CHAPTER 08

81 6 0
                                    


Nabulabog ang office namin nang bumukas ang pintuan. Bumungad sa 'min si President De Verrio at sina Allen at Brix tsaka si Rianna na naman, psh!

Nagsalubong ang tingin namin ni Ryle pero mabilis din siyang umiwas. Alam niya kaya yung ginawa niya kahapon? Isang beses ko pa lang naman kasing nakitang malasing si Ryle, pangalawa 'yong kahapon. Mataas kaya ang tolerance niya sa alak.

Nagbigay lang siya ng kaunting announcement para sa event bukas. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kaniya at hindi man lang niya ako sinulyapan, guilty??

Napangisi ako 'saka umupo sa swivel chair ko. Sinimulan ko nalang ulit ang trabaho. Nang mag-out na ay nagpasiya si Ejay na ihatid ako, hindi na din ako umapila.

"Izy, susunduin kita bukas, siguraduhin mo lang na hindi masama ang pakiramdam mo." Tumawa si Ejay.

Tanging pag-irap lang ang isinagot ko.

"Sige na, bye beautiful!" Kumaway siya at kinindatan pa ako dahilan para matawa ako.

Pinaalis ko na lang siya at pumasok na sa loob ng bahay.

KINUBUKASAN, finalization lang ang ginawa namin dahil nga sa gaganaping event.

"Grabe naman 'to! Sunod sunod 'yong occassions! Next week pala ay birthday na ni President at may invitation ang department natin para sa formal party niya." Namamanghang sabi ni Alira.

"Oh my gosh! Talaga ba? Yes! Kailangan kong magpa derma para fresh ang beauty ko sa birthday ni President, hihi." Malanding tumawa si Ezra.

Natawa ako nang pabirong sabunutan ni Alira si Ezra.

"Napaka-harot mo talagang babae ka! Grr!"

Lahat kami ay nagtawanan. Inayos na namin ang mga gamit namin saka maagang umuwi. Hinatid ulit ako ni Ejay.

Sandali muna akong nagpahinga pagkarating ko sa bahay. Matapos ang pahinga ay nagsimuka na akong maghanda.

Nagsuot lang ako ng tube-cutted cocktail dress na kulay yellow. Simpleng cocktail dress lang 'yo pero napaka-formal ng dating.

"Wow! Ganda natin, ah?" Ani Ejay habang nasa loob ako ng kotse niya.

"Siyempre," ngumisi ako.

Pinaandar na niya ang kotse papunta sa venue. Nang makaeating ako roon ay pinaulanan agad ako ng papuri. Well..

"Ang ganda!" Kinurot ni Alira ang bewang ko kay napatawa ako.

Mabilis na nag-simula ang event. Nakangiti ako ng matamis pero laking gulat ko nang tumigil sa table namin yung daddy ni Ryle. Awtomatikong napatingin siya sa 'kin.

Napalunok ako, hindi ako sigurado pero parang sinasabi niya ang salitang 'sorry' sa paraan ng pagtingin niya sa 'kin.

Kinamusta niya lang ang department namin.

"We're fine, sir, it's our pleasure to meet you." Magalang na sabi ni Alira. Sumang-ayon naman ang lahat.

Nakagat ko nalang ang labi ko 'saka umiwas ng tingin.

Nang magsimula na ang event ay nagpunta sa unahan ang mga may matataas na posisyon sa kumpaniya. Napairap ako nang makitang nakakawit na naman sa braso ni Ryle si Rianna. Arghh!

Nakinig lang ako sa mga sinasabi nila hanggang sa matapos 'yon.

Tumayo ako at humingi ng wine sa waiter. Naglakad ako papunta sa direksiyon ni Rianna at sinadiyang tapunan siya ng wine.

"Oops," gulat kong sabi.

"Ugh! It's you again? Grr! I already told you to be careful! Sinasagad mo talaga ang pasensiya ko."

"I'm sorry po," yumuko ako at palihim na ngumisi.

Hindi naman talaga ganito kasama ang ugali ko. Kailangan ko lang ilabas 'yong nararamdaman ko. Baka kasi maipon at sumabaog ng hindi inaasahan.

Umayos ako ng tayo nang talikuran niya ako.

"Hala, Izy, ayos ka lang?" Tanong ni Saidee. "Nakita ko 'yong nangyari."

"Oo, hindi ko naman sinasadiya, ang sama ng ugali niya."

"True, alam mo ba no'ng nagkasalubong kami, sinigawan ba naman ako. Hinaharangan ko daw 'yong daraanan niya." Umirap si Saidee. "Ang bad! Tinakot pa akong tatanggalin sa trabaho like duh! Hindi niya pag-aari 'tong company. Business partner lang siya, hmp!"

Tumawa lang ako at dumiretso sa c.r. Inayos ko ang sarili ko bago lumabas.

"Sus maryosep!" Napatalon ako sa gulat nang makita si Ryle.

"Uh.. can I talk to you?" Nagaalinlangan niyang tanong.

Kumunot ang noo ko at marahang tumango.

"In private.." dagdag niya.

Pumayag ako at sinundan nalang siya. Sumakay kami ng elevator. Sa hotel kasi ginanap ang event eh.

Hindi ko inaasahang sa rooftop niya ako dadalhin. Sinilip ko ang view, puro matataas na buildings. City lights..

"I'm sorry, sa nangyari no'ng gabing pumunta ka sa condo ko.. I was drunk."

Nilingon ko siya pero diretso lang siyang nakatingin sa kawalan.

"Okay lang 'yon, naiintindihan ko."

"Right.. and thank you, also.."

Bumuntong hininga ako.

"Sorry din.."

Ramdam ko ang paglingon niya sa 'kin.

"Sorry for what?"

Napangisi nalang ako at umiling-iling. Ilang minutong namayani ang katahimikan sa aming dalawa bago niya 'yon basagin.

"Do you know why I left this country, four years ago?"

Kahit nagtataka ay sumagot ako.

"Why?"

Huminga siya ng malalim bago magsalita.

"It's because I want to moved on from you."

Suminghap ako.. ibig niya bang sabihin naka-move on na siya sa 'kin?

"I left because I want to forget you. Gusto kitang kalimutan, Izy... Gusto kitang kalimutan kahit alam kong imposible."

Nagtataka ko siyang pinagmasdan. Nakatingin pa rin siya sa kawalan.

"I-imposible? Madali lang akong kalimutan, Ryle..."

"Akala mo lang.. you don't know how hard it is.. or how impossible it is to forget you, Izy. I do my best to moved on but I realized that I can't."

Napahawak ako sa dibdib ko nangaramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

"I've done everything. I try to find another girl but I failed. Your unique, wala kang katulad."

"R-ryle.."

"Sinubukan kong humanap ng iba kahit alam kong sa huli.. babalik at babalik pa rin ako sa 'yo. I will always come back here to find you. I will always come back to you." hindi ako maka' kibo.

P'wede pa, kung walang hahadlang sa pag mamahalan nating dalawa. Pero ang tanong meron pa kaya? Gusto kong sabihin iyan mismo sa harap niya. Ngunit wala akong lakas para ituran sakaniya.

Sa ilang buwan kong namamasukan sa kompanya nila, ni minsan hindi ko na nasinagan ang mommy niya. Ang rason kung bakit nag hiwalay kaming dalawa.

Smooth na eh, ayos na sana. Kaso iba pala talaga pag laking mayaman ang isang tao. Na animoy ang mahirap ay, para lamang sa mahirap. At ang mayaman ay, para lamang sa mayaman. So, saan kami lalagay? Middle class kami tapos ang pamilya nila ang namamahala sa isang sikat na kompanya.

That Hot C.E.O Is My Ex- Boyfriend (Complete) Where stories live. Discover now