CHAPTER 10

75 5 0
                                    

WARNING: MEDYO SPG

"Wow, blooming!" Bungad ni Saidee nang makarating ako sa office.

Well, magkasama kasi kami ni Ryle buong weekend. Nagpunta rin kami sa bahay namin at tuwang tuwa si mama at si Kean na makita kami, haha.

"Ganda ng gising natin, ah!" Tumaas ng kilay ni Ejay.

"Naman!" Ngumisi ako bago maupo sa swivel chair ko.

"Izy, may good news ba? Ang saya mo ata." Tanong ni Ezra. Nagkibit balikat lang ako at ngumisi. Ang saya ko talaga.

Nagulat kami ng may kumatok sa office namin. Isa siya sa staff ng company na may dalang bouquet ng flower.

"Para kay miss Izy Azcona daw po." Lumapit si Ashley at siya na ang kumuha ng bulalak. Lumapit siya sa 'kin at inilapag 'yon sa table ko.

"Wow! May secret admirer ka?" Namamanghang sambit ni Marco.

"Baka naman si Ejay 'yan, ha!" Tumawa si Kevin kaya binatukan siya ni Ejay.

"OMG! Bashin mo, may letter, oh." Tinuro ni Ezra ang maliit na card.

Tiningnan ko muna ang bulaklak, pink tulips? Paboritong bulaklak ko 'yon, ah!

'I miss you' lang 'yong nakasulat doon. Napangiti ako sa hindi malamang dahilan. May side sa isip ko na sinasabing si Ryle ang nagpadala nito pero may side ding nagsasabing sa secret admirer ko 'to galing.

"Kyaaaahhh! Sana all! Kanino kaya galing 'yan?" Malakas na tili ni Ezra.

Biglang nag vibrate ang phone ko.

From: Ryle

Flowers for you.

Tumaas ang kilay ko. Bakit ba ang sweet niya? Hindi naman siya ganito ka sweet dati.

Napangisi na lang ako at inilagay ang bouquet sa gilid.

"Nakangiti siya, 'oy! Kilala mo 'yan 'no?" Pangaasar ni Alira.

"Huh? Ewan ko, hindi ko kilala." Pagsisinungaling ko. "Nagandahan lang ako sa flowers, favorite ko 'yon eh."

"Sana all!" Humagikgik sa tabi ko si Saidee.

Umirap lang ako 'saka bumalik sa trabaho. Oras na ng lunch pero ni isa ay wala pang naglalunch sa 'min. Masiyado kasi kaming busy.

"Izy, ikaw na magdala nito kay President. Kailangan ko pang i-assist si Ezra." Binigay sa 'kin ni Alira ang folders. Simpleng tango lang ang isinagot ko at lumabas na ng office.

Pumasok ako sa office ni Ryle pero hindi ko inaasahang may makakasabay ako.. si Rianna.

Inirapan niya muna ako at 'saka naunang pumasok.

May pinipirmahang folder si Ryle nang makapasok kami.

Lumapit si Rianna sa kan'ya at may inilapag na lunch box.

"Kumain ka na, Azier." Malambing nitomg sabi at binuksan ang lunch box. "That's sinigang na hipon. Ako mismo ang nagluto niyan."

Napangiwi ako habang pinagmamasdan siya. Sinigang na hipon? Seriously? Papakainin niya si Ryle ng sinigang na hipon?

"Why are you staring?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Kasi baka isugod sa ospital si sir kapag kinain niya 'yan." Kaswal kong sabi

"At bakit naman?" Sumama ang tingin niya sa 'kin. "Kakainin 'to ni Azier because I cooked it for him."

"Allergic siya sa shrimp." Naiinis ko siyang pinukulan ng tingin. Subukan niyang ipakain kay Ryle 'yang sinigang na hipon niya, malilintikan talaga siya sa 'kin.

"T-talaga ba?" Nahihiya niyang tanong kay Azier na tumango lang at palihim na ngumisi. Bumaling sa 'kin si Rianna. "How did you know that?"

"Hula lang po," Ngumiti ako ng peke kaya inirapan niya ako.

"Uh.. I'll buy you a lunch nalang." Hindi na niya hinintay ang sagot ni Ryle at lumabas na agad.

"Hmm?" Tumaas ang kilay niya habang pinagmamasdan ako. "You look irritated."

"Kairita kasi si Rianna," umirap ako at inilagay sa harap niya ang folder.

"Naglunch ka na?" He lean closer to me.

"Mamaya na," inilibot ko ang paningin ko. "May c.r ka dito? I need to pee."

"Yeah, there.." itinuro niya ang pintuan sa kanan kaya dumiretso ako doon.

Umihi agad ako nang makapasok. Naghuhugas ako ng kamay nang biglang bumukas ang pintuan ng c.r.

"I miss you," ngumisi si Ryle bago ilock ang pinto ng c.r, lumapit siya sa 'kin at niyakap ang bewang ko.

"Alam ko," pamimilosopo ko.

"Don't you miss me?" Sumimangot siya at inilapit ang mukha sa 'kin. Napasandal tuloy ako sa lavatory.

"Of course I miss you, tinatanong pa ba yan?" Umirap ako.

Ngumisi siya at lumapit pa lalo hanggang sa mahalikan ang labi ko. Ipinulupot ko ang braso ko sa batok niya at sinabayan ang paghalik niya. Naramdaman ko ang kamay niya batok ko at mas lalong pinapalalim ang halikan namin.

Hindi ko napigilan ang ungol na lumabas sa bibig ko ng kagatin niya ang ibabang labi. Oh god! Patuloy pa rin kami sa paghahalikan hanggang sa bumaba na ang halik niya sa leeg ko.

"R-ryle," nagmistulang ungol ang boses ko.

"Damn!" Mahinang mura niya gamit ang paos na boses.

Muli akong napaungol nang marahan niyang kagatin ang balat ko. Nasabunutan ko ang buhok niya at mariing napapikit dahil sa sarap na dulot nito. Kanina ko pa din nararamdaman na parang may kumikiliti sa tiyan ko.

Mahina akong napamura nang maramdaman ang kamay niya sa dibdib ko. Ramdam ko rin ang marahang paghaplos niya roon kahit may damit pa ako. Ilang sandali lang ay natanggal na niya ang mga butones ng blouse ko.

"Shit," mahinang mura ko ng maramdaman ang mainit niyang palad sa likod ko, gusto niya yatang i-unhook ang bra ko.

"Fuck, Izy," humahangos na aniya.

Ramdam kong tatanggalin na niya ang bra ko nang biglang nag-ring ang phone niya.

"Putangina," napaayos siya ng tayo at naiinis na kinuha ang phone niya sa bulsa. "Hey, motherfucker! Make sure it's important." Galit na singhal niya sa telepono.

Napakapit ako sa lavatory. Nanghihina ako at sobrang disappointment ang nararamdaman ko. Nakagat ko ang labi at iwinaksi ang iniisip. Inayos ko nalang ang damit ko. Tumalikod ako at humarap sa salamin. Mariin akong napapikit nang makitang may dalawang hickey roon.

Napilitan tuloy akong tanggalin sa pagkakaponytail ang buhok ko at ilugay para matakpan ang hickey. Lalagyan ko na lang ng concealer mamaya.

"Hey.." tawag ni Ryle habang yakap yakap ako mula sa likod. Pinagmamasdam ako sa salamin. "You're face is so red, damn! It's tempting me!"

Sumimangot ako at inalis ang pagkakayakap niya mula sa likod. "Mag-lalunch na ako." Inirapan ko muna siya bago iwanan sa loob ng c.r.

Nag-madali ako sa paglabas ng office niya. Nakita ko rin si Rianna na ang sama ng tingin sa 'kin. God, Ryle! You're making me crazy!





That Hot C.E.O Is My Ex- Boyfriend (Complete) Where stories live. Discover now