CHAPTER 11

84 4 0
                                    

WARNING :THIS CHAPTER MAY COINTAIN SOME SPG SCENES. READ AT YOUR OWN RISK.

"Good morning, Izy. Sama ka samin nila Ashley tomorrow?" Bungad ni Alira nang makarating ako sa office.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"Bibili na kami ng gift para sa birthday party ni President mamaya. Sasama rin si Saidee at Ezra."

Napaisip muna ako sandali bago sumagot.

"Sige," tipid na sagot ko at ngumiti. Bumaling naman ako kay Ejay na hindi man lang ako binati. "Psst! Ejay!" Tawag ko kaya napalingon siya sa 'kin.

"Bakit?" Kumunot ang noo ko nang mapansing hindi siya nakangiti.

"May problema ka ba?" Nag-aalinlangan kong tanong.

"Wala, 'no. Pagod lang ako!" Bumuntong hininga siya at ngumiti ng pilit.

"Ayan kasi.. 'Wag ka kasing magbabad sa trabaho. Pahinha din pag may time." Nginitan ko siya pero pilit at tipid na ngiti lang ang sagot niya.

"Izy!" Tawag bigla ni Kevin.

"Oh?" Tinaasan ko siya ng kilay, baka kalokohan na naman 'yan, jusko!

"May boyfriend ka na ba?" Sabi ko na nga ba eh..

Boyfriend? Boyfriend ko ba si Ryle? Pero wala na naman kaming label eh. Ugh! Nalilito ako.

"W-wala?" Hindi siguradong sagot ko kaya kumunot ang noo niya. "Wala, single ako. Bakit?" Inayos ko ang tono ng boses.

"Yown! Single naman pala, eh. SINGLE!" Parang tangang sabi niya. "Nga pala, gusto ko lang itanong, haha!"

Umirap nalang ako, ang weird.

LUNCH time na namin, nagpaalam na lang ako sa kanila na sa labas na lang magla-lunch. May usapan kasi kami ni Ryle na sabay kakain ng lunch.

Nag-punta ako sa parking at hinintay siya.

"My birthday is coming," pagbasag ni Ryle ng katahimikan sa loob ng kotse. "I want a gift."

Lumingon siya sa'kin at ngumiti na parang bata. Ang cute, arghhh!

"Bakit mo sinasabi sa 'kin 'yan?" Tumaas ang kilay ko.

"I want a gift.." nakita ko ang pagsimangot niya "..from you," dugtong niya.

"Of course, reregaluhan kita. Ang sama naman yata kung pupunta ako sa party mo ng walang dalang regalo." Umirap ako 'saka tumawa. Narinig ko pa ang mahina niyang 'tss'.

Naging mabilis ang oras, out na namin. At inihatid ulit ako ni Ryle dito sa apartment ko. And guess what.. ayaw niyang umuwi. Gusto niya daw matulog dito.

"Come on, baby.." napatigil ako sa pagluluto nang marinig ang sinabi niya. Pakiramdam ko nag-init ang magkabila kong pisngi. Ba't ba ako umaakto na parang isang teenager? Gosh!

"Next time na lang nga," tumalikod na lang ako at inihanda ang dinner namin.

Mabuti na lang at napilit ko siyang umuwi. Muntik pang magdrama, ayaw ko daw siyang kasama.

ILANG ARAW na ang lumipas at kasalukuyan akong naghahanda para sa birthday ni Ryle. Naka suot ako ng long red gown. Hapit na hapit ito sa katawan ko at halos makita na ang kabuuan ng likod dahil backless ito. May slit din ito sa kanan, dahilan para makita ang legs ko. Dark ang pagkared nito at napapalibutan ang bawat parte ng kumikinang na diamonds. Si Saidee ang tumulong sa 'kin sa 'kin pumili ng gown, sa una ay masiyado akong nalalaswaan pero bumagay naman sa kin.

Ang buhok ko naman ay naka-messy bun. May ilang takas na buhok din sa harapan ng mukha ko. Simpleng make up lang ang nasa mukha ko, ngunit masasabi kong napakaelegante ng itsura ko.

That Hot C.E.O Is My Ex- Boyfriend (Complete) Where stories live. Discover now