Chapter 23

58 6 0
                                    

Chapter XXIII : The Dance of Death

"Lahat ng naka pula ay iaalay sa halimaw na Pirawa."

Hindi ko magawang alisin ang munting boses na 'yon ni Ashir sa isipan ko habang tinatahak ang daan patungo sa gitna ng nayon. Gusto ko man tumakbo at magtago na lamang ay hindi ko magagawa dahil sa matindi at mahigpit na pagbabantay ng mga kababaihan.

Kaya ba gano'n na lamang ang mga tingin sa akin ng mga babae? Ni Irana at Iyya?

The other four ladies are also not from here. Ang pagkakaalam ko ay nagpunta ang apat na ito rito para sa kanilang narinig na trabaho. Para sa munting gintong barya, para sa kanilang kumakalam na sikmura ay tinanggap nila ang trabahong wala silang kaide ideya kung ano ang kahihinatnan nila.

What the fuck is this Pirawa monster? Why is it targeting young and innocent ladies?

Nagsimula nang manlamig ang mga kamay ko nang makarating kami sa gitna ng nayon. Mula sa malaking siga na halos mas malaki pa sa dalawang taong pinagpatong ang taas ay lumipat ang tingin ko sa gitna ng malaking entablado. Isa lamang itong malawak at normal na entablado sa unang tingin, ngunit habang tinititigan ko ito ay napansin ko ang isang malaking butas mula sa kabilang gilid ng entablado, ang parte kung saan wala ni isang tao ang nakapwesto.

"Maghanda!" sigaw ng isa sa mga lalakeng may hawak ng tambol.

Naging malikot ang mga mata ko sa paghahanap kay Mishka. Isa isa kong pinanood ang masasayang mukha ng bawat tao na tila ba isa lamang itong normal na pagdiriwang. Hindi ko parin mahanap si Mishka at nagsisimula nang dagain ang puso ko sa pangambang baka may nangyari nang masama rito. Isa isa nang pumanik ng entablado ang mga kasama kong babae na nakasuot rin ng pula. Tumugtog ang malakas na tambol kasabay ang ilang malalakas na palakpakan.

"Ano pang ginagawa mo? Umakyat ka na!" malakas na utos ni Irana sa gilid ko nang mapansin ang pananatili ko sa gilid ng entablado. Napansin ko rin ang mga tingin na ngayon ay iginagawad sa'kin ng mangilan ngilang taong nakapalibot sa gilid ng entablado ilang hakbang ang layo sa akin.

I really can't find Mishka.

Inihakbang ko ang isang paa at tuluyan nang dinaluhan ang apat na babae sa entablado. They're dancing with different rhythms.

"Sayaw Lily!" hiyaw ni Irana sa gilid ng entablado.

How am I supposed to dance gracefully with these bunch of creepy cult followers of the Pirawa?

Narinig ko ang pagsabay ng mga tao sa tunog ng tambol, mabilis ang bawat ritmo ng mga ito at humahalo ang tunog ng naghahampasang mga palamuti na nakasabit sa beywang ng bawat dalagang kasama ko. I started to swing my arms along with the movement of my belly. Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang tinititigan ang malaking butas sa gilid ng entablado.

Malakas ang hiyawan ng mga taga nayon, isama pa ang kanilang walang tigil na pagpalakpak na tila sinasabayan ang tunog ng bawat hampas sa tambol. Ang kanilang mga mata ay nakabaling sa direksyon ko sapagkat sa lahat ng mga dalagang nasa entablado, ako lamang ang natutulala sa mga nangyayari. I saw an old woman whispering with another, base sa kan'yang tingin ay mukhang napagtanto nitong may alam ako sa maaaring mangyari.

Mabilis akong nag iwas ng tingin dahil alam kong kahit na may nakatakip na tela sa kalahati ng mukha ko, mababakas parin ang paghihinala at pagkabalisa sa aking mga mata. I need to dance like the others and wait for Mishka's plan to happen.

Gosh Sage, make it fast.

Mulig kong ikinumpas ang aking mga braso kasabay ang galaw ng aking mga paa. Wala akong alam sa kahit na anong ritmo ng kanilang sayaw, ang tanging ginagawa ko na lamang ay sabayan ang nakakaindayang na tunog ng mga tambol. I spun with my hands above my head. Every movement of my arms speak elegance and grace. I know how to do ballet, it is my one and only hobby when I was young. I'm thankful I could use some familiar movement of my arms to lie in front of these people.

Samsara of the Divine Punishment Where stories live. Discover now