak ko na siya ang bagong C.E.O ng company na ito.

Nang makalabas na siya kasama ang mataray niyang secretary ay nakahinga na ako ng maluwag. Bigla naman akong kinalabit ni Saidee.

"Gwapo niya 'no? Natulala ka eh."

"Ah, n-nagulat lang ako. A-ang bata pa niya kasi para m-maging C.E.O."

Lalo lang lumawak ang ngisi ni Saidee. Hayys, ano ba naman ito?!

Bumalik nalang ako sa table ko. Usap usapan sa office si Ryle. Kesyo ang gwapo raw, ang hot, sana maging boyfriend daw nila.

"Izy, hindi ba't napakagwapo ni President? May girlfriend na kaya siya??" Kinikilig na wika ni Ezra.

Girlfriend...?

"E-ewan ko,"

Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero... Parang kapag naiisip kong may girlfriend si Ryle at hindi ako yon... Kumikirot ang puso ko, nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa hindi malamang dahilan.

"Hoy! Natulala ka diyan, Izy!" Biglang sigaw ni Ezra.

"May naalala lang ako."

Hindi ko na binigyang pansin pa ang bawat isa at nag focus nalang sa trabaho ko.

That Hot C.E.O Is My Ex- Boyfriend (Complete) Where stories live. Discover now