Panandalian nanahimik si Boguz at saka nagsalita "Pero may mali ee. ." sabi niya
"Ano naman yun?" tanong ko - Ping
"Hindi ako lubos na masaya na malaman andito siya, may parang kung ano na pinipigilan ako" sabi ni Heinz "Ewan basta" dagdag niya
"Hindi ka pala masaya? Hindi pala celebration 'tong ginagawa naten? Potaa ka, ee di itigl na natin 'to! singit ko - Biboy
"Sige pre makakauwe ka na" seryosong sabi ni Boguz "Ayos lang kung dalawa na lang kami ni Ping" dagdag niya
"Just kidding lang yun Boguz!" sabi ko - Biboy
"Hahaha" hindi ko na napigilan tawa ko dahil sa mukha ni Biboy na seryoso at nagmamakaawa xD - Ping
"Just kidding lang din yun pre. Wahaha xD" natatawang sabi ni Boguz "Tangina mo Biboy!! Haha xD"
"Akala ko naman seryoso ka talaga pre. Haha xD
Pero nga pala, kamusta na kayo nung kahawig ni Hailey Williams kamo? Si. . uhm. . Si Io Jade" sabi ko dahilan para tumigil sila sa pagtawa - Biboy
"Aa.. ayun ba? O-okay lang. Tropa pa din naman kami" nauutal na sabi ni Boguz
"Akala ko nagkabalikan kayo? Stress yun kung sakali, nagkabalikan kayo tapos babalik si Karin! Tsk tsk" komento ko
"Uo nga. . Sobrang hirap nga nun! Tsk :/" sabi ni Boguz sa malungkot at malalim na boses
"Kung ako yun, wala akong pipiliin! Kasi kapag may piliin ako may isang masasaktan at may isang masisiyahan. Pero para patas ang laban, wala na lang akong pipiliin" sabi ko bago ko ininom yung shot ko at binalik ang shot glass kay Boguz
"Ulul 'boy!! Sa'yo pa talaga nanggaling yan? Para ka ngang mamamatay kapag wala kang syota sa katawan" sabi ni Boguz na nakangiting sarkastiko
"Uo, kasi gusto ko malaman na may nagmamahal sakin at may minamahal din ako. Kung ganun kasi yung sitwasyon, hindi ko masasabing pagmamahal yun ee. Kundi lokohan. Hindi mo pwedeng mahalin ang dalawang tao sa parehong oras at panahon. Masasaktan at masasaktan mo sila parehas. Mas mabuti na wala ka na lang piliin. Mas patas!" seryosong sabi ko para depensahan naman ang aking panig
"Okay. . Walang pagmamahal 'boy.. Wala. Wait lang. Bili lang ako yosi?" malungkot na sabi ni Boguz at sabay tayo
"Oh. Dagdag mo na. Saka bili kang dalawang malaking Red Horse" pahabol ko sabay abot ng pera kay Boguz "Ikaw 'boy, wala ka bang ipapabili o iaambag?" patuloy ko - Ping
"Wala ka namang sinabi kanina, sabi mo lang kunin ko lang damit ko at suotin ko. Wala kang sinabing kumuha ako ng pera!" sagot ko na medyo nainis na din kasi totoo naman ee, wala naman talaga siyang sinabi - Biboy
Nakakapanghinayang na magtanong kay Biboy nang mga bagay minsan, kaya mas pipiliin ko na lang na manahimik. Tsk - Ping
Tsss! Shut up nigrow! - Biboy
Third Person POV
Pagkabalik ni Heinz ay agad nilang pinagpatuloy ang kanilang inuman. Inubos nila ang isa pang bote ng Empirador Lights at sinunod naman ang dalawang bote ng malaking Red Horse
Umaga na nang matapos ang inuman nilang tatlo. At dahil na din siguro sa sobrang kalasingan ay doon na napagdesisyunan ng dalawa na matulog
Niligpit nila ang kanilang mga kalat at kumain na din nang almusal saka sila umakyat sa kwarto ni Heinz
Sa sofa nahiga si Luigi sa kwarto ni Heinz at sa sahig na may kutson naman nahiga si Biboy. Nahiga na din si Heinz sa kama niya at pumikit. Nagulat siya nang biglang mag-vibrate ang cellphone niya dahil sa text message galing kay Karin
from: Karin
- beybi ko! Good morning!! Tara movie date tayo mamaya. Sama mo na din yung mga tropa mo para masaya tayo :)
(Beybi ko ang original na tawagan nila ni Karin)
from: Karin
- Anong oras ba out mo mamaya?
Agad naman akong nagreply
To: Karin
- Hindi ako papasok. Txt mo lang ako
at wala pang ilang minuto ay nagreply siya
From: Karin
- ok beybi ko! See you then :*
Hinanap ni Heinz ang kanyang headset, kinabit ito sa kanyang cellphone at sinalpak sa tenga. Pinikit niya na lang ulit ang kanyang mata at maya-maya lang ay agad nang nakatulog dahil sa antok at sa kalasingan
--- END OF CHAPTER 27 ---
Sorry sa napaka-SLOW UPDATE dahil SAT at SUN lang ang restday ko T_T. Sana nga may nagbabasa pa nitong kwento ko. Pasensya na kayo pero kahit sobrang bagal ng UD ko tatapusin ko pa din 'to. Salamat sa mga silent readers at sa mga readers na din. Votes pa sana at comments na din ^_^
Thanks at Enjoy ^_^
YOU ARE READING
Infinite Loop (on Going)
Romance*THIS IS SOMEWHAT BASED ON A TRUE STORY* the names of the characters in these story is altered so no names of anyone whom I know or you know is in it PRIVACY WISE :)
Chapter 27
Start from the beginning
